ENDING

3.3K 104 9
                                    

Lumipas ang mga araw matapos ang pangyayari na yun. Naging maayos naman ang lahat sa amin ni Elmo. Patuloy parin ako sa pagtatrabaho ko. Ako pa din ang yaya slash girlfriend ng boyfriend kong napakapilyo.

"Babe, pakiss na kasi."

"No Moe. Tumayo ka na nga para maayos ko na yang higaan mo."

"Ayoko pa nga tsaka ang aga aga pa kaya."

Napakamot naman ako sa ulo. Napakakulit talaga niya. Ganito kami palagi tuwing umaga kahit nga gabi. Ang landi kasi palaging nanghihingi ng kiss. Laging nagpapalambing.

"Please baby?"

"Tss. Sige na matigil ka lang."

"Ayos!" At tumayo siya. Nagulat ako ng ihiga niya ko sa kama.

"Moe!" Dinaganan kasi niya ko. Nakapatong siya ngayon sa aking katawan.

Ngumiti lang siya ng nakakaloko sakin sabay halik ng madiin sa aking labi. Napaka sarap talaga humalik ng mahal ko. Sweet kiss.

"Anong ibig sabihin nito?"

Pareho kaming napahinto sa ginagawa namin ng bigla may magsalita. Naitulak ko si Elmo ng makita ko kung sino yun.

"Mom?"

Seryoso ang mukha nito. Nakakatakot.

"Bumaba kayong dalawa. Ngayon na." Sabay sarado ng pinto.

Nagkatinginan kami ni Elmo. Paano na yan? Baka paghiwalayin na kami ni Elmo ng kanyang Mommy.

"Akong bahala." Sabi ni Elmo.

"Moe, paano na kung.."

"Paghiwalayin tayo ni Mommy?"

Tumango ako.

"Hindi ako papayag at kung paghiwalayin man niya tayo isang solusyon lang ang meron tayo."

"Ano yun?"

"Magtanan tayo."

Nahampas ko naman siya. Puro kasi kalokohan. Niyaya ko na siyang bumaba. Naabutan namin ang Mommy niya sa sala at umiinom ng kape. Umupo kami ni Elmo. Hinawakan niya ang kamay ko para bang sinasabi na siya na ang bahala at hindi ko kailangan mag-alala.

"So kelan pa kayo?" Tanong ni Ma'am Stella.

"Simula po nung stag party ko." Sagot ni Elmo.

Kami na ba nun? Alam ko may nangyari lang sa amin hindi ako nainform ka kami na pala nung araw na yun. Hindi nagsalita si Ma'am Stella.

"Mom, mahal po namin ang isa't isa. Sana matanggap niyo kami."

Tumingin sakin si Ma'am Stella. Napayuko naman ako. Nakakatakot ang mga tingin niya.

"Mahal mo ba ang anak ko?"

Tumango naman ako. "Mahal na mahal ko po siya."

"Handa ka bang pakasalan siya?"

Pareho kaming napatingin ni Julie sakanya.

"Masasabi ko na success ang mga plano ko."

"Po?" Pareho naming sabi ni Elmo.

Tinawanan niya lang kami.

*****

"What Mom? Totoo?" Gulat na gulat kong sabi.

"Yes son."

"Hindi ako makapaniwala."

Si Mommy ang dahilan kung bakit nasa stag party si Julie. Kinausap niya ang mga kaibigan ko na nag set nun. Si Mommy din ang dahilan kung bakit magkasama kamk ngayon ni Julie. Kung bakit niya tinanggap si Julie bilang Yaya dahil alam niya ang tungkol sa nakaraan naming dalawa.

"Before my Wedding" (JuliElmo Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon