Chapter 9: Drexel

196 29 7
                                    

Ryouhei's POV:

LECTURE...

LECTURE...

RECESS!

"Tara Naomi sa canteen na tayo kumain, wala akong baon na pagkain e" this time ako na ang lumapit sakanya at nagyaya palabas, ang pangit din naman kasi pag ang girlfriend ang laging nagyayaya.

"Sige, sasabay daw si bhebs satin." pagsang-ayon niya naman.

Ako, si Naomi at si Keith ay papunta na sa canteen pero napatigil kami sa 2nd floor dahil may nakasalubong kaming lalaki. May katangkadan ito pero mas matangkad parin ako. 1.78 mata to! haha

"Oh babe!" nakangiting bati sakanya ni Keith, eto ata yung boyfriend niya kung hindi ako nagkakamali.

"Ah babe, papunta ba kayo sa canteen?" pansin ko sa boses niya ang pagkabored.

"Oo, sabay kana" yaya sakanya ni Keith.

Napatingin naman ako kay Naomi at napansin ko ang pagkairita ng muka niya, susubukan ko sanang itanong kung anong problema pero naalala ko bigla yung contract. Hay, bat pa kasi may contract eh!

"Sige, yun ay kung okay lang kay Naomi" sabi ng boyfriend ni Keith at nagsmirk naman kay Naomi

"Ok lang, tara na nga Ryouhei!" sabay higit niya sa kamay ko, problema neto?! "bwisit..." narining kong bulong niya. Naiwan ang tingin ko kay Drexel na nakangiti naman sakin. Napatingin din ako kay Keith. Kasalukuyang nakatingin sya sa sahig na may malungkot na mukha.

Bakit? Anong meron?

Nauna na kaming nakarating sa canteen at agad din naman nakarating ang dalawa.

Umupo kami dun sa may table na may 4 na upuan.

"Sino oorder?" tanong ni Keith sa boyfriend niya

"Hmm... gusto mo ikaw nalang?" sagot at tanong din ng boyfriend ni Keith.

"Aba tarantado ka ha, ikaw ang lalake pre!" gustong sabihin, pero syempre sa utak ko lang yan. Hindi ko kayang sabihin, di ko pa naman siya lubusan pang kilala.

"Sige" sumangayon naman si Keith.

"Ako nalang ang mag-oorder ng samin" sabi ni Naomi, at sa wakas nagsalita na siya

"Hindi, ako na!" pagtanggi ko sakanya, gentleman ako e.

"Ako na, wag kana makulit. Kung hindi---" di ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya dahil alam kong babanggitin niya yung about sa pagsumbong sakin.

"Oo na, libre nalang kita mamayang lunch." sabi ko sakanya para nadin makabawi ako.

"Sige na oorder na kami, mag carbonara nalang tayo lahat. Kayong dalawa magpakilala na muna kayo sa isa't isa." pahuling sabi ni Keith bago pumunta sa counter.

Kasalukuyang umoorder na ang dalawa at nagpakilala naman sakin tong boyfriend ni Keith.

"Hi ako si Drexel Tiongco ang boyfriend ni Keith, hindi naman halata no? haha" pagbibiro niya, pero sineryoso ko yon.

"Oo hindi halata." seryosong sabi ko.

"Ano? Hm.. magkukunyari akong walang narinig ha." sabi niya at ngumiti "ikaw nga pala si?" pagtatanong niya ng pangalan ko

"Ryouhei, White Ryouhei Longueville." sabay nakipagkamay nako

Hindi ko alam kung bakit pero parang naiinis ako sa ugali niya.

"Longueville? Ah totoo nga na magkaapelyido kayo. Nice! I hope you're not blood related though. That'll be a difficult case. Anyway, so ikaw pala ang boyfriend ni Naomi... kelan pa naging kayo?" tanong niya sakin na halatang interesado sa relasyon namin ni Naomi.

Di nako nagpakita ng kaba nung diniscuss nya yung about sa magkasurname. Hays pero kelan nga ba naging kami ni Naomi? Teka anong isasagot ko?

"Uhm last week lang" pagsisinungaling ko.

"Ay ganon, kami din ni Keith eh" sabi niya.

Sila din? So last week lang pala sila.

"Ah, ganun ba" walang gana na sagot ko.

"Ang ganda ni Naomi no?" pagbabago niya ng topic.

"Oo.." totoo naman na maganda si Naomi eh.

"Ang ganda ng katawan, ang sexy... swerte mo." nakakalokong sabi niya habang nakatingin kay Naomi.

"Tss, anong swerte don?" this time hindi na ako nakapagsinungalin. Ano pa bang sasabihin ko? na maganda katawan niya? eh sawa nako jan e.

"Wow bro lakas mo. Dami-dami nagkakagusto kay Naomi! Pano mo ba napasagot yan?" pagiiba niya ulit ng topic. Alam ko na pinipilit nya lang maging friendly kasi medyo napakunot sya sa huling sinabi ko.

"May tiwala yan sakin kaya nung niligawan ko sinagot niya ako agad. Childhood friends kami" Ginawa ko nalang palusot yung sinabi ni Naomi kay Venice.

"Ah ganun ba... pre, natikman mo na yan?" seryosong nakatingin siya sa mata ko habang tinatanong.

Hindi ko naman agad eto nagets kaya naisipan kong ipaklaro.

"Anong natikman?"

"Hahaha nagbibiro ka ba? oh bakla ka?" natatawa at may halong pangiinsultong tanong niya.

"Hindi ako bakla. Hindi lang kita maintindihan. Ano bang ibig sabihin mo?" pagtatanong ko ulit.

"Hm... sige. Nahalikan mo na ba si Naomi?" tanong niya

Sa totoo lang ay hindi pa. Alangan naman na halikan ko ang pinsan ko! Pero nakalagay sa contract ay "NO Kiss&Hugs when we are alone" so that means pwede kaming maghalikan sa public, di ko sure kung meaning niya ay yung pag nasa labas ay pwede kami magkiss. Kaya napagdesisyunan ko na isagot ay:

"Oo, natural lang naman yun sa magsyota." pagsisinungaling ko

"Naks pare, kala ko naman bakla ka. So natikaman mo na? I mean kung nagawa niyo na ba?" seryosong tanong niya ulit.

Naiintindihan ko na ang ibig niyang sabihin. Ang ibig sabihin niya kung nag sex na daw kami.

"Hindi pa Drexel, bata pa kami at alam ko ang limitations namin. At hindi din naman papayag si Naomi. Hindi ako after sa ganung bagay. Pero inaamin kong gusto ko yon kasi lalaki ako, nakocontrol ko naman hindi isipin dahil nirerespeto ko si Naomi." nagpapakatotoong sagot ko.

"Si Naomi hindi papayag!? Hahaha madami kang hindi alam pare" sarkastikong natatawang sabi niya.

Problema ba nito? Nababadtrip nako! Ano bang tingin niya sakin? Cheap boyfriend na after lang sa sex? Pwes hinde! Konti nalang talaga babanatan ko na to!

Umangat siya ng konti sa inuupuan niya at nilapit niya ang muka niya sa isang tenga ko

"Ako kasi natikman ko na yan, ang sarap nga e. best night..." bulong niya sakin sabay inilayo na niya ulit nang ulo niya.

Hindi ko siya pinaupo sa upuan niya dahil pinatikim ko siya ng isang malakas na suntok

*BLAG!*

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya sinapak ko siya ng sobrang lakas. Hindi naman niya nagawang umupo sa upuan niya kaya napaupo siya sa sahig

*BLAG*

Sinapak ko ulit siya sa may bandang mata habang nakaupo parin sa sahig.

DON'T YOU DARE MESS UP WITH MY (FAKE) GIRLFRIEND!

Love is thicker than blood!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon