"Mom! Why me?" Reed protested, kagigising lang niya nang tumawag ang kanyang ina.
"Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko, Kaaalis lang namin ng daddy mo papunta sa Thailand kaya hindi ko masusubaybayan si Eiren, she was there to have a vacation so please, take my place for me, hijo." Sabi nang ina, bakit ba ngayon pa umalis ang parents niya para sa business trip nang mga ito? Bakit ngayon pa nagpunta sa hongkong si Einar para sa preparation nang kasal nito? Bakit ngayon pa nagpunta sa Amerika si granny para sa health chek up nito? Bakit ngayon pa nagbakasyon sina tita Erika at tito Renzo sa UK? At bakit nagkataon na wala siyang karera ngayon? Bakit? Bakit?!
Damn! Pinagkaisahan ba nila ako o pinagkakatuwaan ako nang tadhana?
"Mom, marami akong gagawin, marami akong pupuntahan." Pagdadahilan niya
"Isama mo kahit saan si Eiren, itali mo sa baywang mo kung kinakailangan, h'wag mo siyang pababayaan, responsibilidad mo siya ngayon, okay?" anito, "But please treat her so nicely okay? You know what I'm talking about, Reed." Paalala pa ng ina bago nagpaalam, hindi na siya nito pinagsalita pa.
Inis na naihagis niya ang cellphone niya, "Dammit! Hindi ko nga kayang alagaan ang sarili ko, ang ibang tao pa kaya?" bulong niya, sinulyapan niya ang buong silid niya.
Nakakapaglinis naman siya nang bahay kaya lang bihira na iyong mangyari, masyado siyang abala sa pagkakarera niya nitong mga nakaraan.
Bumangon siya sa kama at isa isang pinulot ang mga nagkalat niyang damit, marami siyang gagawin para sa araw na iyon kaya parang kumirot ang sintido niya nang maisip na dadagdag sa problema niya si Eiren.
Nagpasya siyang maging independent dalawang taon na ang nakakaraan, hindi niya kayang mag stay sa bahay nila nang matagal dahil pakiramdam niya ay dinadalaw siya nang nakaraan niya.
Kaya hangga't maaari ay mas gusto niyang ginagabi sa pagpapractice sa karera niya o kaya naman ay kung may mga hosting event ang host men.
Ilang buwan pa lang siya sa apartment na iyon, dati siyang nakatira sa isang condo unit subalit nililiglig siya nang mga reporters kaya doon siya tumira, bukod kasi sa tahimik doon ay ilang mga malalapit na kakilala lamang niya ang nakakaalam na doon siya nakatira.
"Where are you going?" tanong ni Eiren kay Reed nang makita niyang nakabihis ang binata.
"May practice game ako." Malamig ang tonong sagot nito, nagliwanag naman ang mga mata niya
"I'm going with you." Masiglang sabi niya, lumapit siya sa binata at kakapit sana sa braso nito mabilis itong umiwas.
"No, stay here or if you want, magshopping ka o kaya manood ng sine." Kaswal na sabi nito na inayos ang black lether jacket na suot.
She pouted, "Ang boring kayang magshopping mag isa lalo na ang manood ng sine." Aniya, "Pwede pa kung sasamahan mo ako." Nakangiting sabi niya, naglakad ito palabas nang bahay, nakasunod naman siya dito.
"Mamayang gabi pa ang uwi ko." Tila napipilitan lang na sabi nito
"Eh di sasama na nga lang ako sa'yo." Pagpipilit niya
Nasa tapat na sila nang sasakyan nito, "No."
Binuksan nito ang sasakyan pagkuwan ay tumingin sa kanya, "Stay here." Pagkasabi nito ay sumakay na ito nang sasakyan nito, hindi naman siya basta basta sumusuko, matigas siya at igigiit niya ang gusto niya. Yes, she's willful, a very willful woman.
Mabilis na binuksan niya ang pinto ng passenger seat at sumakay roon, awang ang labi at kunot ang noo nito nang tingnan niya.
"I'm going with you." She said and gave him a sweet smile.
BINABASA MO ANG
FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold Prince
RomanceEvery girl's dream is to be a princess and have a prince that will protect, love and marry her someday. Eiren was one of them, she met Reed when she was five years old. "I'll marry the princess someday, that's a promise." Reed promised her when he...