Chapter 1: Start

6.4K 198 37
                                    

ALAZNE'S POV

Nakahiga at nakatingala lang ako sa kisame ko at hindi ko alam kung anong gagawin. Pagkatapos noong nangyari kanina saakin sa school dahil sa panga-alaska ni Marigold kasama ng mga alipores niya.

Sigurado akong tuluyan na silang nabaliw ngayon, ayokong gawin sakanila yon pero kailangan niyang matutunan ang mga kasalanan niya, she deserved that, she must learned her lesson at yun ang pagiging baliw niya.

Napahawak ako sa mga mata ko, kung normal lang sana ang mga mata ko ay tiyak na normal din ang buhay ko. Kung normal lang sana ang mga mata ko ay may mga kaibigan sana ako, kung normal lang ang mga mata ko ay hindi ko na kailangan pang mag-suot ng contact lens araw-araw.

Having this kind of an eye was curse to me, it gives me pain and sorrow. Alam kong naiiba ako sa lahat pero hindi ko ito ginusto, I'd never wish to have an eye like these. Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga ko at hinagilap yung kutsilyo.

Nakita ko iyon sa lamesa malapit sa kusina atsaka ito lumutang at unti-unti itong pumunta sa gawi ko, agad ko yung sinambot at pinasadahan ang talim nito. Tumayo ako at lumapit sa salamin at tinignan ang itsura ko.

I saw my glittering mismatch eyes, at napangisi ako dahil doon. Walang sabi-sabi kong itinaas ang kamay ko habang hawak ang kutsilyo atsaka ko ito itinarak sa mga mata ko.

"Aaahhh!!!"

Napasigaw ako ng malakas dahil sa sakit, kasabay noon ang pag-agos ng dugo sa mukha ko, kahit masakit ay pinilit kong tusukin ang mga mata ko, tumigil din ako kalaunan dahil hindi ko na kaya ang sakit.

Puno nang dugo ang mukha ko at ganoon na din ang mga kamay ko, nabitawan ko ang kutsilyo at nahulog ito sa lapag, gusto kong maiyak dahil nakita at naramdaman ko kung paanong naghilom ang sugat ko sa mata.

Bumalik ito sa dati na parang walang nangyari, pwera nalang yung dugo sa mukha ko. This is what i hate about, kahit anong gawin ko sa sarili ko ay kusa itong naghihilom, hindi lang din ito ang unang beses na tinusok ko ang mga mata ko pero wala din akong nagawa sa huli.

Kusang lang din itong naghihilom at babalik sa dating itsura na para bang walang nangyari. Sometimes i question myself; why do i haved this kind of eyes and ability to heal myself? I also question myself if I'm immortal?

I just shrugged because i don't know the answers too. Maybe I'm really a cursed. That's why. Umiling nalang ako at mabilis na pumunta sa banyo para maglinis. Wala din naman akong magagawa kung patuloy kong pagtatangkaing saktan ang sarili ko.

Hinayaan kong umagos sa buo kong katawan ang malamig na tubig. Anong mangyayari saakin bukas? Sa susunod na araw? Sa susunod na buwan? Sa susunod na taon? Anong mangyayari saakin sa hinaharap?

Marami akong tanong na hindi ko din alam ang sagot. Hindi nalang ako nag-isip pa ng kung ano-ano at inayos ang sarili ko atsaka kumain at natulog.

Kinabukasan ay pumasok din ako sa school na para bang walang nangyari sa pagitan namin ni Marigold, umupo ako sa likod kung saan ang upuan ko. As usual may kanya-kanyang mundo ang mga kaklase ko at wala na akong pakialam doon.

Napansin ko din na wala si Marigold at mga alipores niya. The hell i care? Pumasok ang principal namin at napaayos at napatahimik kaming lahat, tumikhim siya at lumibot ang paningin saamin.

"Where is Ms. Thanatos?" tanong nito sa malaki at malalim na boses.

Mabilis naman silang napatingin saakin kaya saakin napunta ang tingin ng principal at marahan niya akong tinignan, normal na tingin lang ang binigay ko at hindi ko alam kung bakit niya ako hinahanap?

Secret behind those Peculiar EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon