6

2.8K 71 10
                                    

Hindi ko alam kung anong irereact ko. Namumula na ko ngayon sure ako. Paano ba naman kasi habang nag-aayos ako ng gamit niya napansin ko yung pulang mantsya sa kama niya. Naalala ko na galing pala sakin yun. Kainis naman kasi si Elmo hindi man lang pinalitan yung bedsheet.

"Papalitan ko nalang yung bedsheet." Narinig kong sabi niya.

Tumango nalang ako at tumalikod. Bumabalik nanaman ang lahat ng pangyayari. Yung gabi na may nangyari sa amin.

"Gusto mo ba ng pagkain? Ipagluluto kita." Tanong ko sakanya.

"Ok lang."

"Sige."

Lalabas na sana ako ng pinto ng bigla niya kong hawakan sa kamay. Napatingin ako sakanya. Hindi ko alam kung ano pero parang may sinasabi sakin ang mga mata niya. Unti unti kong nararamdaman ang paglapit niya sakin.

"Julie..."

Naramdaman ko nalang na dumampi ang mga labi ni Elmo sa labi ko. Nung una hindi ako gumaganti sa halik niya pero ng tumagal tinutugun ko na yun. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa halik ni Elmo na nahuhumaling ako. Para siyang alak na nakakalasing. Droga na hindi matigilan. Naramdaman ko na din ang kamay ko na nakahawak sa dibdib niya.

"Hmm.." Ungol niya.

Wala na. Nadadala na ko at nadadala na din siya. Tinulak ko siya sa kama at humiga sa ibabaw niya. Nakapatong ako sakanya ngayon. Kitang kita ko na hinahagis niya ang mga bundok ng damit niya na nakalatag sa kama.

"Moe.."

"I want you.." Bulong niya sakin.

Palalim na ng palalim ang ginagawa naming halik. Bukas na din ang polo niya at yung damit ko unti unti na niyang tinataas. Natigil kami sa paghahalikan ng marinig ko ang tunog ng cellphone niya.

"Moe..yung cellphone niya."

"Hayaan mo lang." At patuloy pa din niya akong hinahalikan.

Ayoko mang tigilan pero kailangan matigil muna yung tunog ng cellphone niya. Masakit kasi sa tenga at baka importante yun. Bahagya ko siyang tinulak.

"Ano?" Tanong niya.

"Phone mo.." Nahihiya kong sabi sakanya. Halata kasi na nabitin siya.

Inis siyang napaupo sa kama. Umupo naman ako sa gilid niya. Tiningnan niya ang cellphone niya at sinagot yun.

"Mom? Opo. Yeah sure. Si Julie? Kasama ko po. Yes Mom. Bye."

Natapos ang tawag. Mommy pala niya yun. Istorbo! Hala! Hindi ang ibig kong sabihin bakit kaya? Tumingin sakin si Elmo. Napatingin tuloy ako sa ibang direksyon. Ang awkward. Wait. Julie! Mali yung ginawa mo! May asawa na siya! Ano? Kabet ka ganun? Tumayo ka dyan at baka kung ano pa ang magawa niyo.

"Uhm..mag..magluluto na pala ko.."

Tumayo ako at lumabas na ng kwarto niya. Buti nalang at hindi na niya ko pinigilan pa kasi baka makagawa kami ng kasalanan. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. Uminom ako ng malamig na tubig.

"Kalma Julie. Kalma. Bakit nagpadala ka kasi kanina?"

Tiningnan ko ang sarili ko at nakita ko na gusot gusot ang damit ko. Muntik na talaga. Muntik ng magka part two.

*******

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang may pumasok sa isip ko na halikan siya. Nung nakita namin yung blood stain sa kama parang nag flashback lahat ng nangyari nung gabing yun. Hindi ko makalimutan ang lambot at kinis ng kanyang katawan. Ang init ng kanyang yakap. At ang matatamis at mapupula niyang labi.

"Ano ba yung ginawa ko kanina?"

Napailing nalang ako. Tumingin ako sa pantalon ko at nakita ko na may..may..boyscout! Ang tindig ng tayo. Ang sakit sa puson nito. Kailangan ko ng tubig. Lumabas ako at nakita ko si Julie na nagluluto. Tumingin ako sarili ko at inayos ang mga bukas na butones ng polo ko.

"Luto na ba?"

Nakita kong nagulat siya. Namumula siya. Kasi naman Elmo! Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref. Uminom naman ako at ng matapos tinulungan ko siya na ihain yung pagkain sa lamesa.

"Yan lang kasi ang nakita ko."

Tumango naman ako. Tuna lang ang naihanda niya. Ayos na yun. Nakaupo kami at kumakain. Nasa harap ko siya ngayon. Hindi siya nagsasalita.

"Moe.."

Tumingin ako sakanya. May gusto ata siyang itanong sakin.

"Bakit?"

"May itatanong sana ako sayo."

Hindi ako sumagot at tumango nalang ako sakanya.

"Nasaan ang asawa mo? Diba dapat kasama mo siya? Honeymoon yung ganun. Tsaka, bakit parang hindi ko siya nakikita sa bahay ng Mommy mo?"

Tumingin ako sa ibang direksyon. Naalala ko na hindi pa nga pala niya alam ang nangyari sakin at kay Angel.

"Hindi natuloy ang kasal namin."

Nakita ko ang pagkagulat niya. Nabitawan kasi niya yung kutsara at tinidor na hawak niya.

"Bakit? Dahil ba sakin? Nalaman ba niya yung nangyari sa stag party mo?"

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Oo tama siya. Siya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal. Sa hindi ko malamang dahilan, bumalik lahat ng nararamdaman ko para sakanya. Masabi ko kaya sakanya toh? Baka mas lalo niyang sisihin ang sarili niya.

"Hindi. Desisyon ko na hindi ituloy ang kasal namin."

Tumayo ako at kinuha ang pinggan ko.

"Ako na ang maghuhugas. Ayusin mo na yung mga gamit ko sa kwarto para makaalis na din tayo."

Iniwan ko na siya at pumunta sa kusina. Gusto kong umiwas muna sa mga tanong na pwede niyang itanong sakin. Naguguluhan pa ang isip ko at baka hindi ako makapag isip ng maayos at kung ano pa ang masabi ko. Ilang sandali pa lumabas na ko. Hindi ko na siya nakita dun. Nasa kwarto siguro. Naglakad ako papasok ng kwarto at nakita ko siyang nakatingin sa bintana.

"Julie?"

Tumingin siya sakin. Nakita ko na naguguluhan siya. Alam ko kasi nakikita ko yun sa mata niya. Lumapit ako sakanya at hinawakan siya sa balikat.

"Wag mo ng isipin yun. May dahilan ako kung bakit ko ginawa yun."

"Sabihin mo sakin kung isa ba ako sa dahilan na yun. Hindi ko naman alam na ganito ang kakahantungan ng kagustuhan kong makita at makausap ka."

Hinawakan ko ang mukha niya. Kilala ko siya. Ayaw niya na maging dahilan para makapanakit ng tao. Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa mapupungay niyang mata.

"Wag mo ng isipin yun."

"Pero.."

Hindi na siya nakapagsalita dahil nilapat ko na ang labi ko sa labi niya.

Gumanti siya.

Hindi na ko pwedeng mag panggap pa.

Mahal ko pa rin siya.

Mahal kita Julie.

To be continued..

"Before my Wedding" (JuliElmo Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon