Chapter 58

11.4K 264 7
                                    

CHAPTER 58: HOPE

Alex POV

Isang linggo na simula ng maaksidente si Karryle, sa isang linggo na 'yon ay lagi kaming nasa tabi niya at hinihintay na magising siya. Halos dito na nga kami tumira.

Tumayo si Alliyah sa pagkakaupo sa bangko kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Malungkot itong ngumiti at hinawi ang buhok ni Karryle. Kung titingnan mo ay parang mahmbing lang siyang natutulog. Maputla man ay maamo pa din ang mukha nito.

"Karryle, one week na oh? Please wake up, madam kaming naghihintay sayo." Malungkot na sabi ni Alliyah a mabilis na pinahid ang luha.

Napatingin ako sa kamay niya at marahang hinawakan ito.

Hindi ko magawang ibuhos lahat ng galit ko sa Prince na 'yon dahil alam kong ako ang unang nanakit sa damdamin ni Karryle. 

"Karryle tama ang pagiging sleeping beauty oh, kahit si MJ umiyak ng parang sanggol nung malaman ang nangyari sayo, sayang di mo nakita pagmumukha niya." Pabirong sabi ni Leona na ikina-iling ko

"Ang sama mo, Leona. Ano naman kung umiyak ako, naging kaibigan ko na din naman si Karryle." Nakalabi na sabi ni MJ na ikinatawa namin ng bahagya.

"Mukha kang pato, bro. Itigil mo na yan tanggal angas mo e." Sabi ni Chase at tinapik tapik pa ang balikat nito.

Napatingin ulit ako kay Karryle.

"Iwas iwas din ng tingin, Alex. Baka matunaw yung kaibigan namin noh?" Sabi ni Nicole at napalingon ako bigla dito.

Ngumiti ako ng bahagya at umiling dahil sa pang-aasar.

"Hinding hindi ko mapapatawad ang dalawa na yon." May diin na sabi ni Leona at nakita kong kumuyukom ang kamay nito.

"Nasapak nga naming tatlo yung si Prince kahapon." Pagbibida ni Louise na ikinalingon namin sa kaniya.

"Huh? Anong nangyari? Bakit? Pero deserve niya 'yon, kulang pa nga e." Sabi ni Alliyah

"G*go e, hindi ko alam kung ano-anong sinasabi. Hindi ko na pigilan, nasapak ko. Alam ko na g*go din ako pagdating sa babae, pero alam ng mga naging babae ko na hindi talaga ako matino at hindi nag-ko-commit. Pero siya? Pinaglaruan niy si Karryle, alam kong pinagpustahan namin siya na pinagsisiihan ko pero, akala ko itinigil niya na 'yon." Halata sa boses nito ang inis.

"At nagawa niya pang saktan ng pisikal si Karryle na lalong ikinagagalit ko sa kaniya, parang di siya yung Prince na naging kaibigan namin." Dagdag pa ni Mj patungkol sa pagtulak nito kay Karryle.

"Pinuputol ko na ang koneksyon ko sa kaniya dahil sa ginawa niya sa pinsan ko." Sabi ni Louise

Nung nakaraan lang namin nalaman ang totoong pagkatao ni Karryle na ikinagulat namin maliban kay Louise at sa mga kaibigan na babae ni Karryle.

Buong akala ko ay kapatid talaga siya ni Josh.

Napatingin kami ng bumukas ang pinto at pumasok ang tumayong magulang ni Karryle at si Josh.

Umalis muna kami sa tabi ni Karryle at binigyan ng space ang pamilya ni Josh.

Mayamaya ay narinig namin ang hikbi ni Tita. Sa raw-araw na pagdalaw nito ay lagi nitong di mapigilan ang pag-iyak na alam namin na hindi talaga mapipigilan.

"Anak, hi! Kumusta, honey? Gising na, umaga na oh? Miss ka na namin." Malambing na sabi nito pero halata pa din sa boses nito ang pagpipigil ng iyak.

"Little sis, masyado ng mahaba tulog mo hindi maganda yan." Sabi ni Josh at bahagyang hinawakan ang pisnge nito.

"My princess, may gustong kumilala sayo. Alam ko na gusto mo siya makilala. Bilisan mo ng gumising, hmm? We love you so much." Sabi ni Tito at patuloy na pinapatahan si Tita.

The Nerd Revenge [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon