Kanina pa dapat nakauwi si Eiren subalit biglang bumuhos ang ulan kaya wala siyang nagawa kundi tapusin ang laro, nag enjoy naman siya dahil nanalo ang Trese Hombres, grand champion ang mga ito at MVP pa si Ruki. She was happy for him, she was happy for her new found friend.
Alas otso na ng gabi nang matapos ang laro, malakas pa rin ang ulan kaya mapipilitan siyang makisakay sa sasakyan ni Ruki, nahiya nga siya ng malaman niyang sinundo lang talaga siya ng mga ito at may mga dala dalang sasakyan ang mga kaibigan nito.
"I think you're my lucky charm." Biro ni Ruki habang naglalakad sila patungo sa sasakyan nito.
"Siguro nga! Pero magaling talaga kayo." aniya, "Congrats ulit!" masayang sabi niya
"Salamat din." Nakangiting sabi nito, nang tumapat sila sa sasakyan nito ay pinagbuksan pa siya ng pinto ng passenger seat.
"Thanks." Nakangiting sabi niya, nakangiting nag bow naman ito na tila sinasabing karangalan nitong pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan, tumawa lang siya sa ginawa nito, Ruki was so fun to be with, nag eenjoy talaga siyang kasama ito.
Sasakay pa lang siya sa sasakyan ng binata nang may humila sa kanya, gulat na napatingin siya dito.
Napaawang ang labi niya nang sumalubong sa kanya ang madilim na anyo ni Reed, umuulan pa rin kaya nag alala siya nang makitang nababasa ito ng ulan.
"Reed! Bakit wala kang payong?" nag aalalang sabi niya na pinayungan ito, pinahiram sa kanya iyon ng isa sa mga kaibigan ni Ruki na si Winter.
Kinuha nito ang payong sa kamay niya at marahas na ibinigay iyon kay Ruki, hindi naman siya kaagad nakapagsalita sa inasal nito.
"We're going home." Mababakas ang galit sa tinig nito, hinila na siya nito na hindi man lang nagsasalita, sinulyapan naman niya si Ruki at sumenyas na I'm dead...
Hindi naman ito nagreact, tahimik lang itong nakasunod ng tingin sa kanila ni Reed hanggang sa makasakay sila ng sasakyan nito.
Hanggang sa makauwi sila ay hindi siya iniimikan ni Reed, she was expecting that Reed would compront her, magagalit ito sa ginawa niya at magsasalita ito sa kung anong nararamdaman nito pero wala siyang narinig na anumang salita mula dito.
She just heard heavy sighs from him then saw his jaws tighten. Ganon lang ang pinapakita nito magmula pa kanina, nasa loob na sila ng bahay ay hindi pa rin ito nagagalit sa kanya.
Kaya hindi na siya nakatiis pa, siya na ang kumausap dito.
"Ano bang problema mo Reed?" inis na tanong niya sa binata, kasalukuyang nagtatanggal na ito ng suot na jacket, sinulyapan siya nito subalit nagtiim bagang na naman nang tumingin sa suot niyang jacket.
Napipikon na siya, hinubad niya ang jacket saka nagsalita.
"It's Ruki's jacket, he lend me this to protect my true identity." Aniya habang hawak ang jacket, "Ang gentleman niya no?" sarkastikong sabi niya, isang marahas na pagbuga na naman ng hangin ang isinagot nito.
Nang tumalikod ito upang umakyat ng hagdan ay napuno na siya ng tuluyan.
"Bakit hindi mo sabihin ang totoong nararamdaman mo? Bakit hindi ka magalit sa'kin? Ilabas mo ang mga yan dahil litong lito na ako kung ano ba talaga ang nasa loob mo." Asik niya sa binata, tumigil ito kaya lumapit siya.
"Sabihin mo kasi sa'kin nang harapan na iwasan ko si Ruki, na lumayo ako sa kanya." Tuluyan nang nabasag ang pinipigilan niyang emosyon, mabilis na nangilid ang mga luha niya, "Kung nagagalit ka sa'kin, kung namumuhi ka sa'kin sabihin mo rin ng harapan, sabihin mong Eiren, umalis ka sa harapan ko, ayokong makita ang mukha mo, ayokong bumubuntot ka sa'kin, ayokong makasama ka, sawang sawa na akong intindihin ang mga kalokohan mo..." lumuluhang wika niya, "Sabihin mong...kinalimutan ko na ang nakaraan, hindi ko na tutuparin ang pangako kong pakakasalan ka kapag naging ganap ka nang babae...na gusto kong mabuhay nang wala ka."
BINABASA MO ANG
FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold Prince
RomanceEvery girl's dream is to be a princess and have a prince that will protect, love and marry her someday. Eiren was one of them, she met Reed when she was five years old. "I'll marry the princess someday, that's a promise." Reed promised her when he...