ILMP#8

3 0 0
                                    

Entry No.8

---trewki

Pag-ibig,
Ay importante
Pagmamahal,
Ay mahalaga
Hindi ba't walang pagkakaiba?
Sapagkat sila ay talagang pareha

Ano nga ba ang Pag-ibig?
Naghahatid nga ba ito ng ligaya sa ating dibdib o sakit?

Bakit nga ba pagkatapos ng saya, kapalit ay pait?

Ito ang sanhi
Ng mga ngiti sa labi
Araw-araw nakangisi
Dahil sa pakiramdam na saya,
tila nasa langit

Ito rin ang dahilan
Kung bakit nasasaktan
Ang mga pusong minsan lang
Nagmahal ng lubusan

Ngunit sa kabila nito
Kung tunay ang nadarama niyo
At pagmamahal di maglalaho
Siguradong kayo ang itinadhana't ipinagtagpo

Ito ang isa ulo niyo,
Ingatan ang pagmamahal ng isang tao
Upang makapiling na siyang nais mo
Tanggapin ang nakatadhana,
Dahil dito makakaranas ka ng saya na siya'ng iyo'y hinahanap

Panghuli ay huwag kalimutan,
Ang pagmamahal ng Diyos sa atin ay walang hangganan,
Sapagkat tayo ay binayayaan
Ng pagmamahal Niyang di mapapantayan.

Trewki---

Kya! I-pupublish ko yung mga tula ko dati na in-unpublish ko nung---basta! Wala ako sa katinuan nun kaya nagawa ko yun :( pinagsisihan ko ng lubos! Hay!

Please Do Support Me, lalabs❤

I Lost My PoesiesWhere stories live. Discover now