8

2.5K 64 4
                                    

"Angel?"

Narinig kong sabi ni Elmo. Nakita ko ang babaeng nasa harap niya. Siya pala si Angel. Ang ganda niya. Para nga talaga siyang anghel. Napaatras ako ng makita ko siyang lumapit kay Elmo at kumapit sa braso nito. Nakaramdam ako ng sakit sa nakita ko.

"Angel? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Elmo habang tinatanggal ang kamay ni Angel na nakakapit sa braso niya.

"Babawiin na kita. Binabalikan. Babe, naiintindihan ko na lahat. Nabigla ka lang kaya ka umalis nung kasal natin diba? Problema daw ng mga lalaki yan. Kahit nga babae nagkakaganyan din. Sabi ni Momma, normal lang yun kasi bata pa tayo."

Lumayo si Elmo kay Angel. "Angel.."

"Babe? Please? Ayusin na natin toh. Magpakasal na ulit tayo."

Umiling si Elmo. "Hindi na matutuloy ang kasal Angel. Hindi na mangyayari yun."

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Angel.

"Anong sinabi mo? Wait, bakit? Anong problema? Sabihin mo. May ibang babae ka ba?"

Tumingin si Elmo sa mga mata ni Angel. Kinakabahan naman ako sa sasabihin niya. Ayokong makapanakit. Anong gagawin ko kung umamin si Elmo na ako ang babae niya? Na ako ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nila?

"Wala." Sabi ni Elmo.

"Oh? Wala naman pala eh. Bakit ayaw mo pa rin ituloy?" Naiinis na sabi ni Angel.

Yumuko si Elmo. "Wala akong ibang babae pero..."

"Pero?"

"Bumalik na yung babaeng mahal ko. Yung babaeng mahal ko talaga."

Nagulat ako. Nagulat din si Angel.

"What? Fuck! Elmo! Anong sinabi mo? Naglolokohan lang ba tayo ha? Bumalik na ang babaeng mahal mo? So nung tayo? Hindi mo ko minahal?"

"Minahal kita. Minahal nga ba kita?" Nakayuko pa din si Elmo.

"Bullshit!" Lumapit si Angel kay Elmo at sinampal ito.

"Angel.." Tumingin si Elmo kay Angel.

"Fuck! Moe! Minahal kita! Mahal kita tapos sasabihin mo yan?"

"I'm sorry."

"Nasaan? Nasaan ang sinasabi mong babae sa nakaraan mo?"

Ako ba ang tinutukoy niya? Anong gagawin ko? Lalabasin ko ba sila? Baka magkagulo lang. Pero ayoko naman iwan si Elmo sa ere. Laban naming dalawa ito. Hindi pwedeng siya lang ang lumalaban. Kita ko na hindi makasagot si Elmo kaya lumabas na ko. Dala dala ko pa din yung plato na puno ng kanin. Nilapag ko yun sa mesa. Tumingin ako sakanila.

"Hindi mo ba nakikita na nag-uusap kami ng amo mo? Pumunta ka muna sa kitchen." Sabi ni Angel.

Hindi ako umalis. Nanatili ako na nakatayo doon. Tumingin sakin si Elmo.

"Angel...si Julie nga pala."

"Bakit kailangan mo pang ipakilala sakin ang bagong maid niyo?"

Maya maya naramdaman ko naman ang kamay ni Elmo na hinawakan ang kamay ko. Tinaas niya yun at hinalikan. Nakatitig lang ako sa ginagawa niya.

"Siya si Julie. Siya ang babae sa nakaraan ko. Siya rin ang babaeng gusto kong makasama sa hinaharap."

"What?" Tumingin sakin si Angel. Masamang tingin.

Lumapit si Angel kay Elmo at sinampal ito sa harap ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Nakita ko din na ang luha sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng awa.

"Before my Wedding" (JuliElmo Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon