Chapter 11

440 10 2
                                    

Chapter 11

Babe


"Dahil ako mismo ang kakagat dyan pag ginawa mo pa 'yan sa harap ko."


Wala akong nagawa kundi titigan ang mukha niyang isang dangkal na lamang ang layo sa akin. Kaya kong pumalag sa braso niyang mahigpit na nakasapo sa aking ulo, ngunit katawan ko na mismo ang pumipili na manatili sa pwesto dahil sa kumportableng pakiramdam na dulot nito sa akin.


Awang ang aking labi habang nakatingala sa kaniya, pilit sinsiksik sa isip ang mga salitang kaniyang binitawan.


Ano? Siya ang kakagat?


Napangisi ako saka siya marahas na tinabig. Nangangatal man ang aking kamay ay nakuha ko pang ayusin ang aking palda na wala man lang bahid ng pagkagusot mula sa nangyari.


"B-bakit ba pati p-pagkagat ko sa labi ko'y pinakikialaman mo pa?!"


Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na siyang lumayo sa akin, ngunit sa kabilang bahagi ng isip ay mayroong panghihinayang.


Damn, dapat wala na akong pakialam!


"Paano kung hindi ako ang kaharap mo?"


"Ano?"


Humagod ang kamay niya sa buhok matapos basain ang ibabang labi. "Huwag na huwag mong gagawin 'yan sa harap ng ibang lalaki."


Pumamewang ako. "Why the hell not?"


"Damn, hindi mo ba alam kung anong epekto niyan sa akin? Paano pa kaya sa iba?"


"Ano bang pinagsasasabi mo?" The hell. I am so clueless. Wala akong kaide-ideya sa pinagsasasabi niya.


Anong epekto?


Nasabunutan niya ang sarili na parang wala akong kakwenta-kwentang kausap. ""Listen, kung gusto mong kumagat sa labi mo," tinuro niya ang sarili. "Sa harap ko na lang. I won't risk the fact that you're biting your lip in front of somebody."


"Ano?!"


"Basta makinig ka na lang sakin." Napatili ako ng walang pasubali niya akong iupo sa kaniyang big bike bago ikulong sa pagitan ng kaniyang braso.


I gasped. "W-what are you doing?" Shit. Baka may makakita sa amin! Magiging headline na naman ako nito sa buong campus.


Nakayuko siyang huminga ng malalim saka muli ako tiningala. "Let's have an agreement here, babe."


Agreement? At anong babe?!


Hindi ako nagsalita kahit gustong-gusto ko na siyang sitahin sa tinawag niya sakin. No question asked, this asshole is a flirty one.

Love in HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon