Kung mahal mo ako, bakit ganito?
Bakit ganito na nasasaktan ako.
Bakit ganito na umiiyak ako.
Bakit ganito na nadudurog puso ko.Kung mahal mo ako, nasaan suporta mo?
Na magiging masaya ka sa gusto ko.
Na nasa tabi kita habang nagsusulat ako.
Na mamahalin mo ang pangarap ko.Kung mahal mo ako, bakit natatakot ako?
Kailangan ko pang ilihim ito sayo.
Kailangan ko pa itong itago.
Kailangan ko pang tumahimik para maging ayos tayo.Kung mahal mo ako, bakit nasisira na ako.
Nawawala tiwala ko sa sarili ko.
Sa dilim ay unti unting naglalaho.
Ang talento na dapat pinapakita ko.
YOU ARE READING
Writer's Corner
PoetryMy shout- out corner. My breathe in soffucating world. My dreams. My illusions. My imaginations. My dedications.