31 - 40

1K 4 1
                                    

31. Bahay ni Ka Hula, haligi'y bali-bali, ang bubong ay kawali.
- alimango

32. May tatlong dalagang nagsimba, berde ang suot ng una, puti ang pangalawa, at ang pangatli ay pula, ngunit nang masilabas sila, ay pare-pareho nang nakapula.
- ikmo, apog at bunga (buyo leaf, lime and betel nut chewed by old people)

33. Kung babayaan mong, ako ay mabuhay, yaong kamatayan, dagli kong kakamtan; ngunit kung ako'y, pataying minsan, ay lalong lalawig ang, ingat kong buhay.
- kandila

34. Pantas ka man at marunong, at nag-aral nang malaon; aling kahoy sa gubat, ang nagsasanga'y walang ugat?
- mga sungay ng usa

35. Malayo pa ang sibay, nganga na ang sugat.
- bibig na susubuan (mouth to be given food)

36. Nang wala pang ginto, ay doon nagpalalo, nang magkagintu-ginto, ay doon na nga sumuko.
- palay

37. Hanggang leeg kong mababaw, kung malalim ay hanggang baywang.
- tubig sa tapayan (water in a jar)

38. Tinaga ko sa puno, sa dulo nagdurugo.
- gumamela

39. Baboy ka sa Sorsogon, kung di sakya'y di lalamon.
- kudkuran

40. Maputing parang busilak, kalihim ko sa pagliyag.
- papel

BUGTONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon