Chapter Seventeen
MASUYONG hinaplos ni Tanya ang kanyang napakagandang wedding gown. May ngiti sa kanyang labi at nagbabadyang luha sa kanyang mga mata dahil natutuwa siya na sa wakas, makalipas ang halos tatlong taong relasyon nila ni Joshua ay ikakasal na sila. Sa susunod na linggo na ang pag-iisang dibdib nila ni Joshua. Nakahanda na ang lahat at ang araw na lang ang hinihintay nila. Halos hindi na nga siya makatulog sa sobrang excitement na nararamdaman.
Habang hawak ang wedding gown sa kanyang silid ay tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya iyong sinagot nang makitang tumatawag ang nanay niya.
“Mommy, bakit po?” bungad niya sa tawag na iyon.
“Kumusta ka naman, Tanya?” Nasa probinsiya pa ito at ang daddy niya.
“Okay naman po. Excited na kinakabahan.”
“Normal lang iyan. Ganiyan din ako ilang araw bago kami ikasal ng daddy mo. Oo nga pala, may problema tayo. Ang bride’s maid mo…”
“Si Thea?”
“Yes.”
Naitirik niya ang kanyang mga mata dahil alam niyang problema ang kasunod na maririnig niya mula sa ina. Si Thea ay ang bunso at nag-iisa niyang kapatid na sobrang pasaway. Palibhasa’y bunso at na-spoiled noong bata pa ito kaya siguro lahat ng maisipan ay gagawin nito. Disi-otso pa lamang ito ngunit ang akala nito ay alam na nito ang lahat. Kung brat siya noon ay mas brat ito. Atleast siya ay nagbago. Si Thea ay parang walang balak magbago. Hindi ito kaya ng mommy at daddy niya pero sa kanya ay hindi ito umuubra.
Minasahe ni Tanya ang kanyang noo. Wala pa mang sinasabi ang mommy niya tungkol kay Thea ay tila sumasakit na ang ulo niya. “What about her, 'my?”
“Umalis siya dito sa bahay kagabi with her friends. I called her at ang sabi niya ay two weeks ang bakasyon niya sa Batangas!”
“What?!” Nabitawan niya ang wedding gown at napatayo. “Hindi ba niya alam na next week na ang kasal ko at siya ang bride’s maid? Sinasabi ko na nga ba! Pasaway talaga 'yang Thea na iyan. Dapat naisip ko na ito, dapat iba na lang ang kinuha kong bride’s maid! Kahit sino na lang sana!”
“Calm down, Tanya… Tinatawagan na siya ng daddy mo right now and he’s convincing your sister na bumalik na dito before your wedding. Babalik iyon, don’t worry…”
“Mommy, hindi pwedeng hindi ako mag-worry. Pwede niyang sirain nag kasal ko kapag hindi siya um-attend! My God!” Hindi na siya mapakali. Palakad-lakad na siya at tensed.
“Just calm down… Sasabihan ka na lang namin kapag na-convince na namin si Thea na bumalik, okay?”
“No. Alamin niyo kung nasaan si Thea at ako ang mismong pupunta sa kanya. Hindi iyan uuwi hangga’t hindi ako ang nakikita niya. Ako mismo ang susundo sa kanya doon.”
“Are you sure, anak?”
“Yes, mommy. Alam niyo naman na sa akin lang sumusunod ang babaeng iyan… kahit papaano.”
“Okay, okay. I’ll call you later kapag nalaman na namin kung nasaan sa Batangas ang kapatid mo. Just relax, okay? Bye, anak…”
“Bye, mommy,” aniya at in-end na niya ang tawag.
Matapos iyon ay siyang pasok naman ni Joshua. Ipinagmalaki nito sa kanya ang mga gawa nang invitation cards na sisimulan na nilang ipamigay sa mga bisita nila sa kanilang kasal. “Ang ganda ng pagkakagawa sa invitation natin. Look!” Iniabot nito ang isa sa kanya.
Walang gana na tinignan niya ang invitation. Hindi naman sa hindi siya masaya, sadyang okupado lang ang isip niya dahil kay Thea. Napaka pasaway kasi talaga nito kahit kailan. Parang sinadya talaga nito na magbakasyon sa araw ng kasal niya. Gusto siguro siya nitong asarin. Sanay naman siya sa paminsan-minsan nitong pagpapasaway ngunit hindi sa araw ng kasal niya.
“Bakit parang hindi ka masaya? Hindi mo ba nagustuhan?” tukoy ni Joshua sa invitaion.
Umiling siya sabay balik ng invitation dito. “Hindi… I mean, I like it. Kaya lang ang hirap ma-appreciate niyan kapag ganitong may iniisip akong problema,” aniya.
“Problema? Come on, tell me. Ano ba iyon?”
“Si Thea. Nagbakasyon siya at after two weeks pa ang balik. Josh, next week na ang kasal natin at hindi siya pwedeng mawala doon dahil siya ang bride’s maid!” Napahawak na siya sa ulo dahil medyo sumasakit iyon dahil sa pag-iisip. “Siya lang naman ang pwedeng maging bride’s maid ko dahil siya lang ang kapatid ko at wala naman akong ka-close na kaibigang babae. Lahat sila ay… ay…”
Parang hindi kaya ni Tanya na ituloy pa ang sasabihin. Masakit pa rin sa kanya kapag naaalala niya na pinatay ang kanyang mga kaibigan sa hindi makataong paraan.
Napiling na lang siya ulit at tumahimik.
Masuyong hinaplos ni Joshua ang kanyang mukha. “'Wag ka nang ma-stress, okay? Ano nang plano mo ngayon?” tanong nito sa kanya.
“Ako mismo ang susundo kay Thea sa Batangas. Ako lang naman ang may kaya sa kanya. I doubt na makukumbinse siya nina mommy at daddy na umuwi agad. Knowing her…”
“Kailan ang alis mo?”
“Kapag nalaman na nina mommy ang location ni Thea, aalis din agad ako. Kung kailangan ko siyang ikulong hanggang sa sumapit ang araw ng kasal ko, gagawin ko. Para huwag na ulit siyang makaalis. Hindi talaga nag-iisip ang kapatid kong iyon!” Nanggigigil na sabi niya.
“Okay. Papayagan kitang sunduin si Thea pero dapat kasama mo ako.”
“Joshua, no. Ikaw na lang dito. Kaya ko na naman ang sarili ko--”
“You’re not going without me. Isa pa, tapos na naman lahat ng preperation para sa kasal natin.”
Nagtitigan silang dalawa. Sa uri ng pagkakatingin ni Joshua sa kanya, mukhang desidido ito sa sinabi. Hindi talaga siya nito papayagang umalis nang hindi ito kasama.
Huminga siya nang malalim at ngumiti. “Okay, sige. Sasama ka na sa akin sa pagsundo kay Thea. Mukhang wala naman akong magagawa, e…”
“Hmm…” ungot ni Joshua at naglalambing na niyakap siya nito. “Ayoko kasi na aalis ka mag-isa kasi mag-aalala ako for sure. Malapit na ang kasal natin kaya dapat palagi tayong magkasama. Kung pwede nga lang na huwag ka nang mawalay sa paningin ko, e.”
Pabirong hinampas ni Tanya ang braso ng mapapangasawa. “Ang corny, ha!” tawa niya. “Saka magkasama na nga tayo lagi dito sa bahay natin. Ano ka ba?”
“Siyempre, iba pa rin na aalis ka at pupunta sa malayo nang hindi ako kasama.”
“Oo na. Kaya nga isasama ka na, 'di ba?”
Nasa ganoon silang eksena nang biglang tumunog ang cellphone ni Tanya. Kumalas muna siya sa pagkakayakap ni Joshua upang tignan kung sino ang nag-text. Ang mommy niya pala. Tinext nito ang location ng kapatid niya.
Nakisilip si Joashua sa cellphone niya. “Sino 'yan?”
“Si mommy. Tinext niya kung nasaan ang magaling kong kapatid.”
“Nasaan daw?”
“Nasa isang resort sa Batangas!”
“Ano? Aalis na ba tayo?”
“Oo. Pero, makikiusap muna ako kina mommy na pumunta dito para sila na ang mamigay nitong mga invitation. Mabuti na nag sigurado tayo na maipamigay ito bago ang kasal natin.”
Sinang-ayunan naman siya ni Joshua. Tinawagan niya agad ang kanyang mommy para sabihin ang bagay na iyon. Si Joshua naman ay nag-ayos na ng mga gamit nila. Chineck din nito ang kotse nila kung nasa ayos ba iyon. At nang okay na ang lahat ay umalis na sila para puntahan si Thea.
Ipinangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya babalik hanggang hindi kasama ang pasaway niyang kapatid!
TO BE CONTINUED…
BINABASA MO ANG
Dead Meat
TerrorThree different but connected horror and gore stories in one book... When you get caught, you're a one dead meat! Part 01: Bloody Forest Part 02: Couple Trouble Part 03: Killer Quake