Hindi maipinta ang mukha ni Eiren habang papalapit siya kay Reed at sa kasama nito, hindi siya papayag na mapalapit ito kay Maddie, kung nagawa niyang sirain ang date nito sa babaeng iyon ay magagawa rin niya iyon ngayon, she will do anything to get rid of that Maddie in Reed's life.
Huminga muna siya ng malalim at pinilit na magpakanormal kahit na ba nanginginig na siya sa inis sa babaeng kasama nito, nang masigurong ready na siya sa gagawin niya ay inagaw niya ang atensyon nang dalawa na kanina pa nakatayong nag uusap.
"Oppa!" tawag niya kay Reed na humawak pa sa braso nito, nagulat naman ito sa pagsulpot niya pati na rin ang kasama nitong babae.
"Hindi pa ba tapos ang pag uusap ninyo?" tanong niya
"Actually, hindi pa nga kami nakakapag usap." Sarkastikong sabi ni Reed, nagkibit balikat siya
"Ah, kanina ka pa namin hinihintay." Pag iiba niya sa usapan.
"Namin?" kunot ang noong tanong nito, tinuro niya ang kinaroroonan ng host men sa di kalayuan, sinundan naman ng mga mata nito ang tinuro niya, kinawayan ito ng host men, nakangiting gumanti naman ng pagkaway rin si Reed.
"Tara, kanina pa sila naghihintay para sa practice game ninyo." Sabi niya na pilit na hinihila ang braso ng binata.
"Susunod na ako, may pag uusapan lang kami ni Maddie." Sagot naman nito na inalis ang kamay niya sa braso nito, lihim na nakuyom niya ang mga palad niya at sinulyapan ang babae na nakatingin lang sa kanila, mas gusto pa niyang kausap ang babaeng ito kaysa sa kanya? Unfair! Hindi ako papayag...
Muli niyang hinawakan sa braso si Reed, "May importante palang sasabihin sa'yo si Trevor." Aniya, tiningnan naman siya nito nang kakaiba, tila pinag aaralan kung nagsisinungaling ba siya o hindi. "Puntahan mo na, importante iyon." aniya, saglit pa siya nitong tinitigan pagkuwan ay nagbuntong hininga.
"I'll be right back, Madz." Paalam nito sa babae, Madz? May endearment na rin siya sa babaeng to? No! it can't be!
"Okay, no problem. Mukhang importante nga yung sasabihin nang kaibigan mo." Nakangiting sabi nito, yes Maddie is beautiful..but she don't like her.
Nang makapagpaalam na ang binata ay hinarap niya ang babae, akmang tatalikod na ito sa kanya nang magsalita siya.
"Stay away from him.." she warned her, nagulat ito sa sinabi niya kaya takang napatingin ito sa kanya.
"Excuse me?" tila naguluhan pa ito sa sinabi niya
"I said stay away from Reed." Seryosong sabi niya
"Why would I do that?" she asked.
"Because I'm his fiancée." Taas noong sabi niya, napaawang naman ang labi nito pagkuwan ay tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Fiancée ka ni Reed?" hindi makapaniwalang tanong nito at muli nitong tiningnan ang kabuuan niya.
Hindi yata niya ito mapaniwala, kitang kita niya sa mga mata nito na malayo sa reyalidad ang sinasabi niya. Hindi pa rin nito inaalis ang mga mata sa kabuuan niya.
Hindi tuloy niya natiis ang sariling sulyapan din ang sarili, what's wrong with her outfit? Usong uso kaya ang suot niya sa pinanggalingan niyang bansa, she wears color yellow high waist skirt, a white hanging blouse with big star printed on it, with red boots. She bring her favorite brown lether back pack, her color burgundy dyed hair was tied up, there's a three hair pins in her hair to support her bangs, she also wear her cute red eye glass to make her more cool, she really love fashion so she's in to it. Yes, she's twenty one years old pero sa fashion niya mas nagmumukha pa siyang bata sa edad niya, kaya akala siguro nito ay isa pa rin siyang highschool student.
BINABASA MO ANG
FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold Prince
RomansaEvery girl's dream is to be a princess and have a prince that will protect, love and marry her someday. Eiren was one of them, she met Reed when she was five years old. "I'll marry the princess someday, that's a promise." Reed promised her when he...