Chapter Two
“MALAYO pa ba? Honestly, kanina pa masakit ang paa ko!” Reklamo ni Tanya. Tumigil na siya sa paglalakad at umupo muna sa malaking ugat na nakausli sa lupa.
Kanina pa kasi sila naglalakad upang hanapin iyong sinasabi ni Franco na waterfalls dito sa gubat. Doon daw sila magka-camp para maganda ang view nila. At ang nakakadagdag da inis ni Tanya ay nakalimutan daw ni Franco kung nasaan ang falls. Halos isang oras na ang nakakalipas ay wala pa rin silang waterfalls na natatagpuan. Wala namang problema sa kanya ang paglalakad kahit medyo malayo at matagal, ang problema ay naglalakad na nga sila tapos wala pa siyang signal sa phone! Hindi tuloy siya makapag-online para naman nalilibang siya kahit papaano.
Huminto na rin ang mga kasama niya.
“Lahat naman tayo pare-parehas na naglalakad at napapagod, Tanya. So, wala naman sanang magrereklamo,” ani Kathleen. Alam niya na minsan ay naiinis ito sa kanya.
“At hindi naman siguro masama na magpahinga, right?” sagot niya sabay palihim na inirapan ito.
“Maybe Tanya is right. Magpahinga muna tayo, guys…” turan ni Miyaka.
“Oo nga. Pagod na ang baby ko, e…” At pinisil ni Billy ang ilong ni Bettina at walang babala na naghalikan ang dalawa. Magkasintahan naman ang mga ito at sanay na silang lahat sa pagiging PDA ng dalawa kaya kahit maglaplapan ang mga ito nang walang pasabi ay okay lang sa kanila.
Maarteng inilabas ni Tanya ang kanyang make-up kita para mag-retouch. Nag-apply na rin siya ng sunblock sa kanyang balat dahil medyo tumitindi na ang sikat ng araw. Tumatagos sa puno ang matinding sikat ng araw dahil tanghaling tapat na.
Pagkalipas ng kaunting minuto ay sinabi na ni Franco na kailangan na nilang maglakad muli upang mahanap na ang waterfalls.
“Ano kaya kung maghiwa-hiwalay tayong pito tapos after thirty minutes, magkita-kita tayo dito. Kung gagawin kasi natin 'yon mas mapapadali ang paghahanap natin sa waterfalls, 'di ba?” suhestiyon ni Ace.
“Good idea. G ako sa idea ni Ace!” segunda ni Tanya.
“Ako rin!” ani Franco.
“So, bilisan na natin. Gusto ko nang makita ang sinasabi ni Franco na waterfalls!” Walang gana na sabi ni Tanya.
Nauna na siyang maglakad sa mga ito dahil ang totoo ay gusto na niyang umuwi sa Manila. Ang totoo kasi ay napilitan lang siyang sumama sa mga kaibigan dahil ito ang gusto ng karamihan. Isa pa, may gusto kasi siya kay Franco kaya kahit hindi siya sang-ayon sa gusto nitong puntahan at ng grupo ay sumang-ayon na rin siya. Balak niya sana na i-suggest noon na sa Coron, Palawan na lang sila. Mas gusto pa niya ang mangitim sa beach kesa sa maglakad sa masukal at malamok na kagubatan. Wala siyang makitang kagandahan sa lugar na pinuntahan nila ngayon.
“Fuck talaga! Kailangan kong magtiis pa ng five days sa nakakadiring lugar na ito!” Reklamo niya habang naglalakad. Balak kasi nila na limang araw na mag-stay dito sa gubat. Tutal naman ay kumpleto sila sa mga kailangan nila. Iyong iba ay iniwan nila sa van na nasa bungad papasok ng gubat.
Ayon kay Franco ay dating bahayan ang gubat na ito. Ito daw ang Baryo Isidro. Ngunit nang isa-isa daw mamatay at mawala ang mga taga-roon ay nag-alisan na ang mga tao. Hanggang sa napabayaan na ang buong lugar at naging gubat na.
Tumigil siya ulit sa paglalakad upang mag-selfie. Inilabas niya ang kanyang phone upang mag-picture. Naka-ilang shots din siya bago siya naglakad ulit. Gusto na sana niyang I-upload agad sa Facebook at Instagram ngunit wala namang signal. Tinignan na lang niya isa-isa ang kanyang bagong kuha na pictures habang dahan-dahan na naglalakad.
BINABASA MO ANG
Dead Meat
HorrorThree different but connected horror and gore stories in one book... When you get caught, you're a one dead meat! Part 01: Bloody Forest Part 02: Couple Trouble Part 03: Killer Quake