Jella's POV
Kumakain kami ngayon dito sa table ni Master grabe naka indian sit ako -_- wala talaga syang hilig sa mga furniture ni upuan manlang pinagkait nya sa bahay nya
naka tungo lang ako dahil wala akong maiharap na muka lalo na sa nangyari kanina
nakakahiya -////-
*Flashback*
umalis na si Master at mag-isa ko lang dito na nakahubad
wala manlang akong makitang pangtakip dito sa katawan ko -_-
maynaririnig ako mga yakap na pababa galing sa hagdanan
siguradong si Pierre yun dala nya na siguro damit ko
"HOY PIERRE WAG KANG TITINGIN PAGBABA MO!!!" sigaw ko habang bumababa sya
"Oo na!! wag ka masyadong maarte!! di naman maganda katawan mo nohh!! O! damit mo" sabi nya at hinagis sakin at nagsimulang umakyat ulit
Napaka sinungaling talaga nitong si Pierre
di daw maganda katawan ko edi nakita nya bastos!! pang ms.universe kaya tong katawan ko
pagkahagis ni Pierre ng damit pinulot ko yun sa sahig at nagdamit na at umakyat
*End of Flashback*
Yun ang nangyari
"Master bat ba kulay pula tong kanin?" tanong ko
kulay pula kasi itong rice pero same parin ang lasa sa white rice
"Para yan sa kalusugan ko, Jella ayaw pang mamatay ni Master, Hahaha" sagot ni Master at tumatawa
ah ganun pala yun? kala ko trip lang na lagyan ng food coloring xD
"Sya nga pala san kayo matutulog? mag-isa lang kasi ang kwarto dito gusto nyo kayo na lang ang matulog sa kwarto ko at dito na lang ako maglalatag ng higaan" sabi ni Master
dito na kami matutulog kasi gabi na at dilikado na daw sa labas kasi may mga lobo
"Dun kana matulog sa kwarto mo tanda dito na lang kami ni Jella sa labas matutulog" sabi ni Pierre
"Oo nga po Master! okay lang kami dito ^_^b" pag sangayon ko kay Pierre
*Pak!* " Walang galang ka talaga!" biglang hinampas ni Master ung ulo ni Pierre gamit nung pamaypay nya "Masakit!!" sigaw ni Pierre at hinihimas ung ulo nya
natatawa tuloy ako muka silang mag-ama ^_^
***** "Kayo na ang bahala ha? inaantok na si Master" sabi ni Master at naglakad na
"Good Night Master!! sweet dreams!! ^_^" pahabol ko bago sya makapasok sa kwarto
"Pshh ang ingay nito" saway sakin ni Pierre na nag-aayos ng tutulugan namin
"Problema mo? nag sabi lang ng good night kay master.." sabi ko
"Bakit gusto mo sabihan rin kita ng good night? ^_^" pang-aasar ko
"Hindi noh!" sagot nya
"Edi hindi" sabi ko at humiga na tapos na kasi syang maglatag ng higaan namin
30 minutes na kaming nakahiga pero hindi ako makatulog
siguro dahil nakahiga ako sa lapag at hindi sa kama?
o di lang ako sanay na may katabi lalo na paglalaki?
bumalikwas ako ng higa kaya naka harap ako kay Pierre na nakatalikod sakin tapos bigla syang humarap
tulog na tulog sya siguro dahil sa pagod
may maamo syang muka di tulad pag gising na mayabang tapos at pinapagalitan ako
pansin na pansin ko yung buhok nya na silver
nakakainggit xD pero bagay sa kaputian nya muka syang anghel
sana nga kunin na sya ni God
Joke! pag kinuha sya di na ko makakablik sa mundo ko!!
kaya nilapit ko ung right hand ko papunta sa mga buhok nya
nang maabot ko ang mga buhok nya hinawakan ko ang mga ito
grabe ang lambot ng buhok nya tapos soft pa
nu kaya shampoo nya?
pero ang pinaka gusto ko sa muka nya ay ang mga mata sa itim di ko makita kung may pupil pa sya xD
kaya mula sa buhok nya ibinaba ko naman ang kamay ko sa mga mata nya at hinawakan ng dahan-dahan
baka kasi magising
"Hehehehe..." tawa ko ng mahina
napunta na kasi yung mga kamay ko sa cheeks kaya sinusundot ko
biglang gumalaw yung kamay ni Pierre at inalis ang kamay ko sa pisngi nya
pero hindi parin sya dumidilat
tulog pa din ba sya?
"Gising ka ba?" tanong ko
ilang segundo akong naghintay pero di sya sumagot kaya sinundot ko ulit sya
"Aish" inalis nya ulit yung kamay ko
nagising naba sya?
susundutin ko sana sya ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at biglang dumilat
O_O
"Wag mong gambalain ang pagtulog ko, babae" sabi nya habang hawak parin ang mga kamay ko
"Oo sorry hehe" sabi ko at binawi ang kamay ko pero hindi nya binibitiwan
"Uy ung kamay ko pakawalan mo na" sabi ko habang pinipilit kong tanggalin ung kamay ko
"Ayaw ko baka pagtripan mo ulit ang pisngi ko, Matulog kana" utos nya sakin at pumikit ulit
pero ako busy parin sa pagtanggal pero lalo nya lang hinihigpitan
"Matulog kana" utos nya ulit kaya wala na ako nagawa kundi tumigil
at pumikit dahil sa wakas dinalaw na ako ng antok
Habang natutulog ako naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ni Pierre sa kamay ko
kung kanina normal na hawak lang ngayon naka intertwined na ung mga kamay namin
ewan ko kong bakit pero bigla akong napangiti at parang may kung ano akong nararamdaman sa tyan ko na parang lumilipad
masaya ngayon ang tulog ko :)
____________________________________________________________________
A/N: Sorry readers medyo short yan lang kasi ang nabuo ko for this chapter. 300+ na ang nagbabasa thank you readers ^_^ samahan nyo rin ng votes hahaha xD