Chapter 7: Official Member

3.6K 124 32
                                    


ALAZNE'S POV

Dahil sa inis ko kay Raegan ay pumayag ako sa gusto niya, ang labanan siya at maging opisyal na myembro ng SSTF. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis sakanya dahil may pagka-arogante pala ang isang 'to. He wanted me to entertainment him.

Anong tingin niya saakin? Laruan na pwede niyang paglaruan dahil bored siya? Sinamaan ko siya ng tingin at nginisian ako. Agad akong lumabas ng botanical garden at dumiretso sa training room para doon ganapin ang naudlot naming laban.

Malalim din ang hininga ko dahil sa nagbabadya kong inis sakanya. Sumunod din siya at nakapa-mulsa habang nakatayo sa harap ko, ilang hakbang ang layo namin sa isa't-isa at tila ba kinikilatis niya ang buo kong pagkatao.

Hindi rin ako nagpatinag. Noong una ay intimidated ako sakanya, ngayon purong inis nalang dahil sa ugali niya.

"Let's end this. I assure you that I'm going to be part of your group." matapang kong sambit.

"Well let's see. Prove yourself then." sagot nito na mas lalong nagpakulo ng dugo ko.

I felt the burning sensation in my body and I started the first move. I quickly attack by punching him but he immediately dodge without moving in his place. I lowered my upper body and gave him a high kick but he grabbed my foot and toss it away.

Bahagya akong napaatras dahil sa lakas ng impact ng pagkakawasiwas niya saakin. He barely making any moves, purong lakas lang ang binibigay niya saakin na mas lalong nagpainis saakin.

Mabilis ulit akong sumugod at sunod-sunod ko siyang binigyan ng suntok pero naiiwasan lang niya, gumalaw din ang mga paa ko at sinipa siya pero nasangga din niya yun ng kanan niyang paa. Tinulak niya ako kaya napalayo ulit ako sakanya.

Ngumisi siya at talagang iniinis niya ako. Sinenyasan niya akong lumapit kaya wala akong nagawa kundi muling sumugod, this time mas mabilis, kumuha ako ng pwersa at malakas ko siyang binigyan ng suntok pero nasambot niya ang kanan kong palad pero mabilis akong gumalaw at muling kumuha ng pwersa sa ibaba kong katawan.

Nang sapat na pwersa na ay malakas akong tumalon paikot at agad kong nasipa ang ulo niya dahilan para siya naman ang napalayo saakin. Hindi niya inaasahan ang atake kong iyon kaya ako naman ang napangisi.

I compose my fighting stances as I saw him holding his heads and shaking it. Malakas ang binigay kong sipa at sigurado akong nahilo siya sa ginawa ko. Kinuha ko iyong pagkakataon para muli siyang sugurin. Binigyan ko muli siya ng sunod-sunod na suntok at hindi niya naiwasan ang iba kong atake.

Ako naman ang napangisi dahil nalamangan ko'na siya. Ngayon naman hindi na niya alam kung anong hahawakan niya. Ang ulo niyang nasipa ko o yung katawan niyang nasuntok ko.

"What now Raegan? Nasaan ang yabang mo ngayon? Stop underestimating me, just because I'm new here that doesn't mean I'm weak. Remember? You guys said that I'm also a gifted." matapang kong sambit pero hindi siya sumagot.

Kita ko kung paanong hawak niya parin ang mga parte ng katawan niyang inatake ko. Bahagya narin siyang nakayuko saakin. Bigla naman akong nakaramdam ng kung ano kaya kusang gumalaw ang mga paa ko papunta sakanya.

"H-hey?" tawag pansin ko.

Napatingin siya saakin at nakita ko ang kulay itim at patay niyang mga mata kaya agad akong lumayo sakanya. Out of my reflexes, my eyes started to change it's colour and my vision became clearer and I can also see-through obstacles and the burning sensation in my body envelopes me. My body becomes stronger and sharper.

"You're not Raegan." asik ko habang nakatingin doon sa lalaking kaharap ko.

Unang tingin ay mapagkakamalan mo talagang siya si Raegan dahil sa itsura at pigura nito pero makikita sa mga mata nito na hindi siya si Raegan. He's an impostor. Muli siyang ngumisi saakin pero bigla akong kinilabutan sakanya.

Muli ko siyang sinugod at sa bilis ko ay hindi niya napansin na nasa likod na niya ako atsaka ko siya malakas na sinipa sa likod nito. Tumilapon siya at nagpagulong-gulong kaya muli akong sumugod atsaka ko pinalabas sa palad ko iyong force ko.

This time it's not blue, it's now red. Ganoon din ang ginawa ko sa isa kong palad. The blazing force and it is stronger than actual fire. Sinugod ko siya atsaka ko binato yung blazing force ko sakanya at hindi ito nakaiwas at mabilis itong tinupok.

Kumunot ang noo ko ng hindi man lang ito sumigaw sa sakit habang tinutupok ito ng kapangyarihan ko. Seconds later my blazing force fire him alive and turned into ashes. Literal siyang naging abo at nawala na parang bula.

"What is that?" gulat kong tanong sa sarili ko dahil sa nakita ko.

Kumalma ako at bumalik sa dati ang itsura ko habang iniisip parin yung nakalaban ko. Hindi iyon si Raegan.

"That's pretty impressive Alazne,"

Gulat akong napatingin ng biglang sumulpot si Raegan sa harap ko at napaatras ako sa gulat. I saw him completely fine while his hands are in his pockets. What happened?

"S-sino yung nakalaban ko kanina? Kamukha mo." asik ko habang nakakunot noo.

"Oh that? It's my clone." sagot niya.

"Clone? Is that your ability?" muli kong tanong.

"Nope, that's magic."

Mas lalo akong naguguluhan sa mga sinasabi niya kaya kunot noo ko lang siyang tinitigan. So basically he deceived me by using his clone.

"You jerk! That's not fair, you used magic by deceiving me!"

"Says who? You used your other ability too and it is fair." matapang niyang sambit habang nakatingin saakin. He saw me used my blazing force but that's not magic.

"Yeah but that's still part of my abilities and not magic. How could you deceived me by fighting your clone." inis kong bulalas pero hindi siya natinag.

"And? Atleast you won and figured out that it was just a clone." sagot niya.

Pagkasabi niyang iyon ay akma na siyang aalis pero agad ko din siyang pinigilan at hinila ko ang kaliwa niyang braso. Napatingin siya doon kaya agad kong binitawan ang braso niya.

"What?" he asked bluntly.

"I won, then that's mean I'm now officially a member of Supreme Student Task Force." tanong ko at tumango lang siya.

Pagkatango niya ay muli na ulit siyang naglakad palabas ng training room at iniwan akong mag-isa. He left me dumbfounded. Wala akong nagawa kundi umalis na din sa training room at muling bumalik sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Inaalala yung nangyaring laban namin kanina ni Raegan. That's not even a fair fight to begin with. He barely used his ability but his cloning magic.

Napatingin ako sa dalawa kong palad. He saw me using my other ability too. Mukhang wala naman siyang pakialam doon. Well i hope he don't tell to others what I'm really capable of. I'm tired.

Agad din akong bumangon at pumasok ng bathroom para mag-shower at nag-skincare. Muli akong humiga sa kama ko at hinayaang kainin ako ng dilim.


~~
REVISED AND EDITED.

Thank you :)

@LhemorPatchie

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret behind those Peculiar EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon