Chapter 38

489 12 2
                                    

Chapter 38

Magkabilang panig


Magaan ang aking pakiramdam nang makabalik sa pwesto ni Eon. At last, Matthew and I have a closure. This is what I wanted from the start. Na matanggap ni Matthew na si Eon talaga ang gusto ko.


Ngayon, wala na akong kailangang ikabahala pa kay Matthew. Naiintindihan na niya ngayon.


Salubong na salubong ang kilay ni Eon nang tingnan ko siya.


"Anong sinabi niya sayo?"


Nakangiti akong umiling. Pero parang mas lalo lang na-intriga si Eon sa ngiting mayroon ako.


"Tell me, Zoe. He's still pursuing you? If that was the case, dapat sinabi mo na sa kaniya ang relasyon natin. Nag aaksaya lang siya ng panahon sa pag lapit-lapit sayo." Tiim bagang niyang sabi, nakasunod ang mata kay Matthew na wala man lang kamalay-malay sa matalim na tingin ni Eon Daniel.


Hay, Eon. Kung alam mo lang. Alam na nila kung anong mayroon tayo. Damn.


May patago-tago pa kaming nalalaman pero ito at alam na pala nila. Matagal na nga yata nilang napapansin. Tsk.


"Wala. Stop throwing glares on him. Hindi niya ako sinusuyo. In fact, sumusuko na siya. And I think he's in love. But not me."


"Talaga? Sumusuko na siya? Iyon ang sinabi niya?"


Napailing na lang ako ng kumalma ang kaniyang mukha.


"To calm your testosterone, yes Eon Daniel 'selosong' Soriano. Wala ka ng katunggali."


"What the fuck? What's with the testosterone? And selosong Soriano?"


"Bakit hindi ba?"


Kung makatingin nga siya sa amin ni Matthew kanina. Tsk. Tsk. Napapanguso na lang ako.


Pinagtakhan ko ang pagkunot ng noo niya. "Bakit?"


"He's in love? Kanino? Bakit hindi namin alam ng gang?"


"Dapat ba bawat kilos niya alam niyo?"


"It's not that. Pero pag dating talaga sa babaeng nagugustuhan namin, walang nakakalampas. Kaya nakakapagtakang in love ang taong iyon."


"Malay mo, ayaw lang niyang sabihin ngayon."


"Tsk. I don't know. Ang naiisip ko, baka dinadahilan lang niya na may nagugustuhan siya para hindi maapakan ang pride niya kasi nga basted siya sayo."


Sinimangutan ko siya. "Malay mo naman totoo talaga may nagugustuhan siya. Ikaw basher ka!"


Love in HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon