Chapter Three

1K 49 5
                                    

HINDI agad nakakilos si Hank. Ilang segundo din siyang natulala at na-shock out of disbelief! Sukahan ba naman siya ng isang babae sa mismong harap ng shorts niya?!

"Oppss... sorry sir ha," narinig niyang wika ng kanyang lasenggang kapitbahay! "Akina, linisin natin--" bigla nitong hinawakan ang mismong harap ng shorts niya para alisin ang suka! Pinagpag pa nito!

"NO!!" napasigaw siyang bigla saka naitulak ang babae!

"Pasensiya ka na ha, di ko napigilan e," kaswal na wika nito. "Bumaliktad ang sikmura ko."

He was horrified na sa isang iglap ay nasukahan siya at nahawakan pa ang kanyang hinaharap! He felt violated!

"Punasan ko na lang--"

"Ano ka ba?! Kung hindi mo kaya ang alak, huwag kang uminom!" singhal niya kay Lally.

Sa inis niya ay hinila niya ito patungo sa may pinto at halos ipagtulakan papasok. Panay ang protesta ng babae na ayaw pa nitong pumasok at gusto umano nitong palabhan ang shorts niya!

"May washing machine at dryer kami diyan... yung mamahalin. Para ka na ding nag-laundry shop," anito habang nakakapit sa may pinto-- ayaw pumasok! "Hubarin mo na lang muna yan sir--"

"Gusto mo bang ipa-barangay kita for sexual harassment?" bulyaw niya. "Pumasok ka na at matulog!" Tinanggal niya ang mga kamay ng babae na nakakapit sa may pinto saka hinila ito hanggang sa sala. Pinaupo niya ang babae. "Hindi ako nagbibiro-- kapag lumabas ka pa uli, sa barangay ka na magpaliwanag!"

Hindi na niya hinintay na makasagot ang babae. Tumalikod na siya at lumabas- dire-diretso pabalik sa bahay nila. Ramdam pa niya ang kamay ng babae sa hinaharap niya kaya nagshower muna siya bago bumalik sa kama. That night ay nahirapan na naman siyang makatulog!


"HINDI ka nag-jogging?" tanong ni Tita Ampy nang makita siyang palapit sa dining table. "Matamlay ka yata?"

"May sakit ka ba? Bakit parang maputla ka saka namumula ang mga mata?" Tumayo pa si Tita Mercy para tingnan siyang mabuti.

Totoong hindi na siya nag-jogging dahil masakit ang ulo niya. Dalawang oras lang yata siyang nakatulog kaya mahapdi pa ang mga mata niya.

"Yung vitamins mo ba iniinom mo?" tanong ni Tita Lucy. "Madaming usong sakit ngayon kaya dapat mag-ingat ka."

"Wala po akong sakit," aniya saka kumuha ng pagkain.

Pero duda ang mga tiyahin. Nakatingin ang tatlo sa kanya na parang may xray vision. Pilit tuloy niyang pinasigla ang pagkain.

"Ang sarap nitong breakfast natin," nilakihan pa niya ang subo.

Fried rice, pritong embutido, spicy spanish sardines and boiled eggs ang nakahain sa hapag. May fresh orange juice dun at mga sliced mango. Masarap naman talaga ang breakfast nila kaya hindi niya kailangang magsinungaling. Yung mga tiyahin lang talaga niya ang duda sa kanya.

"Sir Hank, bakit iba po ang amoy nitong damit ninyo?" biglang sabad si Dadang na galing sa taas.

Lahat sila ay napalingon sa direksyon ni Dadang. Nakita niyang may bitbit itong laundry basket sa isang kamay, at ang isang kamay naman ay hawak ang mga hinubad na damit kagabi.

"Nagsuka ho ba kayo?" kaswal na tanong ni Dadang.

"ANO?!" sabay-sabay na bulalas nina Tita Ampy, Tita Mercy at Tita Lucy. Daig pa ng tatlo ang nakarinig ng malakas na RED ALERT text mula sa opisina ng National Disaster!

"Bakit ka nagsuka?! Na-food poison ka ba?!" si Tita Ampy.

"Dadang, kunin mo ang emergency medical kit!" utos ni Tita Mercy.

The Cavaliers: HANKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon