Chapter 17

375 14 1
                                    

Chapter 17

Crush


"Pota... pota... suntukan na lang! Pota!"


Pota talaga!


Ilang araw ng tapos ang school fair pero feeling ko'y kahapon lang iyon nangyari. Damn, hanggang ngayon ba naman kasi kinakanta pa din iyon ng mga estudyante. Lahat nga yata ng estudyanteng nakakasalubong ko'y naka-earphone at kinakanta ang hindi ko maintindihang kantang iyon!


Pota!


See? Pati ako nahahawa na.


Ibang klaseng virus ang tumama sa SU. Copines virus! Huwag lang sana akong ma-quarantine!


Tamad kong tiningnan ang babaeng nakasalubong. Siya lang naman iyong kumanta.


"Gaga, mali ang lyrics mo."


Tinawanan lang ako ni Raiko at sumabay na din  sa akin. "Saan punta mo? Di ba, HRM building ka pa?"


"Mamaya pang 9:30 ang klase namin. Ikaw din naman kaya sama na lang muna ako sayo."


Inayos ko ang strap ng aking shoulder bag ng kumapit siya roon.


"Saan ka ba punta?"


"Wala lang. Maglalakad-lakad." Lalayo sa mga babaeng panay Pota na lang ang bukambibig. Nakakasawa na.


Pota!


Tsk.


"Sama ako, a."


"Nakakapit ka na sa akin, tatanggi pa ba ako?" Sapo ang tyan siyang humalakhak. What's funny? "Yeees, your sense of humor is improving. Si Matthew ba ang dahilan niyan? Or Mr. Copines perhaps."



Umirap ako. Kung ano-ano na namang pinagsasasabi niya. And who the hell is Mr. Copines? Eon?


Damn. Noong una, Lucifer. Sunod, Dan. Ngayon naman Mr. Copines? Ano kayang susunod na magiging nickname ng taong iyon?.

Love in HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon