Chapter 5

597 15 1
                                    

Chapter 5

Probably


"Sabi ko na nga ba, nagaguwapuhan ka din sa akin. Aminin mo na, mas gwapo ako kay Matthew."


Tangina. Ang kapal din talaga ng apog ng lalaking 'to. Feeling close na nga, mayabang pa. Kung hindi lang talaga masakit ang aking tuhod, hindi ako magpapabuhat sa kaniya.


Ayoko ngang dumikit, pabuhat pa kaya?


"Ano? Hindi ka makapagsalita dahil totoo? Pangit naman talaga ang Matt na 'yun. Mas maganda ang mata ko sa kaniya. Amber? So general. Sa akin, unique."


Napapangiwi na lamang ako sa kahambugan niya. Parang mas unique pa nga ang Amber.


Damnit! Pwede bang bumilis ang oras at makarating na kami sa clinic. Sa totoo lang, ayoko siyang kasama. I don't know lang. Meron kasi talagang tao na kahit walang ginagawang masama'y naiinis ka na. At ganun ako kay Lucifer.


"Pwedeng tumahimik ka na lang?" Inis kong sabi.


Ngumisi lang siya. Ang hanging humahampas sa bawat pagsalubong nito sa amin ay nagpapasayaw sa kaniyang buhok. Saka ko lang napansin ang kaniyang leeg. Around his light brown neck is a silver necklace with hardware chain and padlock pendant.


Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng kwintas. It's unique. I never thought that padlock chain can be this elegant.


Bahagya kong inangat ang aking daliri upang mahawakan ito. Base on it's texture, alam kong umaabot ito sa malaking halaga.


The hell. Kahit sino kayang gumawa ng ganitong klaseng necklace. Bili lang ng maliit na padlock sa hardware store and that's it, may padlock chain necklace ka na. Yun nga lang medyo cheap. Baka magmukha lang jejemon ang magsusuot ng ganung klaseng kwintas.


Saka ko lang napagtanto ang aking galaw ng bahagya siyang manigas. Shit!


His chest rose and fell with his rapid breaths. Agad kong inalis ang aking kamay sa kaniyang kuwintas. "S-sorry."


Hindi siya umimik ngunit ang bawat mabibigat niyang buntong hininga ay hindi nabago. Nanunuot sa aking tainga ang bawat buga niya ng mabangong hanging nanggagaling sa kaniyang bibig. Mixture of minty mouthwash and cigarette flew in my nose. Tila yumayakap sa aking ilong ang mabango nitong aroma.


Kinilabutan ako. Dagdag pa ang pagkakadikit ng aking braso sa kaniyang taas babang dibdib.

Love in HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon