Collab of mine and my cousin. Para to sa isang site na sinalihan niya. Lalagay ko dito para maraming maka- relate.
P.S.
Hi kat. Eto na. Alams na. Hehe
___________________________________________Naranasan mo na ba ang umibig?
Ang magmahal ng wagas ng walang kapalit.
Ang ibigay ang lahat, kahit ang iyong sarili.
Ngunit puso'y nasaktan lamang sa huli.Naranasan mo na ba ng ikaw naman ang inibig?
Ang bigyan ng atensyon magdamag at buong gabi.
Ang mahalin ka niya ngunit wala kang maibablik.
Na kahit kay sarap pero ang sarili ay di mo mapilit?Naranasan mo na ba magmahal ng malayo
Na ang pagitan niyo ay di mabilang na kilometro.
Na ang umaga niya doon ay gabi dito.
Na naiiyak ka sa kantang "Magkabilang Mundo."Naranasan mo na ba magmahal ng kaibigan?
Na mula pagkabata pa ang inyong samahan.
Na magkasama kayo palagi sa eskwelahan.
Ngunit di mo masabi sa takot na ika'y kanyang pangilagan.Naranasan mo na ba magmahal sa may sabit?
Na lagi mong makikita ang singsing sa kanyang daliri.
Na lagi kang pangalawa sapagkat ikaw ay may kahati.
Na wala kang magagawa dahil ikaw ay isang hamak lamang na kabit.Naranasan mo na ba ng minahal ka ng sobra?
Yung tipong hindi ka na makahinga.
Na imbes yakap, ay sakal ang iyong nadarama.
Na nais mo na lang tumakbo at kumawala sa kanya.Naranasan mo na ba magmahal ng walang kasiguraduhan?
Maghintay kahit hanggang kasukdolan.
Manatiling umibig sa kanya kahit walang dahilan.
At magsayang ng panahon at pag-ibig na nilaan.Naranasan mo na ba magpaka.martir sa kanya?
Ang ibigan siya kahit sobrang sakit na.
Na hapdi at pait na lang ang iyong nadarama.
Pero patuloy ka pa rin dahil mahal mo siya.Naranasan mo na ba magmahal na kapareho sayo?
Na ang inyong pagmamahalan ay hinuhusgahan at nilalait nino.
Na kahit ipaglaban niyo pa ito ng todo todo.
Ito'y mali pa rin sa mata ng Diyos at ibang tao.Naranasan mo na ba mahulog sa iyong iniidolo?
Na sa sobrang hanga mo sa kanya ay nabihag ang iyong puso.
Mapa artista man, manunulat, o isang modelo.
Napakahirap abutin dahil ika'y isa lamang ordinaryo.Naranasan mo na ba magmahal ng may karibal?
Yung hindi mo matitinag at wala ka talagang laban.
Na kahit mahirap na ay hindi ka maka- angal.
Dahil Panginoon ang pinili niya kaysa sa inyong pagmamahalan.Naranasan mo na ba umibig at habang buhay maiwanan?
Na hindi mo na siya mayayakap pa o mahahalikan.
Na tanging alaala na lang niya ang iyong karamay sa puso't isipan.
At ang inyong pag-iibigan ay hindi na kailanman madudugtongan.Naranasan mo na ba ang umibig at inibig din.
Na ang inyong pagmamahalan ay para sa isa't isa naitali.
Na ang inyong puso ay iisa lamang ang awitin.
Na ang saya at tamis ay bumabalot sa inyong isip at damdamin.Hindi ko man masabi lahat dito.
Ang iba't ibang karanasan sa pag-ibig dito sa mundo.
Ngunit nais ko lamang maipabatid sa inyo.
Na anumang klase ng pagmamahal ay talagang nakakatuliro.
YOU ARE READING
Writer's Corner
PuisiMy shout- out corner. My breathe in soffucating world. My dreams. My illusions. My imaginations. My dedications.