Chapter 5

59 4 6
                                    

Merry Christmas everyone!

Shout out to MewyLavs for making me smile.

Have fun reading! mwauh

~

"Sana hindi ko nalang siya nakilala"

Ano kaya problema nun bigla nalang tumakbo palabas saka sinong siya? tas nakikita niya ko sa kanya, ay pak akala ko unique ako grabe nakakahurt

Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagsusulat, nandito ako ngayon sa kwarto ko tinatapos yung susulatin dahil gabi na nang naalala kong ibabalik ko pa to sa may ari

ay shet

Paano ko to babalik e hindi ko naman alam saan bahay non

Napahiga nalang ako sa kama dahil wengya ang lakas pa ng loob ko magsabi kanina na ibabalik ko sa tong notebook niya sa kanila hindi ba pwedeng sa Monday ko nalang ibalik? tangina naman e lalo tuloy ako nastress

Kinuha ko ang phone ko para tawagan siya nang biglang nagring ito at lumabas dun ang pangalan niya

nako po nagpaparamdam na

Sinagot ko iyon at itinapat sa tenga ko

"Hel--"

"Magkita tayo sa may plaza ngayon hihintayin kita don" sabi nito at pinatay ang tawag

Ako naman ay naiwang nakatengga paano  ba naman kasi wala na ngang hello hello tas straight to the point pa hindi naman ako ready na ganun yung sasabihin niya malay ko ba duh

Napakabit balikat nalang ako at tumayo na para magbihis dahil ayokong lumabas ng naka pajama lang

Pagkatapos ko magbihis ay nagpaalam ako na may pupuntahan dahil baka mamaya hanapin ako samin pagalitan pa ko

Lumabas na ako ng gate hindi na rin ako nagtaxi dahil malapit lang naman ang plaza dito samin. Mabuti nalang maraming poste ng ilaw dito sa dinaraanan ko madali nalang para sakin na tignan yung daan

Nang makarating ako sa lugar kung saan niya sinabi agad ko siyang hinanap kung saan siya banda

Nakita ko siyang nakaupo lang sa bench naka puting t-shirt ito at tahimik na nakaupo

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya

"Akala ko hindi ka na dadating" sabi nito ngunit hindi ako nilingon

"Ayoko naman maghintay ka dito buong gabi saka balak ko din ibalik to sayo" sabi ko at iniangat ang notebook na dala ko

"Pwede mo naman ibalik sakin yan sa monday" napailing ito at umayos ng upo

"Sabi mo ibalik ko agad e masunuring bata lang naman ako" pabiro kong sabi

"May gagawin ka ba ngayon?" tanong niya

Tapos na rin naman ako sa mga notes nagpaalam na rin naman ako kay mama hindi naman masama kung sasamahan ko siya

"Wala naman" tipid kong sagot

Tumayo at hinila ako pa tayo

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nagpaubaya nalang ako dahil alam ko naman na hindi niya ko sasaktan

"Hindi ka ba magtataka kung saan kita dadalhin?" kalmado nitong tanong habang naglalakad kami papunta sa kung saan

"As if naman na may gagawin ka sakin diba? isa pa maraming tao isang sigaw ko lang may makakarinig na sakin" sagot ko at napatango nalang ito

"bakit may balak ka ba?"biro ko at nginitian lang ako nito 

Pumasok kami sa loob ng isang mall hindi naman ito ganun kalayo mula sa pinang galingan namin madami pa din ang tao at bukas pa ang mga store sa loob

Sumakay kami ng escalator papuntang 2nd floor at doon na kami nahinto

Sa isang sinehan

"Hindi ako marunong pumili ng magandang palabas kaya ikaw nalang ang pumili" sabi nito

Tinignan ko ang mga nakascreen sa board madaming magandang palabas pero hindi ko naman alam kung ano yung mga trip nyang panoorin

Hindi ko alam kung anong palabas ang gusto niya kaya yung sa tingin ko nalang na magugustuhan niya yung pinili ko

Aakmang kukunin ko na ang wallet ko ng pigilan niya ko

"Ako na magbabayad" maikli nitong sabi

Hindi na ko kumibo at hinayaan nalang siya. Hindi naman sa wala akong pera pero siya naman  nag aya kaya hinayaan ko nalang babawi nalang ako sa kanya next time.

 
After niyang magbayad ay umorder na din siya ng popcorn at maiinom. Wow galante sana all diba joke baka magbago isip e 

"Ako na maghahawak niyan" sabi ko dahil nakakahiya na siya na nagbayad siya pa maghahawak isang Large popcorn lang naman inorder nya saka dalawang medium drinks kaya hindi naman ganun kabigat yun. Kapal naman ng mukha ko kung pati ba naman to siya pa 

Hindi na sya nakaangal nang kunin ko na yung inorder pero kinuha niya yung dalawang drinks at pumasok na sa loob. Napakapit ako bigla sa dulo ng damit niya dahil halos wala akong makita,madilim na sa loob at tanging ang screen lang ang nakikita ko ng ayos 

"ayos ka lang ba?" tanong niya at umiling ako bilang sagot

"sorry ..hindi kasi ako nakakakita ng ayos sa dilim"sagot ko

Hinawakan niya ang kamay ko upang tulungan ako makarating sa uupuan namin

Base sa view ng screen nakapwesto kami sa bandang dulo ngunit gitnang parte sapat na para makita namin ng ayos 

Nilagay naman niya ung drinks sa holder at kinuha ang popcorn sakin para makaupo ako at umupo sa tabi ko

"umm..tinawag mo ko para manood ng sine?" tanong ko ngunit hindi niya kinibo 

Nagstart ang movie ng hindi kami nagkikibuan i guess ayos na yun? Hindi naman ganun ka awkward e hehehe




Natapos ang movie ng nine o'clock doon ko lang kasi narealize na three hours movie pala yon pero ayos lang ang ganda naman may pagka horror yung movie kaya ayos lang 

Magkasama kami ngayon sa isang bench nasa labas na din kami kahit gabi ay kita padin ang view ng lugar dahil sa mga naggagandahang ilaw sa paligid 

"Thank you.."

Nilingon ko siya ngunit nakatingin lang ito sa iisang dereksyon

"Para saan?" tanong ko

Wala naman kasi akong nakikitang rason para pasalamatan niya ko

"Sa pag sama sakin.... gumaan kahit papaano yung nararamdaman ko" aniya at may lungkot sa kanyang mga labi

Alam ko may problema siya halata sa mga mukha niya na may iniinda itong problematic pero ayoko naman mangi elam sa buhay niya, kaibigan niya lang naman ako e hindi lang masyadong halata

"Kung may kailangan ka o hindi naman kaya kailangan ng taong makikinig sayo wag kang mahiyang sabihin sakin, promise makikinig ako" sabi ko at nginitian siya

Tinignan naman niya ako at nginitian din Alam ko na tinatago niya lang ang bawat problemang meron siya sa pamamagitan ng pagiging cold sa iba pero huwag kang mag alala nandito ako para makinig sayo

"Being you with me is already enough to make me feel special"

And my heart start beating like crazy

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perhaps Love? (On-Hold) Where stories live. Discover now