Chapter 15

11.4K 140 14
                                    

Sorry kung medyo ginawa kong suspense kung kay Zharm na part sa previous chapters. Haha. Pero trust me guys, dito sa chapter na ito, malilinawan na kayo ng BONGGANG BONGGA. Dito ma rereveal ang mga totoong nangyari. Ang side ni DJ na hindi ko ipinakita sa previous chapters. Hindi ko talaga muna isinama sa doon kasi para mafeel nyo din naman kung ano nararamdaman ni Kath at para mapaisip din kayo kung ano ba talaga ang nangyayari kay DJ. Hoho.

Mga flashbacks mostly ang nasa chapter na ito kasi nga ayun na yun. Haha. Basta I hope maging clear na lahat after this chapter. Hihi.

Anyways, sorry for the long note. Enjoy! :)

----------------------------------

KATH’S POV

 

Gumising ako na mugtong mugto yung mata ko. Hindi ko na nga madilat yung mata ko ng maayos eh. Dito pala ako natulog kela Julia. Sobrang hinang-hina ako kagabi nung umiiyak ako sa sasakyan kaya nagpasundo ako sa kanya. Baka kung ano pa mangyari sakin kung pinilit kong mag drive.

-Flashback-

 

*tok tok tok*

 

Tumingin ako sa labas ng sasakyan, si Julia pala. In-unlock ko yung pintuan tapos umupo si Julia sa shotgun seat.

 

“Sis..” hinawakan lang ako ni Julia sa balikat. Hindi ko nanaman napigilan, tumulo nanaman yung luha mula sa mga mata ko.

 

Napayakap nalang ako kay sa kanya. Hinayaan niya lang akong humagulgol.

 

“Sige lang Kath. I-iyak mo lang yan.” Hinayaan lang muna niya akong umiyak. Alam naman kasi niya na ayoko talaga agad magkwento pag ganitong fresh pa ang pangyayari. Mas gusto kong magkwento pag nai-iyak ko na ang lahat.

 

After ilang minutes, naubusan na ng luha ang mata ko.

 

“Okay. Now, tell me what happened.” Naramdaman na rin siguro ni Julia na tapos na akong umiyak. Ikwinento ko sa kanya lahat. Yung nakita ko pati yung conversation namin ni DJ.

 

Unfortunately, I was wrong. Akala ko hindi na ako maiiyak pero nung naaalala ko yung mga sinasabi ko sa kanya that time, napahagulgol nanaman ako.

Just Partners (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon