Chapter 4: Challenge

3.9K 134 7
                                    


ALAZNE'S POV

"I'll challenge you Raegan Klifford."

Hindi ako nag-alinlangan sa sinabi ko. Nakita ko siyang ngumisi at tila ba sinasabi niyang patay ako dahil siya ang pinili ko. Is he that strong? Stupid Alazne, of course he is strong. Magiging leader ba siya ng SSTF kung hindi?

Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Ano ng gagawin ko? Did i really challenge him without thinking that he's really stronger than the rest of us? I can't even fight.

"Alazne, nasiraan kana ba ng bait? You can't challenge him, not him, iba nalang." sambit ni Vanelope.

"True, don't deceived by his looks, he just looks soft outside but he can literally crush you inside." sabi naman ni Chase at tumingin pa kay Raegan na nagtuloy ulit sa pagkain niya.

"Ako nalang kalabanin mo Alazne, surewin panalo ka." sabi naman ni Draizen.

"Ungas!" asik naman ni Myra at binatukan pa siya nito.

Urgh! The fuck! Bakit ba kasi hinamon ko pa siya. Ganoon ba talaga siya kalakas at kaya akong patumbahin, baka isang pitik lang ako sakanya eh, sobrang tangkad din niya at ang laki pa ng katawan.

"Sure, let's fight. I'll give you three days to prepare yourself." sabi nito at mabilis na tumayo at naglakad palabas ng cafeteria.

Naiwan naman kaming tulala, lalo na ako dahil sa panghahamon ko sakanya. Pwede ba akong mag-back out? Binabawi ko na yung sinabi ko sakanya. Ang tanga ko.

--

Gaya nga ng napag-usapan ay nag-training ako sa loob lang ng tatlong araw at si Vanelope ang mentor ko, at first day ng training ko ay tinuruan niya ako ng basic combative na mabilis ko namang natutunan, sa second day ay tinuruan niya naman ako ng techniques at different strategies in fighting.

Third day and last day of our training, magic and power enhancing, dito ako nahihirapan dahil tila ba ayaw makisama ng abilidad ko sa gustong ipagawa saakin ni Vanelope. Gusto niyang palabasin ko sa mga palad ko yung force daw gaya ng ginawa ko sakanya dati.

Hindi ko nga maalala yung ginawa ko at sakanya dati? Malay ko ba kung paano iyon gawin?

"Concentrate Alazne, let your mind free from your negative thoughts, flow it onto your body and feel the energy within you." ginawa ko naman iyong sinabi niya at mabilis akong pumikit.

Hinayaan ko ang pag-iisip ko na maglayag sa kawalan at hindi nag-isip, mas nag-focus ako at napadilat ako ng mata ng may maramdaman akong init na dumaloy sa buo kong katawan. Naramdaman ko din na parang nag-init ang mga mata ko.

"You're doing good Alazne, now run the energy through your hands, compress it then release when the energy is overflowing..."

Rinig kong bulalas ni Vanelope kaya sinunod ko ulit siya, ramdam ko ang enerhiya na naglalaro sa katawan ko at kinontrol ko iyon at pinadaloy sa dalawa kong kamay hanggang sa palad ko.

Parang kuryenteng dumaan sa kamay ko yung kakaibang enerhiya sa katawan ko at hindi ko alam at bigla akong kinilabutan. Mas lalong nag-init ang palad ko at feeling ko may buhat-buhat akong mabigat kahit wala naman.

Doon ko nakita na may nabubuong blue energy sa dalawa kong palad, napalaki ako ng mata ng unti-unti itong lumalaki. Nataranta ako at hindi ko alam ang gagawin ko kaya mabilis kong iwinasiwas ang palad ko at doon kumawala ang nagbabadyang enerhiya.

"Alazne!"

Narinig ko ang sigaw ni Vanelope ng mag-bounce back saakin yung ginawa kong energy at pabulusok na ito sa gawi ko, hindi ko alam pero bigla akong natuod sa kinatatayuan ko, biglang sumulpot sa tabi ko si Vanelope at mabilis niya akong hinawakan.

Secret behind those Peculiar EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon