WALA pang alas-singko ng umaga ay nagjo-jogging na sa loob ng village si Hank. Mas nakakapag-isip kasi siya kapag tumatakbo and he usually enjoys the calm, peaceful atmosphere before daybreak.
"Bakit mo isinoli ang shorts?"
Muntik na siyang matisod habang tumatakbo dahil biglang sumulpot si Lally out of nowhere. Nilagyan ba siya ng tracking device ng babae? Bakit nito alam na nagjo-jogging siya?
"Bagay pa naman sa'yo yun," kaswal na wika ni Lally. Naka-shorts, sleeveless sports shirt at running shoes ito. "But don't worry, andun lang naman yun sa bahay. Wala namang gagalaw so you can have it anytime."
"Hindi ka dapat nagbigay ng ganun," sagot niya na patuloy pa rin sa pagtakbo. Wala siyang balak tumigil para makipag-usap sa kapitbahay niya.
"I ruined your shorts the other night. Gusto ko lang palitan." Sinasabayan ni Lally ang pacing niya sa pagtakbo.
"Hindi mo kailangang palitan. Nalalabhan naman ang shorts at hindi disposable." Binilisan niya ang pagtakbo hoping na madiscourage ang babae.
"It was my way of expressing my gratitude." Binilisan din ni Lally ang pagtakbo, matching his speed and pace. "Wala namang masama dun di ba?"
Bigla siyang tumigil sa pagtakbo. "What do you want from me?
Tumigil din si Lally. "Wala. Nakikipag-usap lang ako. We're neighbors. Aren't we supposed to get along?"
"Stop following me." Tumakbo uli siya.
"Hindi kita sinusundan." Tumakbo din si Lally. "Nagkataon lang na gusto ko ding tumakbo ngayon at eto naman talaga ang usual route ko."
"Kelan mo pa naisipang mag-jogging?" Lalo niyang binilisan ang speed niya.
"Since high school. Nasa varsity kasi ako ng track and field team hanggang college." Mas binilisan ni Lally ang pagtakbo at inunahan siya.
Napahiya tuloy siyang bigla.
HANGGANG sa office ay dala-dala ni Hank ang nangyari. Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa harap ng laptop. A part of him ay naiinis sa kapitbahay niya dahil mukhang sinasadya ng babae na inisin siya. And a part of him ay nagi-guilty kasi babae si Lally at hindi naman niya dapat sungitan o pakitaan ng masama. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit madali siyang mairita lately. Daig pa niya ang babaeng may mens!
Bandang hapon ay niyaya siya ng mga mistah na lumabas pero tumanggi siya. Mas gusto niyang umuwi ng maaga para makapag-swimming. Malaki at maganda ang pool sa clubhouse ng village nila kaya tamang-tama para sa kagaya niya na swimmer talaga.
Pagdating niya sa bahay ay agad siyang nagbihis saka dali-daling nagtungo sa pool area. Tatlong kanto lang naman ang clubhouse mula sa bahay nila kaya nilakad lang niya yun. Papasok siya sa clubhouse nang makita niyang palabas naman si Lally na basa pa ang buhok, obviously ay nagswimming din ito. Pero mas napansin niya ang kasamang lalake ni Lally dahil hawak-hawak nito ang kamay ng babae na parang hinihila ito habang naglalakad. Agad siyang umiwas ng tingin at dumiretso na sa pool.
Mahigit isang oras din siyang lumangoy at kung hindi pa nagsabi ang caretaker ng pool na magsasara na hindi pa sana siya aahon. Pagkatapos magbanlaw at magshower ay naglakad na siya pabalik sa bahay nila. Pagpasok niya sa kalye nila ay agad niyang nakita si Lally at ang kasama nitong lalake sa may kalsada sa tapat ng bahay nito. Sa tingin pa lang niya ay alam niyang may pinag-aawayan ang dalawa kaya agad niyang nilagay ang bitbit na tuwalya sa may ulo niya para di siya mapansin o mahalata. Malapit na siya sa front porch nila nang marinig niya ang boses ni Lally.
"Lahat na lang ng tao pinagseselosan mo! Hindi ko nga kilala yung kanina!" anito.
"Anong hindi kilala e ngumiti pa sa'yo at inalok ka ng mango shake!" bulyaw ng kasama nitong lalake.
Gusto na niyang pagsabihan ang dalawa na huwag mag-away sa kalsada dahil nakakabulabog sa mga kapitbahay pero tumahimik na lang siya.
"Aba malay ko kung bakit niya ako inalok! Gusto mo bang tanungin ko?" mataas na din ang boses ni Lally.
"Ah talagang gusto mo siyang puntahan ha!"
Bubuksan na sana ang pinto nila nang makarinig siya ng malakas na lagapak! Paglingon niya ay nakita niyang nakasalampak sa kalsada si Lally at hawak-hawak ang kanang pisngi. Nang makita niyang nakataas pa rin ang isang kamay ng lalake at mukhang sasaktan pa uli si Lally ay mabilis siyang napatalon palapit sa dalawa! Bago pa tumama ang kamay ng lalake sa kapitbahay niya ay nahawakan na niya ito sa may braso.
"Brod, huwag kang makialam, away namin to!" asik sa kanya ng lalake.
"Makikialam ako dahil nananakit ka ng babae! At huwag mo akong matawag-tawag na brod dahil hindi tayo magkaano-ano!" Itinulak niya ang lalake saka pinatayo si Lally.
"Lally sino tong pakialamerong ito? Lalake mo rin ba to?" mayabang na tanong ng lalake.
"Obvious ba na lalake ako?" pang-iinis niya sa kaharap bago binalingan si Lally. "Pumasok ka na nga sa loob ng bahay mo."
"Huwag ka sabing makialam!" Sinuntok siya ng lalake pero hindi siya tinamaan dahil mabilis siyang nakaiwas. Muntik tuloy mapasubsob sa kalsada ang lalake.
"Umuwi ka na bago kita patulan," wika niya sa lalake.
Muli siyang sinugod ng lalake at sinubukang suntukin. Napikon na siya kaya pinatid niya ito at nang bumagsak ay mabilis niyang kinuha ang dalawang kamay nito at nilagay sa likuran.
"Sa susunod, huwag kang magsisimula ng away kung hindi mo kayang panindigan." He put a pressure to the guy's back. "At huwag kang nananakit ng babae. Masama yun!"
Itinayo niya ang lalake at kinaladkad patungo sa isang kotseng naka-park sa harap ng bahay ni Lally.
"Kung kotse mo yan, sumakay ka na at umalis bago pa kita masaktan!"
Dali-dali namang sumakay ang lalake sa kotse at agad na umalis. Nang makalayo na ang kotse ay saka niya binalingan si Lally.
"Sa uli-uli, huwag kang nagbo-boyfriend ng sira-ulo para walang nadadamay na ibang tao!"
Tumalikod na siya at naglakad patungo sa bahay nila. Nagulat na lang siya nang biglang may yumakap sa likuran niya.
"Thank you," wika ni Lally.
Ilang segundo din siyang natigilan. He didn't know what to do or what to say. It's not everyday na nakakakita siya ng babaeng sinasaktan ng boyfriend. And never pa siyang nakialam sa away ng iba. Ngayon lang. Napatingin siya sa mga braso ni Lally na nakayakap sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng pag-iinit sa mukha kaya hinawakan niya ang mga kamay ng babae saka tinanggal.
"Wala yun." Nasabi na lang niya saka dali-daling pumasok sa loob ng bahay.
Nahirapan na naman siyang makatulog that night.
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: HANK
General FictionFrom seminarian to tagapagtanggol ng bayan really quick. Meet Hank. Kapag nakilala mo siya, magiging madasalin ka talaga. Dahil kapag nakita mo siyang naka-topless, isa lang ang masasabi mo. OH MY GOD.