CHAPTER 38 : JELLY PRINCE?
Prince POV
Friday. 5 araw na patuloy nagbibigay ng regalo ang dalawang secret admirers ni Karryle.
Bakit naiinis ako? Parte din ba ito ng plano?
Hindi ko alam kung bakit naiinis ako at napagkamalan pa akong nagseselos ng mga kaibigan ko.
Flashback
Tambayan.
"Sino ba ang dalawang loko na iyon at sinisira ang pangliligaw ko?" Sabi ko at padabog na ibinato sa basurahan ang bote ng tubig.
"Ano ka ba naman, Prince! Admirers lang yun! Wala ngang mukhang maiharap e, nagtatago sa mga regalo."
Natatawang sabi ni Louise."Nagseselos ka lang, bro." Pang-aasar sa akin ng kakambal ko na si Chase ma ikinatawa nung dalawa.
"Jelly Prince!" Sabay sabay na asar nila na ikinasama ko ng tingin.
End of flashback
Nakakainis! Naseselos ba ako? Hinde!
Ano ba ang nangyayari! Tama! Baka kaya naiinis ako dahil baka hindi maging successful ang plano ko.
"Hey! Are you okay?" Sabi sa akin ni Karryle na nakapagpabalik sa akin sa reyalidadm
"Huh? Hmm yup! Ayos lang ako!" Sabi ko at ngumiti sa kaniya.
"Are you sure? Hindi mo pa kasi nagagalaw itong pagkain mo, tulapa ka lang." Natatawang sabi nya
Ngumiti lang ako para ipakita na ayos lang talaga ako. Tumigil ako sa pag-iisip at nagsimulang kumain.
Pakiramdam ko kasi ayokong may kaagaw sa atensiyon niya, sa kaniya.
Nagseselos nga ba ako?
Mj POV
Ilang araw ng mainit lagi ang ulo ni Prince minsan ay tulala pa.
Hindi kaya? Pero imposible. Mahal niya ang babaeng iyon.
Umiling ako dahil sa naiisip ko.
"Hoy siraulo ka ba? Umiiling-iling ka diyan? Iyang ice cream mo tunaw na, magkakaibigan nga kayo mga taong laging tulala." Sabi ni Leona ikinanguso ko
Napatingin nman ako sa ice cream na hawak ko. Tunaw na nga ito.
"Pwede ba? Wag kang ngumuso!" Mataray na sabi nito.
"Bakit? Dahil sobrang cute ko? Nakangising sabi ko, inaasar ito.
"Nope! Mukha kang pato e." Sabi nitp na ikinasimangot ko.
Sabay sabay namang tumawa sila Karryle kasabay ng mga kaibigan ko.
Paglatapos maglunch sabay sabay kaming naglakad pabalik sa room, nasa corridor kami ng may lumapit kay Karryle.
"Ah miss--" Hinde na natuloy ang sasabihin nito ng--
"Ano yan regalo na naman? Kabibigay lang kanina a. Kanino ba talaga galing yan?" Pagpuputol ni Prince dun sa babae.
Agad naman siyang hinawakan ni Karryle sa braso at inilingan ito. Napailing na lang ang kaibigan ko na ikinakunot ng noo ko.
Bakas sa mukha nito ang inis.
"Pasensiya na, miss. Ano po ang kailangan niyo sa akin?" Sabi ni Karryle at bahagyang ngumiti.
"Ah classmate po kasi ako ng kuya mo. Pinapaabot lang po ito. May tinatapos pa kasi siyang activity kaya nagvolunteer na ako." Sabi nung babae at naiabot ang paper bag.
"Ah okay salamat po, ate." Sabi ni Karryle kaya ngumiti yung babae at nagpaalam na aalis na.
Tumingin kami kay Prince.
"Sa kuya naman pala galing." Nakangising sabi ko.
"Jelly Prince!" Sabay sabay na asar namin ka Prince.
Agad kaming sinamaan ng tingin nito na ikinatigil namin.
Napatingin kami kay Karryle ng mahina itong tumawa. Nagtatakang tumingin kami sa kaniya, nagtatanong ang tingin.
"Dapat sa girlfriend ni Kuya kaya lang hindi tinanggap dahil may away sila." Naiiling pero nakangiting sabi nito.
Napatingin ako kay Prince. Bumalik ang mga tanong ko sa isipan ko kanina. Pero isa lang ang sigurado ko.
Nagseselos siya.
END OF CHAPTER 38
BINABASA MO ANG
The Nerd Revenge [REVISING]
Teen Fiction[Highest Ranking Achieved:#13 in Teen Fiction] Paano kung ang isang babaeng nagmahal ng tapat ay ginamit lang. Paano kung ang tanga ay matuto. Paano kung ang dating nilalait lait niyo ay hinahangaan niyo na ngayon. Gumawa siya ng isang plano upang i...