Acacia Estates, Taguig
NAPABALIKWAS si Hank nang makarinig ng malakas na sigaw. Sunud-sunod iyun na parang may pinapatay! Agad siyang bumangon at kinuha ang kanyang baril sa ilalim ng kama. Maingat siyang sumilip sa labas ng bintana ng kuwartong ginagamit. Pero nasa third floor yun kaya wala siyang makita.
He wanted to call 911 para makapagpunta ng mga pulis pero sa sitwasyong ganun ay baka hindi na umabot ang mga reresponde. Sa boses ng sumisigaw, it sounded like urgent. It was obviously a life and death situation kaya alam niyang kailangan niyang kumilos.
"NOOOOO!!!!!" Narinig na naman niya ang sigaw kaya nagmadali na siyang makalabas ng kuwarto kahit medyo nahihilo pa from jetlag.
Shit! Muntik na siyang madulas at malaglag sa hagdan. Madilim sa loob ng bahay and he didn't dare turn on any lights. If there's one thing na nasanay siya- yun ay ang pagkilos kahit madilim. But only if he's already familiar with the place.
Mas mabuti pa sa bundok, at least alam niya kung paano gumalaw.
"I'M GOING TO KILL YOU BITCH!" Boses ng lalake yun and it was followed by a loud crashing sound.
Nilundag na ni Hank ang hagdan mula second floor hanggang first floor. Ang alam niya ay wala namang malalaking appliances na malapit sa hagdan kaya wala siyang masisirang gamit.
"HELP !HELP ME!!!" boses naman ng babae, the one that he heard earlier.
Mas malakas at mas malapit ang boses so naisip niyang galing yun sa katabing bahay! Agad siyang lumapit sa pinto. But when he opened the main door ay isang malakas na putok ang narinig niya!! Tumakbo na siya palabas at sa isang iglap ay nakarating siya sa kabilang bahay kung saan nagmumula ang mga sigaw. He saw that the door was partially open kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa--pumasok siya sa bahay!
Nakita niyang nakatihaya sa sahig sa gitna ng sala ang isang lalakeng duguan. Ang babae naman ay may hawak na baril. Pero may mga kasama ang mga iyun-- isangl alakeng may hawak na maliit na camera at dalawang taga-hawak ng ilaw. At lahat sila ay napatingin sa kanya na parang nagtaka pa kung bakit naroroon siya.
"Yes po?" tanong ng isang may hawak ng ilaw.
"Narinig kong may sumisigaw at humihingi ng tulong!" wika ni Hank. Bigla siyang na-confuse sa sitwasyon. Nananaginip ba siya?
"Ay sorry po sir, naistorbo po namin kayo? Gumagawa po kasi kami ng short film," sagot ng payat na lalakeng may hawak ng camera.
"Oh my God!" narinig niyang bulalas ng babaeng may hawak na baril habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
Biglang na-conscious si Hank nang maalalang naka-black boxer brief lang pala siya.
Siya naman ang napa-OH MY GOD!
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: HANK
General FictionFrom seminarian to tagapagtanggol ng bayan really quick. Meet Hank. Kapag nakilala mo siya, magiging madasalin ka talaga. Dahil kapag nakita mo siyang naka-topless, isa lang ang masasabi mo. OH MY GOD.