Joy's Pov:
Kakatapos lang ng first class, ang masasabi ko lang ay boring biruin mo 3 hours kang nasa classroom at higit sa lahat ay algebra ugrh ang hirap talaga nun.
"Oh andiyan kana pala"sabi ni ate kate hihihi nakikiate narin ako eh..
"Oo kanina paba kayo diyan?"tanong ko
"Hindi naman tara na sa canteen?"
"Sige"
Naglalakad na kami papuntang canteen. Pagpasok namin ay dumaretsyo na kami sa isang table kung saan ay katabi nito ang pitong lalaki kaya hindi nanamin iyon pinansin.
"Anong gusto mo? Kami nalang ang oorder ng sayo" sabi ni ate Victoria.
"Hmmm isang lemon juice,strawberry yogurt,bleuberry cheescake,french fries at pizza"
Nakangiting sabi ko. Wag na kayo magreklamo eh sa gutom yung tao ehh."Kaya mo bang ubusin yan?"
"Oo naman ako pa!!"proud na sabi ko at tuluyan na silang umalis.
After 10 minutes nakarating na sila at nakita ko sa tray ni ate kate na may tatlong pandesal at kape at meron pang iba siguro favorite nya iyon.
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik at ng tikman ni ate kate ang kanyang pandesal ay nagiba ang timpla ng mukha nito.
"Bakit ganto ang pandesal nila dito walang lasa:("malungkot nyang sabi habang aki ay patuloy ng kumakain.
"Bakit ka pa kase bumibili nyan bumili ka nalang nyan kapag tapos na ang school year"naiinis na sabi ni ate victoria.
"Eh kung harina nalang yung kinain mo eh" hindi ko na mapigilang magsalita.
"Bakit mo naman na sabi yan?"nagtatakha nilang tanong na dalawa.
"Eh kasi kapag kumain ka ng pandesal na walang lasa kumain ka nalang ng harina kasi doon gawa ang pandesal kaysa namang magabala kapang bumili ng pandesal psh"
*silence*
"Oo nga no ang galing mo talaga"nakangiting sabi ni ate kate.
"Don't tell me na kakain ka ng harina?"hindi makapaniwala nyang tanong.
"Oo naman diba yun ang dapat kaysa magaksaya ka pa ng pera mo"napafacepalm nalang si ate victoria sa sagot ni ate kate.
*ringggggg*
"Halikana nag bell na" tumayo na kami at naghiwalay na ng daan namin.
------------------------
Pumasok ako sa second class ko. Abala sa pagtuturo ang teacher namin ng biglang
*blaggggg*
May sumipa sa pintuan at naging dahilan iyon sa pagsira ng pintuan ohhh poor door.
"WHY ARE YOU LATE MR.GARCIA"galit na sabi ng teacher namin.
"Tsk its none of your business"
Hindi nalang umimik ang teacher namin at umupo na yung lalaki sa tabi ko.
Habang nagsusulat ay may pumitik sa noo ko
"Aray!ano bang problema mo!" Inis na sabi ko
"Miss kim is there any problem?" Shit napalakas ata yung pagkakasabi ko
"Ah..A.h none s-sir"walanjo bakit ako nauutal baka natatakot ako sa teacher namin sabagay terorr eh.
"Pst ikopya mo ako" tinignan ko yung katabi ko ng walang emosyon at tinaasan ko siya ng kilay
"Ayaw ko nga"inis na sabi ko
"Sige na!"madiin nyang sabi na mahahalata mong nagagalit
"Bakit ba?!?!"naiirita kong tanong malakas na sabi ko
"Just shut the fu*k up and write"galit na sabi nya
"Eh sa ayaw ko eh bat mo ba ako pinipilit ayaw ko dina ayaw ko!"
Matapang kong sabi"I said copy it!" Pasigaw na sabi niya saakin
"Aba ikaw na!!" Sigaw ko rin sa kanya
"MS.KIM AND MR.GARCIA GO TO THE DETENTION ROOM NOW!!" HALA PATAY
Nagkatinginan kami ng masama bago umalis ng room
YOU ARE READING
Brillington University
ActionAko ay makulit at pasaway na babae. Sa kakulitan kong iyon hindi ko inaasahan na malilipat ako sa paaralan kung saan normal lang ang lahat. Nagkaroon ako ng kaibigan at higit sa lahat nagkaroon din ako ng taong nahmahal sa akin ng lubos. Pero hindi...