51. Gintong binalot sa pilak; pilak na binalot sa balat.
- itlog52. May alaga akong hayop, malaki pa ang mata kaysa sa tuhod.
- tutubi (dragonfly)53. Lumalakad ang bangka, ang piloto'y nakahiga.
- kabaong na may patay54. Matanda na ang ninuno, hindi os nililigo.
- pusa55. Ako'y may tapad na irog, saan man paroo'y kasunud-sunod; mapaapoy ay di nasusunog.
- anino56. Naupo si Itim, sinundot ni Pula, heto na si Puti, bubuga-buga.
- sinaing57. Tubig na binalot sa papel, papel na binalot sa bato, batong binalot sa balahibo.
- buko58. Nasaing si Hudas, itinapon ang bigas, kinuha ang hugas.
- paggata ng niyog59. Tag-ulan at tag-araw, hanggang tuhod ang salawal.
- manok60. Bahay ni Kiko, walang bintana, walang pinto.
- itlog
BINABASA MO ANG
BUGTONG
Non-Fiction"BUGTONG" (RIDDLE) Ang BUGTONG ay isa sa mga kayamanan ng panitikang Tagalog. Ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino ay nailarawan sa pamamagitan ng mga bugtong. Ang bugtungan ay isang katutubong laro...