At nasa NAIA na ako.
Sinalubong na ako ng mga kamag anak ko.
Tahimik lang kami
At dumiretso na kami sa bahay."Bakit ngayon ka lang dumating?"
"Sabi mo uuwi ka kahapon?"
"Bakit ngayon ka lang?"
"Paburitong apo,huli kana ng dumating!"
Sabi ng mga pinsan ko.
"Asan ang paburitong apo nya nung naghihingalo sya? NASA Seoul Korea nagpapakasaya!"
Sumbat nila.
"Hinintay ka nyang dumating kahapon! Sabi mo kasi uuwi ka"
"Ngayon di kana nya nahintay"
Patuloy na tumulo ang luha ko ng makita ko ang lolo ko na nakaiga sa kabaong nya.
Iyak lang ako ng iyak.
"Iniwan mo sya tapos ngayon iiyak iyak ka!!"
Sabi nila sakin na tila ako ang may kasalanan ng lahat.
Umiiyak lang ako.Wala akong pakialam sa mga sinasabi nila.
Sana umuwi na ako kaagad ng maabutan ko pa sya.
Ang sakit nanaman ng puso ko.Nagsisi ako! Sana di nalang ako pumunta sa Seoul!
Umiiyak lang ako hanggang..
Ang sakit talaga ng dibdib ko..
"Mikaela!"
"Bakit nyo kasi sya sinisisi!?"
"Di nya kasalanan toh!"
Nag away away na sila.
"Tama na yan! Dalhin nyo sya sa hospital!"
At yun na nga..Nagpaheart transplant ako.Ipinalit ang puso ng lolo ko.
Mga 2 taon din ako nagpagaling.