Chapter 62

11.2K 244 22
                                    

CHAPTER 62: THE CHANGES WILL BEGIN

Karryle POV

Two days na din simula ng ma-discharge ako sa hospital. Nasa bahay kami ngayon nila Eomma, nakakapanibago dahil mas malaki ito kumpara sa bahay na kinalakihan ko.

Alam na din nila Alliyah ang pag-alis at mga plano ko. Nung una, nalungkot pa sila sa desisyon ko pero sa huli sinuportahan at pinayagan na lang din nila ako.

"Karryle, message mo agad ako pagkalapag mo sa Korea." Pangalawang beses na sabi na ni Nicole.

"Karryle, sa bakasyon pupuntahan ka namin 'don." Dugtong ni Alliyah.

"And make sure na lagi kang magvi-video call para alam namin ang nangyayari sayo." Pahabol pa ni Leona.

Natawa ako dahil nakapalibot sila sa akin.

"Guys, please calm down. Ang lapit lang ng Korea, anytime alam kong may isa sa inyo na hindi ako matitiis at paniguradong pupuntahan ako." Sabi ko at maliit na ngumiti sa kanilang lahat.

Sabay-sabay naman silang lumingon kay Kuya Josh dahil siya panigurado ang di makakatis sakin. Naaasar naman itong tumingin sa aming lahat na ikinatawa naming lahat.

"Kuya, ikaw na bahala kila Tita Mommy ah. Mami-miss ko kayong lahat." Sabi ko at bahagyang tumingala para pigilan ang luha.

Nag-aalala naman ang mga mata niloang nakatingin sa akin.

"Don't worry, guys. Hindi na ako iiyak, last na 'to." Sabi ko at ngumiti ng bahagya.

Niyakap nila ako at bahagya namang ginulo ng boys ang buhok ko na ikinanguso ko.

Pagkatapos ng dinner ay sabay sabay na silang umuwi. Nandito ako sa kuwarto ko at nakatulala sa buwan. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.

Pagkabukas ng pinto ay sumilip ng bahagya ang kumatok--si Eomma pala.

"Eomma? Why po?" Nagtatakang sabi ko at lumapit sa kaniya.

"Nothing, nai-check lang kita. Are you comfortable sa room mo? or kung hindi, puwede kang lumipat sa ibang room and--" Nag-aalalang sabi ni Eomma pero pinutol ko na ito at niyakap siya.

"Eomma, I'm okay. Comfortable naman ako sa room and may veranda naman po." Sabi ko at humiwalay sa yakap niya. Niyaya ko si Eomma sa kama at umupo.

"Eomma, alam ko po na bago lang tayo nagkasama and here I am planning to leave all of you. But Eomma, I badly need it to start a new life. Para sa akin at para sa inyong lahat." Sabi ko at marahan na hinawakan ang kamay niya.

"Honey, I understand. Wala namang problema sa akin lalo't kasama mo naman ang kakambal mo doon. And susunod din naman ako sa inyo, babalik na lang ako dito pag may kailangan akong i-handle sa school."  Sabi ni Eomma at bahagyang snuklay ang buhok ko.

"You should rest na, maaga pa ang flight niyo." Dagdag ni Eomma at hinalikan ako sa noo bago lumabas sa room ko.

Humiga ako at bahagyang tumingin sa bintana. Ayokong maghinganti pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nagagawa lahat ng nai-plano ko.

Mabilis kong pinahid ang luha ko at pumikit.

Bago pa tumunog ang alarm clock ko ay gising na ako. Pinatay ko ito at dumiretyo sa restroom para maligo.

Pagkalabas ng restroom ay naka-robe na ako. Pumunta ako sa closet at tumingin ng damit na matagal ng naghihintay sa akin. Nakahanda na ito kahit noong hindi pa kami nagkakakilala ng biological family ko.

Ang mga damit dito ay hindi ko nakasanayan pero masasanay din ako. I decided to wear loose low-waisted jeans, a fitted white sleeveless top layered with a black cardigan, and white sneakers. 

Tumingin ako sa full body mirror malapit sa closet ko, ngayon ko lang napansin na hindi naman pala masama ang hubog ng katawan ko. Bago lumabas ay kinuha ko ang black cap at mask ko. Hindi puwedeng wala akong cap at mask, baka may makakita sa akin. Hindi dapat masira ang plano ko na pinalabas naming lahat na patay na si Karryle.

Pagkalabas ko ay nasa sala na silang lahat. Gusto din kasing sumama nila Leona paghatid sa amin ni Oppa sa aiport.

"Let's go?" Sabi ko at ngumiti ng bahagya sa kanila. 

Kumunot ang noo ko ng tulala lang sila at hindi kumikibo. Bahagya din na naka-awang ang labi nila. Napatingin ako sa suot ko.

"Hindi ba bagay? Should I go up and change?" Sabi ko at tatalikod na sana ng sabay-sabay silang nag "no".

"Oh my gosh, Karryle. Bagay sayo, nagdecide ka na din ba na palitan ang mga style mo?" Sabi ni Leona at nahihiya naman akong tumango bilang sagot.

Kung ano-anong papuri ang natanggap ko sa kanila bago kami nakasakay sa van.

Habang nasa biyahe ay masaya silang nagku-kuwentuhan, pero pagdating namin sa airport ay natahimik sila. 

"Come on, guys. Mabilis lang ang dalawang taon." Sabi ko.

"Kahit na, Little Sis. Iba pa din pag nandito ka sa tabi namin." Sabi ni Kuya Josh

"Basta yung napag-usapan natin, Kuya." Sabi ko at niyakap siya. Humiwalay ako sa kaniya at hinarap ang mga kaibigan ko.

"Guys, as much as possible ayokong isama kayo sa mga plano ko--

"Karryle, alam mo naman na hindi kami papayag diba? Tutulungan ka namin dahil gusto namin." Pagpuputol sa akin ni Leona na ikinatango ko na lamang.

"Fine, pero mag-iingat kayo ah? Kilala niyo ang pamilya ng babaeng 'yon. Alam ko na kaya niyong ipagtanggol ang sarili niyo pero safety niyo ang pinaka-importante sakin." Sabi ko at isa-isa siyang niyakap.

"Okay po, Mama Karryle." Pabirong sabi ni Alliyah na ikinatawa namin.

"Boys, kayo din ah? Mamimiss ko kayong lahat." Sabi ko at niyakap din sila. Ngumiti sila at isa-isang hinawakan ang ulo ko para guluhin ang buhok ko.

"Twin, ready to go?" Sabi ni Oppa na ikinatango ko. Yinakap ko ulit si Eomma, Tita Mommy at Tito Daddy bago pumasok sa loob. 

Hindi na ako lumingon dahil ayokong mas lalo akong mahirapan sa pag-alis ko.

Bago makalipad ang eroplano ay nagsend ko ng message sa group chat namin.

Send me frequent reports on their whereabouts and actions. I want to know everything about their day, even the minor details

Sisiguruduhin ko na sa pagbabalik ko, magbabago na ang lahat.

END OF CHAPTER 62

The Nerd Revenge [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon