Chapter 3

53 4 2
                                        


1week after they met

Yasmin Point of view

"penge" sabi ko nang makita ko ang tinatagi niya sa ilalim ng mesa

"Ayoko nga" malamig nitong sabi

I flipped my hair and look at him

"pag hindi mo ko binigyan isusumbong kita ngayon kay Mr. Edison na kumakain ka sa oras ng klase niya" sabi ko ng may ngiti sa aking mga labi

Alam kong gagana to takot niya lang magsumbong ako

Napailing ito at agad inusod ang pagkain niya na nakatago sa ilalim ng table

"tsk bibigyan din naman pala ako kailangan lang pala kitang takutin" sabi ko at maingat na kumuha ng pagkain niya

Bandang likuran ang pwesto namin kaya hindi kami masyadong halata na kumakain kami dito

Hindi lang naman kami ang gumagawa nito pati ung nasa dulo kumakain din ng patago

"Bakit ka ba kasi lumipat dito" sabi nito habang ang ulo nito ay nananatiling nakatingin sa harap

"Pake mo ba saka dito na ko nakaupo" sagot ko sa kanya

He just tsk without looking at me

Napaka sungit ng taong to parang hindi shinoot yung bola para maging kaibigan ako

I rolled my eyes at binuksan ang libro kunwari nagaaral ganun charot

Dahan dahan akong dumukot sa ilalim at sinubo sa bibig ko

Grabe ang sarap talaga pag hinihingi lang yung pagkain

Patuloy lang ang teacher namin sa patuturo

Ilang oras din ang lumipas ay natapos din ang klase namin

Kinuha niya ang mga gamit niya sa lamesa at nilagay sa bag

Kinuha ko naman ang libro at ibinalik yun sa bag ko

"Gala tayo" pag aaya ko

Patuloy lang ito sa pag aayos ng gamit niya na parang walang naririnig

Kinuha nito ang bag niya at aakmang aalis na

Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya

"Hoy! Ano gala tayo?" tanong ko ulit

Tumingin ito sa gilid at likod niya tinuro nito ang sarili at sign na tinatanong niya kung sya ba

Tumango ako bilang sagot

"Ako pala kausap mo akala ko may kausap kang multo" sagot nito

Aba! punyeta ka

"Ang sama mo sakin" sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang bandang dibdin ko para  umakto na nasaktan 

Pero nanatili lang itong nakatayo at walang emosyon

Umayos ako ng tayo dahil grabe napaka cold niya

Perhaps Love? (On-Hold) Where stories live. Discover now