After ng concert..
Syempre mamasyal na ako gaya ng plano ko..Di parin mabura sa isip ko ang nangyari sa concert grabi talaga! Hanggang ngayon kinikilig parin ako!
Namasyal na ako sa mga sikat na destination dito,gaya ng Busan na pinagshootingan ng movie na train to busan.Tapos tinikman ko ang mga ibat ibang putahe dito,pati mga street foods sige lang ng sige.Tapos picture dito,picture doon.
Diko to malilimutan.
Ansaya ng bakasyon ko dito.
At least natupad ko ang mga pinapangarap ko,ang makapunta dito sa SouthKorea,ang mameet sila at ang makapanuod ng concert nila.
Kahit wag nalang ang isang pangarap ko na alam Kong di matutupad.
Alam ko namang masaya na sya sa iba eh!
Masaya na sya kay Cassy.
Isa rin naman ito sa mga naging masayang alaala ko dito sa Korea.Kakilala ko si Cassy ang future wife ni baby Sehun.Alam ko namang mabait sya at alam Kong mahal na mahal nya si Sehun gaya ng pagmamahal ko.Di ko rin naman matitiis na magkalayo sila,kasi naman mahal nila ang isat isa.Alam Kong malulungkot si Sehun pag nawala sya.
Kaya ang mabuti pa.Maging masaya ako para sa kanila.