Chapter 1

24.7K 283 9
                                    

KATH'S POV

"Adik sayo, awit sa akin

Nilang sawa na saking mga kwentong marathon.

Tungkol sa 'yo, at sa ligayang

Iyong hatid sa aking buhay

Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw..."


Hmmm. Napadilat ako bigla sa narinig kong kanta. Alarm yun ng celphone ko.

Ang weird ba ng alarm tone ko? Napili ko yan kasi yan yung kantang marinig ko lang, tanggal na lahat ng pagod ko. 

Hindi dahil sa idol ko ang Rivermaya kundi dahil tong tinutugtog ng celphone ko ngayon ay kinakanta ng taong pinakamamahal ko.

Ang mas maganda pa dun, nirecord niya talaga yung kanta na to para sakin.

Haaaaay. Masarap simulan ang araw kapag ang unang marinig mo ay yung boses ng taong mahal mo. At ang bonus pa dun, mahal din niya ako.

Oh diba? Ang sarap ma-in love.

By the way, ako nga pala si Kathryn Chandria Bernardo. 13 years old palang ako ngayon pero may boyfriend na ako.

SI Daniel John Ford Padilla.

Best friend turned to lover. Walang kayang makapag hiwalay samin. Matagal na kasi kaming super close. Since birth! Literal na since birth kasi sabay kaming pinanganak. Ang cute no?

Best friends pa ang mga papa namin. At best friends din ang mga lolo namin. Kaya naman matatag ang samahan ng mga pamilya namin. Subok na kasi ng panahon.

Kaya kahit mga bata palang kami, suportado na ng parents namin tong relasyon namin. Gusto din naman kasi nilang kami talaga ang magkakatuluyan. Partners kasi ang mga Padilla and Bernardo sa negosyo. Ang Berdilla Group of Companies. Ang isa sa mga pinakamalaking kompanya sa buong Pilipinas.

Kaya naman laking tuwa ng mga parents namin nung magka inlove-an kami ni Daniel. Wala na kasi ibang pwedeng magmana ng kompanya kundi kaming dalawa lang. Only child lang kasi ako at yung Ate naman ni Daniel ay walang interes sa negosyo na to. Di na din naman niya kelangan magtrabaho kasi napangasawa naman niya ang Crowned Prince ng Yangdon.

Anyway, tama na ang kento about sa family namin. Back to me and Daniel. Pagpasensyahan niyo na, inlababo eh. 6 months na kaming official na mag on. Grade 6 kasi kami nung magkaaminan na kami.

Just Partners (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon