First Entry😍
---trewki❤
Pabulong man o pasigaw
Sa isip ko ikaw ang naka lutaw
Pasalita man o pakanta
Lagi kong hinihiling na ikaw nalang, sana
Sa bawat gabing paparating
Lage'ng pakiramdam'y nasa mali akong piling
Sa bawat araw na sumisinag
Pakiramdam ko'y di ko nakikita ang liwanag
Sa'twing siya ang aking kasama
Parang hindi masaya ang umaga
Sa'twung siya ang nakikita
Lage'ng hinihiling na ikaw nalang, sana
Ngunit
Bakit nga ba hindi maaari?
Bakit di ko mawari?
Ano ang dahilan?
Nais ng puso ko ang sapat na rason upang malaman
Bakit nga ba sa twing pagmulat ng aking mga mata
Iba ang aking kasama?
Bakit hindi ikaw na sa panaginip ko'y reyna
Bakit nga ba sa pagpikit ng aking mga mata
Bakit hindi ikaw ang katabi
Kahit iyon naman ang hinihiling ko mapa-araw man o gabi!
Bakit?
Bakit ka lumayo?
Bakit mo ko itinulak sa kaniya kahit alam mong ikaw ang nais kong makapiling, sinta
Bakit ka umalis?
Tinalikuran mo ko,
sinaktan ng todo,
Ngunit kinaya ko dahil ipaglalaban ko ang mahal ko,
bakit ka sumuko?
Andito ako lumalaban pero hinayaan mo'ko
Hinayaan mo kong lumaban mag-isa kahit dapat ay tayo'ng dalawa
Nararamdaman mo ba?
Pagod na akong mangarap,
Dahil alam kong milya-milya ang layo ng aking pangarap
At heto ako,
Nakatali sa isang taong ni minsan hindi ko minithi
Pinipilit ang puso na tumibok para sa kaniya
Pero tila may isip ito at ikaw ang hinahanap niya
Pinipilit ngumiti at magpakasaya sa piling niya
Heto ako,
Namimilipit sa sakit at pilit,
Pilit na kinakaya ang pait
Kahit wala ng pag-asang mahila ka pabalik,
Alam mo ba,
Kung gaano ko kagustong malimutan ka
pero ang puso ko'y pangalan mo ang dinidikta!
Kaya minsan hinihiling ko, sana
Sana ikaw nalang siya
Sana
Sana malaman mong may nagmamahal sayo kahit nasasaktan na,
Sana malaman mo na
Ang isip at puso ko ay nagkakasundo't ikaw lang talaga
'Ikaw lang talaga'
--------------------------------------
Trewki-
Hi guys! please Vote or Comment and SUPPORT. hihi I just want to know kung maayos or okay lang ba yung gawa ko. Thankyou :*
YOU ARE READING
I Lost My Poesies
PoesiaHindi lahat ng salita, ay binibigkas. Minsan, sinusulat lang☺ ×Trewki×