Chapter 4

64 2 2
                                    


Chapter 4

Yasmine point of view

"hey may extrang ballpen ka pa ba?" he asked

Tumango ako at kinuha ang pencil case ko para ibigay sakanya yung extrang ballpen ko

Bumalik ako sa pag susulat ng notes na hindi ko na sulat dahil nakatulog ako sa klase

It's already been a month simula nung naging magkaibigan kami pero hindi ko talaga maisip na magiging close kami ng ganto

"Sobrang busy ah yan tulog ka ulit sa klase sa susunod hindi na kita pakokopyahin ng notes" pangaasar niya

Grabe nakakaantok naman kasi talaga paano paulit ulit nalang yung lesson namin sa History every time pa na aabsent siya uulit kami from the start tas nagoovertime pa minsan hmp

"Nakakaantok naman kasi talaga yung History" sagot ko habang nakabasungot at tinutuloy ang pag susulat

"Nope, hindi naman talaga sya boring try mo kasi intindihin yung lesson and you'll be amaze from the story and lessons behind it" sabi nito

Hmp past is past dapat move on na

Napanguso nalang ako at tinuloy ang pag susulat ko ng notes

May 3 hours free time kami dahil absent yung tatlong sunod sunod na teacher namin kaya sa 3 hours na yon ginawa na namin lahat ng kailangan namin gawin lalo na ako kailangan ko pang tapusin sulatin itong mga notes kahapon

Halos lahat ng kaklase ko ay may ginagawa yung ibang nagkukumpulan na lalaki ay naglalaro sa kanya kanya nilang cellphone, ang iba naman ay nagbabasa ng libro at nagrereview pero karamihan ay nagcecellphone lang talaga

Gaya nalang netong nasa tabi ko humiram ng ballpen tas naglaro nalang siya sa cp nya tas ako eto tamang inggit lang

Sinilip ko kung ano ang nilalaro niya dahil parang nagcoconcentrate talaga siya

Baka naglalaro lang den ng Ml or COD---CANDY CRUSH?!?!

akala ko ba naman kung anong nilalaro nito grabe

Lumingon ito sa akin nang may pagtataka sa kanyang mukha nung mapansin niya na nakatingin ako sa kanya

"What?"

Napailing nalang ako at tinuloy ang pagsusulat ko

Minsan talaga iniisip ko nalang kung pinag sisisihan ko na naging kaibigan ko to

Pero syempre hindi--hindi ko pinagsisisihan na nakilala ko siya well minsan oo joke HAHA

Cold lang siya makitungo pero mabait at maalaga naman siya may pagkakalog pa nga choss HAHAHA

So ayun nababagot na talaga ako dahil kanina pa ako nag susulat hindi ko alam paano niya kinaya magsulat ng 5 page mg notes yung totoo notes paba toh

"Pwede bang sa bahay ko na to ituloy ibabalik ko nalang tatamad na talaga ako e" paalam ko

"Sabado bukas, walang pasok Yasmin sana ayos ka lang" sagot nito habang naglalaro pa din

Grabe ah candy crush is life pa din anong taon ba pinanganak toh nahuli yata

"Edi pupunta nalang ako sa inyo para ibalik itong notebook mo,easy diba" i smugly said

"Bahala ka basta ibalik mo lang sakin yung notebook ko ng maayos" he said without even looking at me

Ngiting ngiti akong inayos ang gamit ko at saka inilabas ang cellphone ko

Napaka boring masyado ng cellphone ko bukod sa Facebook at Messenger lang ang dinownload kong app ay wala ng kahit ano pang mapaglilibangan ko dito

Mukhang mapapa fb nanaman ako

Binuksan ko ang Facebook ko at tamang scroll lang sa timeline ko nang biglang nagvibrate ang cellphone ko

From: Mom
Hello sweetie, i know may klase ka ngayon pero pwede ba after class mo dumaan ka sa cafe natin para kunin yung dumating na package? Love you😘

Mukhang mapapagala muna ako ah hihi

Nagreply ako sa message ni mom at bumalik sa pagfa-facebook

The bell rang sign that the class is over

"Tian mauna kana hindi na muna ako sasabay sayo may dadaanan pa ko eh" paalam ko at inayos ko na ang gamit ko

"May pupuntahan ka?" Tanong niya sakin

"Yeah kukunin ko yung package sa cafe sa may kabilang street" sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko na ginamit namin kanina

"Samahan na kita maaga pa naman para umuwi" sabi nito at nakatutok na sya sa cellphone niya na parang may katext

"Ako kausap mo?" turo ko sa sarili ko

Lumingon ito sa akin na para bang nanghuhusga

"Bakit may iba pa ba akong kausap ngayon?" sarkistong sabi niya

"Hindi mo sure baka mamaya may nakikita ka na hindi ko pala nakikita" sagot ko pabalik

He just tsked me at bumalik sa pagtatype sa cellphone niya

Inayos ko ang uniform ko na nalukot at siniot na ang bag

"Talagang sasamahan mo ko?" tanong ko ulit baka mamaya kasi magbago ang isip

Tumango lang ito at hindi pa din tinatanggal ang tingin sa cellphone niya

Nakangiti nalamg at hinila na siya palabas ng classroom

Nilakad lang namin pareho papunta sa Cafe ni Mommy dahil sa kabilang street lang naman yun

Nang makarating kami dun ay agad kong hinanap sa isa sa employees ni mommy yung package at as expected ay tinulungan ako ni Christian dahil hindi ko alam na ganto karami at may pagkabigat pa ang laman ng mga box na to

"Sandali tatawag ako ng taxi medyo mabigat to baka hingal na hingal na tayo bago pa tayo makarating sa inyo" sabi nito at lumabas para magtawag ng taxi

Nakita kong may natawag na siya kaya agad kong kinuha ang ibang package na kaya ko lang at ipinasok yun sa taxi maging si Christian ay ganun din ang ginawa

Nang makarating kami sa bahay ay tinulungan pa din ako nito na magbuhat papasok sa bahay
Inilapag namin lahat sa ibabaw ng lamesa at halatang nabigatan siya sa bitbit niya dahil hinihingal ito

"hintayin mo ko dito ah kuha lang kita tubig" sabi ko at tumango ito sakin
Umalis agad ako at nagtungo sa kusina para ikuha siya ng tubig

Pag ka tapos kong maglagay sa baso ay agad din akong bumalik

"here, thank you sa pagtulong sakin bitbitin tong mga to" sabi ko at ibinigay sa kanya ang baso na may lamang tubig

"No problem hindi naman ganun kabigat kaya ayos lang" sagot nito

Sus hindi daw kaya pala hinihingal nung ipinasok na sa bahay

"You know.. nakikita ko siya sayo" bulong nito pero sapat lang ang lakas para marinig ko

"Sino? ganun na ba ko kaganda para makita mo siya saki--"naputol ako sa pagsasalita ng bumulong ulit ito

"How i wish ikaw nalang siya"

Isang malakas na katahimikan ang bumalot sa samin dalawa hindi ko alam bakit biglang baging awkward yung sitwasyon samantalang wala naman nakakailang sa sinabi niya

Mukhang nagdrdrama talaga siya hindi nalang ako magrereact sa sinabi niya baka namatayan to hindi ko lang alam

"Sana hindi ko nalang siya nakilala"

Perhaps Love? (On-Hold) Where stories live. Discover now