Chapter 1

2.3K 50 4
                                    

A/N: Chapter 1 na haha trip ko lang tong story wala pa kasi akong maisip sa isa kung story. Na inspired lang sa story ni Ate Aegyo xD

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jella's POV

Naglalakad ako ng parang baliw sa gilid ng kalsada parang ako lang ang tao ngayon sa mundo

bat ba ang daya ng mundo? ang daya ng diyos?

sabay silang kinuha sakin ng iisang araw na hindi ako handa

di ba nya alam na masasaktan ako? at mahihihirapan?

 Wala na sila... ang mga inspirasyon ko at lakas ko sa buhay

Gustong balikan ng utak ko ang nangyari nun bago sila mawala

puro dugo.. dugo nila ang nadatnan ko pagdating ko 

Dumating na ako at Binuksan ko ang gate sa maliit naming bahay

binuksan ko ang ilaw...

bumalik lahat nang alaala ko noong bago sila mawala

Napa upo ako sa sahig

" *sobs* *sobs* hik hik *sobs w-wala n-n-na sila m-mama at papa i-niwan na nila ako *sobs* *sobs* bat ba ang daya nila!! kung iiwan rin naman nila ako sana sinama na nika ako!!" sabi ko at umiyak ng lalo

gusto kong ilabas lahat ng galit ko pati narin tong sakit na nasa dibdib ko

*boggshh!!*

hinagis ko yung vase na nasa tabi ko

"Ugghhhh!!!"

Gusto kung sumama sakanila!

*boggshh!!*

*Boggsshh!!*

dumudugo na yung kanang kamay ko kakahagis ng mga mabasaging gamit na makita ko sa tabi

Gusto kung na ring mamatay tutal ano pang silbi ko dito sa mundo kung wala na naman ang mga inspirasyon ko sa buhay

 Kinuha ko ang isang piraso ng basag na vase

itinutuk ko iyon sa pulso ko... nang biglang may sumagi sa isip ko

sabi ni Mama kapag nawala daw sila ni Papa dapat hindi ako mag isip nang kung ano- ano katulad ngayun na gusto kong sumama sa kanila

sabi nga nila kung magpapakamatay ka sa impyerno rin ang dating mo

Sino ba kasing hindi mag-iisip ng ganun? kung alam mong walang- wala kana

Hinawakan ko yung regalo ni mama na kwentas sakin nung nag 18th birthday ko

Sinabi nya wag ko daw iwawala toh kahit anong mangyari

I still keep it until now ito na lang ang natitirang alaala nila sakin bago sila mawala

Nakatitig lang ako sa kawalan ako habang umiiyak hanggang sa makatulog ako

***

Nagisng ako sa sinag ng araw...

Tumayo ako at tinignan ko ang mga binasag ko kahapon

Bigla ko na lang naramdaman ang sakit sa kamay ko na natuyo ang mga dugo

dumiretso na lang ako sa kwarto at ginamot pagkatapos ay naligo

Nilinis ko ang mga bubog na nasa sahig

Inayos ko lahat simula kasi nung lamay nila mama at papa di ako masyadong nakakapag linis at humahanap pa ako ng pambalibing buti na lang nandyan si Jenna na nag pautang sakin

Kaibigan ko si Jenna simula nung High School ang kaibahan nga lang mayaman sila at mahirap lang kami kaya ngayon nag tratrabaho ako sa pinatayo nyang Coffe Shop yun rin kasi ang hawak nila isang Pagawaan ng mga kape

Pumunta ako sa kwarto nilan mama at papa inayos ko dun lahat ng mga gamit nila habang nag-aayos ako ng mga gamit nila sa cabinet may nakita akong isang diary na lumana

Pano nagkaroon nito sila mama?

sinubukan kung buksan pero ayaw dahil may lock kelangan ng susi ginamit ko na nga pati hairpin pero wala parin -_-

Nilagay ko na lang sa box tutal wala naman akong hilig sa mga lumang gamit

Pagkatapos kong ayusin ang kwarto nila binuhat ko na yung box namay lamang mga hindi importante

Lumabas ako sa bahay at pumunta sa likod nandun kasi yung maliit na bodega namin

Actually hindi ako pinapapasok ni mama dun ewan ko kung bakit pag tinatanong ko kung ano yun sinasabi ni mama na bodega daw

Pagkabukas ko ng pintuan na gawa sa kahoy alikabok kaagad ang bumungad sakin

" *cough* *cough*" na ba ubo na kaagad ako

tumingin ako para sa sa ilaw dahil medyo madilim

Nakita ko naman ang nag iisang bumbilya at hinila ko ung tali na nakakabit dito

umilaw ito at nakita ko ang kabuuan at napakunot naman ang noo ko dahil sa nakita ko

mga kandilang ginamit mga likido na iba't ibang kulay na nasa mga bote at mga lumang libro

 scientist ba sila?

tumingin naman ako sa likudan ko at nakakita ako ng isang upuan at lamesa medyo madilim ang parte dun at hindi ito abot ng nagiisang ilaw kaya kumuha ako ng kandila na nasa hawakan at sinindihan ito

pagkatapos kung sindihan at lumapit ako sa madilim na parte nakita ko ang nakaguhit sa kahoy na pader

may mga tatsulok at hugis ng buwan ang nasa gitna nito hinawakan ko ito at nakaramdam ako ng kuryente ng hinawakan ko  ito kaya mabilis kung inalis ang kamay ko dito

napatingin ako sa lumang libro na nasa lamesa at isang stick na nakikita ko sa mga majekero pero wala itong puti sa dulo kagaya ng ginagamit nila parang kahoy na may nakapulupot hanggang sa itaas at sa dulo merong maliit na bato

binuksan ko ang libro at nagulat ako dahil puro blangko lamang ang mg nasa pahina nito

nakakita naman ako ng isang balahibo yata ng ibon at isang puting likido na nasa bote

ito ba yung ginagamit nila jose rizal noon pero bakit puti hindi itim? bahala na nga

binuksan ko ang bote at inilagay doon ang dulo ng balahibo at nag sulat ng kung ano - ano sa libro at mas lalo akong nagulat dahil may lumalabas na mga letra kaya pinag patuloy ko hanggang mabasa ko ang kabuuan nito

Wow magic! Astig!

"Non est alicubi esse velim

Accipe, et praedicaverunt jejunium, et festinant ut celeritas lucis,

Sic fiat" yan ang nabasa ko pero hindi ko gets kung ano ang ibig sabihin

naalala ko ung ginagawa sa harry potter

kinuha ko ung stick at pumikit na naka harap dun sa mga tatsulok na nasa pader

"Non est alicubi esse velim

Accipe, et praedicaverunt jejunium, et festinant ut celeritas lucis,

Sic fiat" inulit ko ang nakasulat sa libro

*tap*

*tap*

*swish*

dumilat ako at nakita kung bigla na lang lumiwanag ang mga dulo ng marka sa pader at ang pinaka huling lumiwanag ay ang  hugis buwan kaya tinakpan ko ang mata ko dahil sa liwanag

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: na post ko na chapter 1 matagal pa siguro yung chapter 2 ngaun lang nagkaroon ng inspiration eh xD Lol

Wizard World (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon