Epilogue

14.3K 267 102
                                    

This is dedicated to RunningmanJi. Hi there! Sorry I wasn't able to give you your desired ending. Salamat sa pagbabasa. :)

Please read my last author's note sa baba? Thank you! <3

-----------------------------

 

“Don’t grieve. Everything you lose comes around in another form.” –Anonymous

 

------------------------------

 

DANIEL’S POV

 

“Happy third wedding anniversary sa aking napakagandang asawa!” sigaw ko ng masaya.

“Kamusta ka na mahal ko? Grabe, three years na tayong kasal. At alam mo bang, mahal na mahal parin kita? Hindi nabawasan, nadagdagan pa nga eh…”

 

“Namiss kita ng sobra. Ako ba namiss mo?”nakatingin lang ako sa nakangiting si Kath, naghihintay ng sagot.

Kahit alam kong wala namang sasagot.

 

 

Paano? Eh picture ang kausap ko.

Three years.

 

 

Three years have passed mula ng mawala si Kath. Pero hanggang ngayon hindi parin ako sanay na wala siya..

Nandito ako ngayon sa tabi ng puntod niya. Sinunod ko lahat ng kagustuhan ni Kath. Dito siya ngayon nakalibing sa ilalim ng paborito niyang puno sa bahay na napag-alaman kong binili pala ni Kath para sa amin..

Tinapos ko na rin ang pag-aaral ko sa LA. Pero kahit na nandoon ako, hindi ko parin nakakalimutang umuwi tuwing birthday namin ni Kath at pati na din pag wedding anniversary namin.

Tulag ngayon, umuwi ako kasi third wedding anniversary namin.

Nasanay na ako ng ganito. Na sa tuwing birthday at wedding anniversary namin, nandito lang ako sa bahay na mag isa. Tatlong taon na akong hindi nagcecelebrate ng birthday.

“Kath, nagawa ko na yung mga gusto mo.. Nag-aral ako ng mabuti. May isa lang talaga akong hindi magawa eh, yung mag move on..”

 

“Kath paano ba? Eh lagi lang kitang naaalala sa lahat ng ginagawa ko. Paano ako magiging masaya? Wala ka naman dito sa tabi ko.” Hinaplos ko yung pangalan niyang nakaukit sa lapida niya.

“Paano ba yan? Makukuha ko pa ba yung surprise ko ha? Ang hirap naman kasi ng pinapagawa mo Kath eh. Sabi mo maging masaya ako.. Paano nga ako sasaya, eh wala ka na nga?” tumulo nanaman ang luha ko.

Just Partners (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon