Ventre Canard

102 7 2
                                    

Last one Miss VentreCanard.
___________________________________________

Minsan sa buhay natin, tayo'y nagmahal.
Nagmahal, nasaktan o di kaya'y naghintay ng matagal.
Na para bang ang ikot ng mundo'y napakabagal.
O minsan mapasok sa relasyong walang kasiguradohan.

Masakit talaga at mapapaiyak ka.
Mahirap mag move-on, lalo't nag- iisa.
Maghahanap ng makakapitan para malimutan siya.
Iinom, susugal pero mas maganda kung sa wattpad ka na lang diba.

Dito makakakilala ka ng marami.
May pagpipiliang iba't ibang klase ng lalaki.
Kikiligin sa mga cute at may forever na love story.
Unti unting babalik ang ngiti sa labi.

Nakilala mo mga Ferrel na masyadong gwapo.
Mahuhulog ka sa unang estorya ng haring shokoy na si Nero.
Ang rambutan at lansones iyo'y naging paborito.
Sana ikaw na lang si Florence ang nasa isip mo.

Tapos yung apat na shokoy di pahuhuli.
Sino ba ang hihindi sa mga apo ni LG.
May antukin, talented at sporty.
Naku naman, bakit ba ako'y hanggang imagine.

Tapos binasa mo pa ang ibang likha.
Nang author na hindi mo man lang makita.
Tuloy nakilala ang mga taga Parsua.
Nasabi mo na lang na sana ika'y isang maging bampira.

Si Zen na sobrang cold, dahil prinsipe ng yelo.
Sana ikaw na lang magbigay init sa malamig niya puso.
Nandiyan din ang mga kapatid niyang ubod ng gwapo.
Oo na, kahit sino sa kanila okay na maging kabiyak mo.

Hanggang makilala mo si agent Rashido.
Mahilig magstraw ng yakult pero gwapo.
Naakit ka dahil isa siyang misteryo.
Maakit rin kaya siya sayo kahit ika'y totoong tao?

Isali pa natin si Ahmed at Triton.
Mag bestfriend na may kauganayan din pala sa mga shokoy.
Bakit na sa lugar nila halos lahat gwapo.
At talagang mapapaibig kahit na sino.

Malilimutan mo ba ang iyong paboritong lobo?
Si Adam na nais mo makitang mag anyong tao.
Hahagkan ka niya sa labi, pisngi at noo.
Pero bakit panaginip lang ang lahat ng ito?

Akala ko masakit na umibig sa isang tunay na tao.
Yun pala mas nasaktan ako ng mahulog sa isang karakter ng libro.
Akala ko wattpad makakatulong sa sugatang puso.
Akala ko makaka move on ako at magiging buo.

Pero ni minsan hindi ako nagsisi.
Na binasa ko ang mga gawa ni Ventre.
Ito' y patunay na ang gawa niya ay talagang nakakabilib.
Dahil sa mga naramdaman kong nagpaiyak at nagpangiti.

Writer's CornerWhere stories live. Discover now