Wizard’s World
Chapter 22
Pierre’s POV
“Nakita mo na ba?” tanong ko kay Silver
Hinahanap kasi namin yung librong Noir Hearts Book
Nandun kasi lahat ng rangkings ng hearts at mga spell kung paano ito makukuha at makikita
“Atat lang, Pierre? Ito na nga eh hinahanap na sa taas” sagot ni Silver habang nasa ere sya
Matataas kasi ang shelf dito ni Silver sa library nya sa dami ba namang nyang libro mula yata sa old books hanggang sa new books meron sya
Umupo na lang ako dito sa malabot na upuan dahil pagod na ako sa kakahanap sa libro na iyon
Pinapanood ko na lang si Silver na palipat-lipat ng shelf sa ere
“Ito na nahanap ko, sa wakas!!” biglang sigaw nito saka bumaba
Tumayo naman ako para salubungin sya
“Ano simulan na natin?” nakangiti nyang tanong
Napa-ngisi na lang ako sa sinabi nya saka lumabas ng silid aklatan nya para tignan si Jella
Queen Irein’s POV
“Mahal na Reyna may gusto pong kumausap sa inyo” sabi ng tagapagbantay ng kwarto ko
“Sige papasukin mo” sagot ko at inabangan ko sa pinto ang gustong kumausap sakin
“Queen Irein!” bungad ni Master Zorum pagkapasok nya sa kwarto
Napangiti naman ako ng makita ko sya. Tumayo naman ako para salubungin sya
“Master Zorum! Ang tagal na nating hindi nagkita” sabi ko dito saka hinagkan
“Alam mo naman ang nangyayari ngayon masyadong umiinit ang LeSophia kahit malamig doon” sabi ni Master dun naman nawala ang ngiti ko nangmarinig ko ang sinabi nya
Umupo ako sa aking upuan saka nagsalita
“Wala kayong pinagbago bigla-bigla na lang kayong magsasalita” sabi ko
Ngumiti lamang sya at umupo sa harapan ko
“Alam mong nag-aalala ako sa nangyayari ngayon. Nag-uunahan na kayo sa paghahanap sa prinsesa at hindi ko alam kung sino ang unang makakabingwit sa inyo ng isda” sabi ni Master at sumeryoso ang kanyang mukha
“Alam ko iyon Master at hindi ako papayag na makuha ni Athena ang prinsesa. Hindi bat alam nyong nandito dati ang prinsesa?” tanong ko kay Master
“Alam ko iyon nasabi saakin yun ng mahal na Fentum hindi ako nawawalan ng balita sa mga nangyayari” sabi ni Master saka tumawa
“Wag kayong mag-alala alam ko ang ginagawa ko Master. Kamusta na pala si Pierre? balita kong wala sya dito” pag-iiba ko ng usapan
“Walang pinagbago ang batang yun minsan nga ay binisita ako nun sa bundok at may kasamang babae” sagot ni Master
Napa-kunot naman ako sa sinabi ni Master
“babae?” – ako
“oo isang mortal bigla na lang daw napadpad dito ang babae kaya tinulungan ni Pierre na makabalik sa mundo ng mga tao” sabi ni Master