81 - 90

678 2 0
                                    

81. Hindi hayop, hindi tao, walang gulong ay tumatakbo.
- agos ng tubig

82. Oo nga't alimango, nasa loob ang ulo.
- pagong

83. Humangin at umulan, laging dala ang bahay.
- pagong

84. Bakakung hapon, kung umaga ay lulon.
- banig

85. Bungbong kung maliwanag, kung gabi ay dagat.
- banig

86. Aling mabuting litrato, ang kuhang-kuha sa kuwero?
- salamin

87. Hindi hayop, hindi tao, ang balat ay kuwero.
- kastanyas (chest nut)

88. Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan.
- bangka

89. Takbo roon, takbo rito, hindi makaalis sa tayong ito.
- duyan

90. Malalim kung bawasan, mababaw kung dagdagan.
- tapayan (native water jar)

BUGTONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon