Jella's POV
"Dahil galit ang mga ibang lahi ng mundo namin sa mundo nyo" sagot nya
Bakit naman sila galit samin?
"Anong kasalaan ba namin sa mundo nyo?" tanong ko
"Di mo na kaylangang malaman" sagot nya
At nagpatuloy lang sya sa paglalakad
hanggang makarating ulit kami kung san kami galing kanina ung sinasabi kong parang palengke
at nandun parin yung mga alagad daw ni Athena? ayun ba yung goddess?
bigla na lang nilagay ni Pierre yung taklokbong ko ganun rin sakanya at hinawakan nya ang kamay ko
kasabay nun ang kuryenteng naramdaman ko pati narin ang lamig ng kamay nya
patawid na sana kami ng biglang may nagpatigil samin
"Tumigil kayong dalawa!!" isang malakas at nakakatakot na boses ang nagpahinto samin
kaya napahinto kami ni Pierre
pero hindi parin kami humaharap
"Humarap kayo!!" bigla nyang sigaw kaya napalundag ako sa pagkabigla
haharap na sana ako ng bigla na lang higitin ni Pierre ang kamay ko kaya napatalikod ulit ako
"Huwag kang haharap dahil makikilala ka nilang tao!" medyo galit nyang sabi pero mahina lang
pano naman ako makikilalang tao eh parang pare-pareho lang kaming ng mga itsura dito parang normal na tao lang
"Sinabing humarap kayo!!" sabi ng nakakatakot na boses at bigla nya na lang hinigit ang kamay ko
"Aray!" daing ko dahil pakiramdam ko ay naiikot nya ang buto ko ng hinigit nya ang kamay ko
kasabay nun ng bigla nyang tinanggal ang talukbong ko
o_o
bigla na lang ako nagulat dahil may tumama dun sa halimaw at nadere-deretso sya hanggang sa pader
at may humigit sa kamay ko si Pierre at tumakbo kami
"HABULIN NYO SILA!!!" sigaw nung halimaw
at nakasingit nanaman kami sa isang eskinita
O_O
nagulat na lang ako ng bigla nya akong niyakap at parang nawala kami sa kinalalagyan namin
****
Nangnaramdaman kong hindi na kami gumagalaw ay napamulat ako ng mata
Pagtingin ko ay mga puno at kaunting niyebe
bumitaw si Pierre sa pagkakayakap sakin
"Masyadong mong nagugustuhan ang pagyakap ko sa iyo"
sabi nya at ngumisi
o_o
"Hindi ah!!" tanggi ko
ngumisi na lang ulit sya at nagsimulang magkalad sa isang bahay
kaya napatingin ako doon
may bahay paka dito bat diko napansin?
isang lumang bahay na gawa sa kahoy
"Hoy Pierre di ba kayo mayaman?" tanong ko ng sumunod ako sakanya sa paglalakad
"Mayaman?" naka-kunot nyang tanong
pati ba mayaman di nya alam?
"Di mo rin alam ibig sabihin nun? sadyang tanga ka lang talaga noh?" sabi ko at bigla na lang akong binigyan ng masamang tingin
"hehe sorry ^_^v ang ibig kung hindi kaba masalapi.. ahm ano pa ba yun masagana? ano nakuha mo na?" tanong ko
"Hindi ako mayaman kagaya ng sinasabi mo sabihin na nating nasa mahirap ako"
sagot nya
ay alam nya yung mahirap pero mayaman hindi
binuksan nya ang pintuan kasabay ng pagliwanag ng mga kandila
"Wow!! ang galing!! *o*" sabi ko na parang bata
ngumiti lang sya kaya napatingin ako sakanya
"Bakit ka ganyan maka tingin?" tanong nya habang naka ngiti parin
"Wala... pano mo napa ilaw yung mga kandila?"
tanong ko
"Isa akong Wizard kaya kayang kong gawin ang kahit ano maliban lang sa pagte-teleport sa ibang mundo dahil Class A Wizard pa lang ako" page-explain nya
"ah ganun pala... pero pano mo ako matutulungan kung hindi mo kayang magteleport?" tanong ko
hala panu yan sabi nya matutulungan nya ako
"Tss Fatuus, may sinabi ba akong di ko kayang magbukas ng portal papunta sa mundo nyo?" tanong nya
magbukas? ibig sabihin matutulungan nya talaga ako
pero ano yung Fatuus?
(Author: ibig sabihin po ng Fatuus ay tanga hahah pareho silang nag sasabihan ng tanga haha xD)
"Bat kasi di mo kayang gawin yung teleportation kagaya nung ginawa mo kanina? kelangan mo pa tuloy mag bukas ng portal" tanong ko
"Ang kulit nito kasi nga di ako Class A+ Wizard Class A lang ayan nakuha mo na ba?!!" sigaw na patanong nya
"Oo gets ko na chill lang chill relax"
sabi ko habang nakakatakip yung mga kamay ko sa tenga ko
huminga naman sya ng malalim
"Pumunta ka sa kaliwang kwarto at buksan mo ang aparador dun may mga damit dun na pwede mong pagbihisan" saad nya
kaya tumungo ako nag nagsimula ng maglakad papunta dun sa kwarto
"Maghahanda lang ako ng pagkain para sa hapunan" dagdag nya
hapunan? tumingin ako sa bintana mag gagabi nanaman
isang araw ulit para sa mundong ito
pumasok ako sa kwarto at nagbihis
nang hawakan ko ang leeg ko ay wala ang kwentas ko na bigay ni Mama
kaya hinalungkat ko yung damit ko kanina baka nasabit dun pero wala
Nasan yung kwentas ko?!
_____________________________________________________________________
A/N: Baka 3 days akong di mag update kaya gumawa na ako ngayon may test kasi kami haha mag rereview pa ako xD