7

2.7K 55 3
                                    

Gabi na pala. 8pm. Tumingin ako sa katabi ko na mahimbing na natutulog. Dahan dahan kong inalis ang kamay niya na nakayakap sa aking bewang.

Mabuti at hindi siya nagising. Umupo ako at napaisip sa mga nangyari. Muli ko siyang tiningnan.

"Ang gwapo mo talaga." Mahina kong sabi.

Maingat akong bumaba ng kama. Kumuha ako ng isang polo mula sa tambak tambak na damit niya na nahulog sa sahig. Sinuot ko yun. Medyo may kalakihan sa akin. Sinuot ko na rin ang boxer shorts niya. Lumabas ako at pumunta sa kusina.

"Nagugutom ako."

Naghalungkat ako ng makakain at naalala ko na wala nga pala talagang kalaman laman man lang ang ref niya. Kinuha ko ang bag ko na nasa sala. Tiningnan ko ang laman ng wallet ko. Nakita ko ang 5000 na ibinigay niya sakin. Nagdadalawang isip ako kung gagamitin ko ba tong pera pambili ng pagkain.

"Nag wewelga na talaga yung tyan ko sa gutom. Papalitan nalang kita sa unang sweldo ko."

Tumingin ako sa tabi tabi at hinanap ang telepono. Agad akong nag dial ng number sa JOLIEbee.

"Yun lang po. Maraming salamat. Paki deliver nalang ng mabilis yung pagkain. Salamat."

At ibinaba ko ang telepono. Tumalikod ako at halos mapasigaw ako sa pagkagulat sa aking nakita. Gising na siya.

"Gising ka na pala.."

Tumango siya. Lumapit siya sakin at pinaupo sa kandungan niya. Itinago naman niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Bakit bumangon ka na?" Mahina niyang sabi.

"Ahh..nagugutom na kasi ako eh. Ikaw? Hindi ka pa ba nagugutom?"

Umiling siya. "Kakatapos ko lang kumain eh."

Nakita ko naman ang pilyong ngiti niya. Yun siguro ang ibig sabihin ng ngiti niya. Yung nangyari kanina. Hindi ko tuloy maiwasan na mamula.

"Bakit ka namumula?"

"Hindi ako namumula noh."

Narinig ko naman ang tawa niya. "Hindi daw. Oo nga pala, bagay sayo ang polo ko. Sexy."

Napangiti naman ako. "Salamat. Teka, bakit nakatapis ka lang ng kumot dyan? Nandun naman yung mga boxer shorts mo ah?"

"Ito nalang muna kasi baka maulit diba? Para hindi na ko mahihirapan maghubad mamaya."

Hinampas ko naman siya sakanyang sinabi. Loko loko talaga siya. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Mas hinigpitan naman niya ang pagkakayakap sakin.

"Moe.."

"Hmm?"

"Hindi ba mali tong ginawa natin?"

Napakunot noo naman siya. "Anong mali dun? Dito?"

"Kasi..diba, hindi natuloy yung kasal mo tapos ganito..parang mali."

Hinarap niya ko sakanya. "Hindi natuloy ang kasal ko. Tama ka. Pero hindi ibig sabihin nun bawal at mali na ang ginagawa natin. Ang mali ay kung kasal ako at ginawa natin ito."

"Hmm. Basta natatakot ako sa pwedeng mangyari. Ayokong makasakit ng tao."

"Wag mong isipin ang ibang tao. Ako? Hindi mo ba naisip na pwede din akong masaktan kung ganyan ang iniisip mo? Nakapag desisyon na tayong dalawa bago natin gawin ito diba?"

Tumango naman ako. Naalala ko kanina bago namin gawin ang bagay na ito.

*Flashback..*

"Julie.."

"Before my Wedding" (JuliElmo Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon