KUNG may isang babaeng hindi makalimutan si Hank, iyun ay si Mary Claire. Kaklase niya ito nung high school at itinuturing niyang first love. Pero never na naging sila kasi hindi din siya nagkaroon ng chance na sabihin sa babae ang kanyang nararamdaman. He kept it to himself hanggang sa lumipat ang pamilya ni Mary Claire sa Iloilo after their high school graduation. That was his first regret.
His second regret was not having enough courage to look for Mary Claire so they could keep in touch, kahit man lang sana thru email or thru cellphone. Wala siyang ginawang effort. Siguro ay dahil na din naging busy siya. His life in PMA wasn't easy dahil bukod sa napakahirap ipasa ang academics, lagi din siyang pagod sa military training kaya imbes na mag-lovelife, itinutulog na lang niya ang bakanteng oras para makapagpahinga. Sure, he met some girls too dahil na din sa mga udyok ng mga mistah niya. Pero nag-iisa lang ang kagaya ni Mary Claire.
After PMA ay kung saan-saan din siya na-assign kaya wala siyang naging long term relationship. Laging date-date lang at walang commitment. Never pa din siyang nagdala ng babae para ipakilala sa mga tiyahin. Alam din kasi niya kung gaano kapihikan at kapintasera sina Tita Ampy, Tita Mercy at Tita Lucy bukod pa sa super protective ang tatlo pagdating sa kanya. Kaya alam niyang kung meron man siyang dadalhin sa bahay someday, dapat ay super woman level para pumasa sa standards ng tatlong matandang dalaga. Kailangan ding mentally strong ang ipapakilala niya, otherwise ay baka ma-trauma lang ang babae sa bunganga ng mga tiyahin niya.
Lately ay ilang beses na din niyang naisip si Mary Claire na itinuturing niyang dream girl niya. Maganda kasi ang babae, maamo ang mukha, mahinhin, malumanay magsalita, madasalin at laging model girl awardee. Alam niyang papasa sa mga tiyahin niya si Mary Claire. Gusto na nga niyang hanapin sa social media ang babae, kelangan lang niya ng timing dahil nga lagi pa siyang busy. Kaya naman ganun na lang ang tuwa niya nang muling magkrus ang landas nila.
"HANK? Hank Montinola?" Nagulat siya nang marinig na may tumatawag sa pangalan niya.
Nakapila siya sa harap ng isang ATM machine sa loob ng Market-Market sa BGC para mag-withdraw. Paglingon niya ay nakita niya ang isang babaeng nakatingin sa kanya.
"It's me, Mary Claire." Ngumiti ang babae. "Classmates tayo before--"
Bigla niyang niyakap si Mary Claire sa sobrang tuwa! Agad din siyang kumalas nang marealize ang ginawa. Naramdaman niya ang biglang pag-iinit ng pisngi niya.
"Sorry! Nabigla lang ako. I mean, it's so good to see you--" Gusto niyang lumubog sa ilalim ng lupa sa sobrang hiya. Lalo pa at pinagtitinginan sila ng mga tao.
He expected a slap on his face. Pero natawa lang si Mary Claire na hinawakan pa siya sa braso.
"It's alright. Ako din naman, natutuwa na nagkita tayo after all these years."
Napapatanga lang siya habang nagsasalita ang babae. Sa tingin niya ay lalo pang gumanda si Mary Claire, lalong kuminis at lalong naging tisay. Para itong isang Korean star na flawless.
Hindi. Para siyang si Mama Mary, sa loob-loob niya habang pinagmamasdan ang mahaba at medyo kulot na buhok ng babae.
"Dito ka lang ba banda nakatira or nagta-trabaho?" narinig niyang tanong ni Mary Claire.
Tumango siya at halos di kumukurap. Di siya makapaniwalang kaharap niya ang kanyang first love. Gusto na niyang magpa-misa dahil sa tuwa. Feeling niya ay nabigyan siya ng second chance! At this time, hindi na niya iyun sasayangin!
"Ikaw? Dito ka lang din ba nagtatrabaho? Or malapit dito? May lakad ka ba? Let's have coffee... or dinner. Or kahit anong gusto mo. We need to catch up." Hindi niya alam kung ano ang uunahing sabihin o itanong. He was babbling!
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: HANK
General FictionFrom seminarian to tagapagtanggol ng bayan really quick. Meet Hank. Kapag nakilala mo siya, magiging madasalin ka talaga. Dahil kapag nakita mo siyang naka-topless, isa lang ang masasabi mo. OH MY GOD.