Chapter One

1.3K 52 6
                                    

NAHIRAPANG matulog si Hank after the incident. Pabalik-balik sa utak niya ang reaction ng mga taong nakakita sa kanya na naka-boxer brief at may hawak na baril. It was embarrassing. Feeling tuloy niya ay mali ang desisyon niyang tumira sa bahay na yun. Pero wala na siyang choice dahil naibigay na ang kanyang slot sa barracks sa ibang opisyal. Mas hassle naman kung kukuha pa siya ng apartment sa may kampo e ang lapit lang naman ng Acacia Estates sa Fort Bonifacio kung tutuusin.


Kung bakit naman kasi lumabas siyang halos walang saplot! Yun ang gusto niyang pagsisihan. Hindi sana siya napahiya. But then again, naisip niyang sa mga life and death situations, hindi naman na talaga mahalagang magbihis pa. Automatic na kasi sa tulad niyang highly trained in military operations na rumisponde agad kapag may mga sitwasyong maaaring ikapahamak ng maraming tao.


But it wasn't even a matter of life and death. Shooting lang ng pelikula, amp! 

Gigil na naman siya nang maalala na nagtawanan ang mga bagets nang makaalis siya. Narinig pa kasi niya hanggang sa labas ng bahay.


Kung tutuusin ay wala naman sana siyang dapat ikahiya kung nakita man siyang halos hubad. It's not as if hindi maayos ang katawan niya. Ang totoo ay biniyayaan siya ng magandang hubog ng katawan na parang dumaan sa mga expert sculptors. Proportioned yun na bumagay sa kanyang 6'2 na height. Naging varsity swimmer siya noong nasa PMA pa siya kaya fit siya at hanggang ngayon ay na-maintain niya ang katawan. Well-toned iyun with muscles in all the right places. Hindi niya kailangang mag-gym dahil regular siyang tumatakbo at nagsi-swimming. 

Halos kakapikit lang niya nang tumunog naman ang kanyang alarm clock. Ibig sabihin ay alas-singko na ng umaga. Oras na para mag-jogging muna siya bago pumasok sa office niya sa Headquarters ng Philippine Army na nasa Fort Bonifacio. Lihim niyang nahiling na wala sana siyang makasalubong na bagets kapag lumabas ng bahay.


DATI ring miyembro at opisyal ng Philippine Army ang ama ni Hank Montinola na si Henrico Montinola Jr. Pero maagang namatay si Henry. Na-ambush kasi ito. Dahil sa nangyari ay napaaga ng panganganak ang asawa nitong si Susan at namatay. Kaya naiwang ulila si Hank at pinalaki ng mga ate ni Henry na sina Amparo, Merciditas at Lucilla - ang legendary tres marias sa angkan ng mga Montinola. 

May malawak na lupain ang pamilya nila sa Negros Occidental pero simula nang mamatay si Henry ay ipinasya ng tatlong babae na sa Maynila na manirahan dahil nasasaktan lamang sila kapag nakikita ang dating bahay kung saan nanirahan ang kanilang bunso at nag-iisang kapatid na lalake. 

Abogada si Tita Ampy, nurse naman si Tita Mercy at music teacher si Tita Lucy. Malaki ang agwat ng mga edad nila sa ama ni Hank kaya by the time na mag-graduate siya ng high school ay malapit nang mag-retire ang tatlo. Kinumbinsi nina Tita Ampy, Tita Mercy at Tita Lucy si Hank na pumasok sa seminaryo. Mas mapapanatag daw ang loob nilang tatlo kapag naglingkod siya sa Diyos. 

Noong una ay pumayag siya sa gustong mangyari ng mga tiyahin dahil hindi pa naman talaga niya alam kung ano ang gustong maging career. Pero after two months sa seminaryo ay nagpasya siyang kumuha ng exam sa PMA dahil na rin sa udyok ng dating kaklase na gusto ding mag-kadete. Inilihim muna niya sa mga tiyahin ang ginawang pagkuha ng written exam hanggang sa makapasa sa physical at medical exams. Nang matanggap na niya ang official letter mula sa Philippine Military Academy na magreport na siya for reception o ang tradisyunal na pagpasok ng mga kadete bilang plebo ay saka lang siya nagtapat at nagpaalam. 

Naglupasay ang tres marias sa surprise decision niya na pumasok sa PMA. Nagwala si Tita Ampy at ilang flower vase ang nabasag dahil gusto nitong pigilan ang pagpasok niya sa military. 

"Sasaktan ka lang nila doon! Pahihirapan ka nila Hank! Maniwala ka!" Binato ni Tita Ampy ang isang flower vase sa pader for dramatic impact. "Mabibiktima ka lang ng hazing!"

"Diyos Ko, ganito din ang eksena noong magpaalam si Henry na papasok sa PMA! Ayaw ding magpaawat!" Halos maubusan naman ng hangin si Tita Mercy sa kakaiyak. "Hindi mo man lang naisip yung trauma na dinanas namin sa daddy mo? Ha? Kita mo, wala pang trenta anyos, namatay na siya! Yun ba ang gusto mong mangyari? Ha?"

Natigil lang sina Tita Ampy at Tita Mercy nang himatayin si Tita Lucy. Nahilo na ito sa kakatalak ng dalawang kapatid. 

Nanindigan naman si Hank at nagmatigas. Kahit anong mangyari  ay talagang gusto niyang maging opisyal ng army. Tatlong araw siyang hindi kinibo ng tres marias. Pero nang gabing papunta na siya ng V Luna kung saan naghihintay ang PMA bus na magdadala sa mga bagong kadete patungong Baguio ay bumigay sina Tita Ampy, Tita Mercy at Tita Lucy. Luhaan ang mga ito na nag-pray over sa may kalsada at pinaghintay pa ang taxi. 

"Kapag inagrabyado ka doon, sa Department of Justice ako lalapit. Basta huwag kang matatakot o magpapasindak ha?" ani Tita Ampy. 

"Kapag binugbog ka at di mo na kaya, tumakas ka at umuwi dito!" bilin naman ni Tita Mercy habang pasakay na siya sa taxi. 

"Hank, magdasal ka lagi. Tandaan mong hindi mo kinakailangang magpakahirap sa Baguio. Bumalik ka sa amin kapag ayaw mo na. Huwag kang mahihiya," panay ang pahid ni Tita Lucy sa luha nito. 

Eventually ay natanggap din ng mga tiyahin niya ang kanyang desisyon. Mas naging supportive ang mga ito at lagi siyang dinadalaw sa Baguio. Nang mag-retiro ang tatlo ay bumili ang mga ito ng bahay sa Acacia Estates sa Taguig. May tig-iisang kuwarto para sa kanilang apat at may guest room din dahil sanay na ang tres marias sa mga mistah ni Hank na madalas makitulog. 

Sa Nueva Ecija ang una niyang assignment then sa Capiz. Pinadala din siya sa Zamboanga del Norte pero isang taon lang din ang itinagal niya doon gaya ng mga past assignments. Sa Davao siya naka-2 years bago nagtungo sa Fort Bragg, North Carolina para sa kanyang schooling. In fact ay kahapon lang siya dumating kaya nga may jetlag pa siya at kailangang bumawi ng tulog. Ni hindi na nga siya nakapag-dinner dahil wala din naman siyang kasabay. Pabalik pa lang galing Hong Kong ang kanyang mga tiyahin kung saan nagbakasyon ang mga iyun. 

If he had a choice, matutulog muna sana talaga siya at magpapahinga kaso ay nakapagsabi na siya sa kampo na magrereport siya that day. At may isang salita siya- he doesn't like breaking his word. 


"WOW. Military ka pala talaga." Napalingon si Hank upang tingnan kung sino ang nagsalita.

It was the same girl from last night, sa loob-loob niya. Hindi siya sumagot, sa halip ay binuksan na niya ang kotse. 

"In fairness, bagay sa'yo ang uniform mo ha. Lalo kang gumwapo. Para kang nasa set ng isang war movie," patuloy ng babae. Ni hindi nito napansin na seryoso siya at hindi nakangiti. 

Diretso siyang pumasok sa loob ng kotse. Lumapit ang babae at kinatok ang bintana niya. Napilitan siyang ibaba yun. 

"Yes?" Hindi niya pa rin magawang ngumiti. 

"I'm Lally. And you are?" Nanatili siyang nakatingin sa babae. 

Hindi siya makapaniwala kung gaano ito ka-straightforward. Napailing na lang siya at itinaas na uli ang bintana ng kotse. Pero pinigilan yun ni Lally at ipinasok pa ang kamay! Muntik tuloy itong maipit!

"Are you crazy? What are you doing?" 

"Hindi mo pa nga sinasabi ang name mo, aalis ka na agad. Bakit ba ang sungit mo? Hindi bagay sa kaguwapuhan mo!" 

"Look, I'm busy, okay? Find someone your age na puwede mong pagtripan."

"Kung ayaw mong sabihin kung anong pangalan mo, e di huwag!" Tinanggal na ng babae ang kamay nito sa bintana. "Malalaman ko din naman kapag tinanong ko ang tres lolas diyan sa bahay mo!" 

Tres lolas? Muntik nang matawa si Hank nang ma-realize na sina Tita Ampy ang tinutukoy ng malditang babae. 

"Fine. Ask them." Yun lang at pinatakbo na niya ang kotse. 

Tingnan ko lang kung di ka mabasag sa Tres Marias!





The Cavaliers: HANKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon