Chapter 19

437 9 1
                                    

Chapter 19

Full moon


Pagod kong isinandal ang likod ng makapasok sa loob ng van na sumundo sa amin. Sa wakas, nakalayo na din kami sa lugar na iyon, pero hanggang ngayon ay hindi pa din nawawala sa isip ko ang imahe ng mga taong nadamay lamang sa gulong pinasok nila Eon, na ngayon ay alam kong kasali na din ako.


Mayroon na kayang ambulansyang sumaklolo sa kanila? Nagamot na ba sila? Damn! 


Pikit mata kong sinandal ang ulo sa bintana, pinakikiramdam ang lamig mula doon dulot ng pagpatak ng ulan.


Marahan at puno ng pag iingat na pinisil ni Eon ang aking kamay na hindi na niya binitawan. At hindi ko rin nais na bitawan niya. 


Hinintay ko siyang magsalita, ngunit walang namutawing salita mula sa mga labi niya. Parang katulad ko'y pagod at gulat din siya nangyari. Hanggang sa tumigil ang van sa isang maliit na bahay. The house is somewhat bungalow. Hindi gaanong malaki sapat para sa pamilyang mayroong limang myembro.


"Whose house is this?"


"Mine."


May sarili na siyang bahay? For a twenty year old guy like him, he was living by himself? Ako nga ay hindi pa marunong magsaing!


Siya na mismo ang nagbukas ng pintuan at inalalayan akong bumaba. "Nasaan na nga pala sila Raiko? Ayos lang ba sila?"


Sa sobrang intense ng mga nangyari'y hindi ko na nagawang hanapin pa sila Raiko. Sana ay ayos lang sila.


"She's with Liam. Raiko is in good hand."


Nagulat ako ng mabilis na sumibad ang van na sinakyan namin. 


"We must not be trailed of. At kung nagtataka ka kung bakit kita dinala dito, iyon ay dahil ito ang sa tingin kong pinaka-safe na lugar para magtago. You see, hindi ako ang target ng mga sniper. Hindi din si Liam."


What? Hindi sila?


Nagtatagis ang mga bagang niya ng humarap sa akin. Hindi ko masasabing sa akin siya nagagalit dahil ang kapit niya sa kamay ko ay nananatiling magaan at puno ng pag iingat.


"They are after you, Zoe. They already know that you are involve with me... with us. Hindi nila palalampasin ang kaalamang malapit ka sa amin."


Natigalgal na lamang ako sa narinig. Fuck, Zoe! Paanong napunta sa ganito ang takbo ng buhay mo?


From having a normal life, then this?


Ni hindi ako makagalaw sa katotohanang wala na akong kaligtasan sa mundong ginagalawan ko. Unexpectedly, I felt like I am suffocated. Ganito na ba ang magiging takbo ng buhay ko simula ngayon?


Magtatago na lang? Fuck. I can't leave with this life! Parang gumawa lang ako ng sarili kong kulungan! Shit.

Love in HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon