Chapter 3: Terra Academy

4.4K 165 7
                                    


ALAZNE'S POV

Gaya nga ng napagkasunduan namin ni Headmaster Bins ay dito na ako titira sa Azarath mula ngayon at bagong maga-aaral ng Terra Academy at magiging parte ng SSTF o mas kilala bilang Supreme Student Task Force, isang mataas na pribelehiyo na mayroon ang isang estudyante ng Terra Academy.

Kabilang doon ang SSTF na kinabibilangan ni Vanelope at ganoon na din ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinuha ni Headmaster Bins bilang bagong myembro. Basta ang alam ko lang ay dito ako mag-aaral.

Hindi lang basta aral dahil kasama na doon ang mahika dahil isa rin daw akong gifted ayon sakanila. Siguro nga? Dahil may mga bagay akong nagagawa na nagagawa din nila, magkakaiba nga lang.

Hindi na ako nag-isip pa at umiling nalang atsaka ko inayos ang suot kong uniform, lunes ngayon at ngayong araw din ako papasok. Sinabi na din ni Headmaster Bins sa mga magiging professor ko na isa akong transferee dahil sa biglaan kong paglipat sa kalagitnaan ng semester.

Isang white fitted blouse na may blue linings sa collar at sa manggas at blue ribbon, above the knee rin ang skirt na kulay stripe blue, long white socks at yung logo ng academy sa left chest ko.

Kita ko din sa salamin ang kulay light blue na mga mata ko, hindi ko alam kung anong nangyari at pareho na silang asul. Dati ay red and blue ang kulay nito at para akong may heterochromia. Nagkibit balikat nalang ako atsaka ko kinuha ang bag ko at lumabas ng kwarto.

"Goodmorning!"

Pagbati ko kay Vanelope dahil hinintay niya ako sa may hagdanan para sabay kaming pumasok, inayos na din ni Headmaster Bins ang schedules at classes ko, first class ay magkaklase kami ni Vanelope.

"Goodmorning too. In all fairness, bagay sayo yung uniform." pagpuri nito saakin habang kinikilatis ang kabuuan ko.

"Hindi naman, ikaw kaya mas bagay sayo. Ang ganda mo." pagbalik puri ko naman sakanya.

"Ano ka ba, wala yun." pa-humble niyang sagot.

Talagang maganda si Vanelope at hindi maikakaila iyon, ganoon din noong nasa Earth pa kami nakatira, siya ang school muse ng Black Pearl University. Hanggang dito lumalabas ang ganda niya.

"Tara na nga, ma-late pa tayo." sabi niya at hinila ang kamay ko atsaka kami naglakad.

Habang naglalakad ay hindi maiwasang pagtinginan kami, lalo na ako dahil bagong salta ako dito. Hindi ko naman maiwasang mailang kaya nagtuloy nalang ako sa paglalakad. Confident namang naglalakad si Vanelope na parang rumarampa sa pageant.

Umakyat kami sa second floor sa isang building at pumasok sa isang classroom, may kanya-kanya silang mundo pero napatigil sila ng pumasok kami ni Vanelope.

"Sit here, tabi tayo."

Iginiya ni Vanelope yung upuan sa tabi niya at doon niya ako pinaupo. Hindi naman ako umangal at magiging awkward lang kapag sa ibang upuan ako uupo. Nagkwentuhan lang kami ni Vanelope ng tuluyang pumasok yung professor namin.

Pumasok ang isang lalaki nasa tingin ko ay nasa fifties na ito, namumuti na rin ang buhok nito, kapansin-pansin din ang dilaw nitong mga mata. Binati niya kami at mabilis akong napatayo ng hagilapin niya ako.

"You must be the new student. Kindly introduce yourself to everyone." sabi nito kaya naglakad ako sa harap atsaka humarap sakanila.

"Hello everyone! I am Alazne Thanatos, and I'm the new member of SSTF." pagpapakilala ko at kanya-kanya sila ng reaction.

"OMG! So the rumours are true."

"She's the sixth member of SSTF."

"Urgh! I'm so envious."

Secret behind those Peculiar EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon