5

2.9K 67 3
                                    

"Julie?" Tanong niya.

"Elmo?" Sagot ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Pareho naming sabi.

Siya? Si Elmo ang anak ni Ma'am Stella? So siya nga ang Mommy ni Elmo? Yun pala ang relasyon nila sa isa't isa. Mag Nanay sila.

"Anong ginagawa mo dito?"

Si Elmo. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya. Nakatingin lang ako sa mata niya. Anong ginagawa niya dito? Diba dapat kasama na niya ang asawa niya? Wait. Mamaya na yan kinakausap niya ko.

"Uhm..mag..mag tatrabaho ako dito."

Nakita ko na tumingin agad siya sakanyang Mommy.

"Seriously Mom?" Narinig kong sabi niya.

"Yes. Teka, nagkakilala na ba kayo o magkakilala ba kayo?" Tanong ni Ma'am Stella.

Anong isasagot niya? Itatanggi ba niya? Iiwas ba siya sa tanong? Anong isasagot mo Elmo?

"Yes. Kilala ko siya."

Tumingin sakin si Ma'am Stella. Napayuko naman ako.

"So you know my Son?"

Tumango naman ako. "Opo."

Nakita ko na tumayo si Ma'am Stella at lumapit sakin. Nagpapalitan siya ng tingin sa amin ni Elmo. Naramdaman ko ang kamay ni Ma'am Stella sa balikat ko. Tumingin ako sakanya at nakita ko ang pag ngiti niya.

"Mabuti naman kung ganun at least hindi mahihirapan si Julie na maalagaan ka. Julie, bantayan mo maiigi yang anak ko ah?"

"Mom!" Sigaw ni Elmo.

"What?"

"Hindi ko siya pwede maging Yaya."

Tumaas ang isang kilay ni Ma'am Stella. Pakiramdam ko magtataray siya. Nakita ko naman ang pag-iwas ng tingin ni Elmo sa tingin ng kanyang Mommy.

"Sorry ka pero pumirma siya na magiging Yaya mo siya. Legal ang kontrata na yun kaya wala kang magagawa. Wala din akong pakialam kung magkakilala kayo o kung ano man ang meron sa inyong dalawa basta ang gusto ko bantayan at alagaan ka ni Julie. Sasamahan ka niya sa lahat ng lugar na pupuntahan mo. Trabaho niya yun kaya wala kang karapatan magreklamo. Utos ko yun at dapat masunod yun. Maliwanag Elmo?"

Hindi sumasagot si Elmo. Tumingin ako kay Ma'am Stella. Nakangiti siya.

"Ok. So Julie? Ayan ang alaga mo. Ikaw na ang bahala sakanya. Gusto ko maayos ang trabaho. Wag mong iiwan yan. Sundan mo kung saan pupunta."

At umalis na siya. Naiwan naman kami ni Elmo dun. Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sakin. Kitang kita ko sa mata niya ang pagtataka at pagkainis. Bakit? Wala naman akong ginagawa. At utos lang naman ng Mommy niya sakin ang bantayan siya.

"Mag-usap tayo."

Naramdaman ko nalang na hinahatak na niya ko paakyat. Pupunta kami sa kwarto niya? My gosh! Ayoko baka kung ano pa ang mangyari. Nandito na kami sa loob. Ang laki naman ng kwarto niya. Ang ganda pa. Inupo niya ko sa isang malaki, malambot at mukhang mamahalin na sofa.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit dito mo pinili mag trabaho?"

"Hindi..ko naman alam na pamamahay mo toh eh. Tsaka, kailangan ko na talaga makahanap ng trabaho tapos nakita ko yung wanted: yaya sa labas ng gate niyo kaya nagbakasali ako na makapasok."

Lakad dito at lalad doon ang ginagawa niya. Bakit? Ano bang meron? Ayaw niya ba ko dito dahil baka makita ako ng asawa niya? Ang sakit naman nun.

"Hindi mo ba nakilala ang Mommy ko? Hindi ka ba nakatunog na Mommy ko siya? Na related siya sakin?"

"Before my Wedding" (JuliElmo Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon