Simula
"Come on Shiara, tanggapin mo na lang kasi na hindi ka mapapansin ng crush mong author na 'yan!" Inis kong sabi sa bestfriend ko.
Kanina pa kasi siya nakatunganga sa picture ng crush niyang author. Kung hindi ko lang talaga siya kilala ay mapagkakamalan ko na ang isang 'tong baliw.
"Hindi ko siya crush! MAHAL ko siya", Singhal niya saakin habang naglalakad kami patungong Mercedez Academy.
"Pffft. Mahal mo? E ni hindi ka nga niyan kilala! Naku gumising ka na Shi at masasaktan ka lang"
"Ano naman ang magagawa ko? Nafall na ako kay KIB ihhh," ngumuso siya at tumingin sa gawi ko.
"Palibhasa kasi sayo Crystal, hindi ka pa nagmahal, kaya mo yan nasasabi ngayon." At binelatan pa ako nang loka. So immature! Hayy. Pasalamat siya at mahal ko siya kasi kung 'di ko yan kilala ay mabibigwasan ko talaga siya. Hahaha.
MERCEDEZ ACADEMY. It was engraved in bold letters intricately made so once you come in, you can immidiately tell that students here come from well-know and wealthy families. But don't think that I'm also one of these spoiled kids. Haha. Actually, I'm a scholar here. And beside me is my bestfriend Shiara Nicolette Mercedez. Siya ang anak ng may-ari ng school na'to, yaman noh?
"Makapagsalita 'to! Kala mo naman kayo talaga ng KIB na yan! Ewan ko nga sayo. Tara na!" At hinila ko na siya papunta sa room namin. Some students were glaring at me. Tsk. Insecurities nga naman. Kasi nga dahil close kami ni Shiara ay marami na agad akong haters. Yeah , HaterS kasi marami.
"Manggagamit talaga siya girl! Confirmed!"
"'Di man lang nahiya. Kumakapit sa mayaman, eww. "
"Once a gold digger, always a gold digger."
Grabe sila! Bumulong pa sila, e dinig na dinig naman. Mga bruhilda talaga. Ewan. Bahala nga sila.
Pagdating namin sa classroom ay naupo na kami sa usual naming upuan. My usual seat is at the back while Shiara prefers to sit infront. Well, wala naman iyong problema saakin. Ako kasi kahit wala sa unahan, makakaasa kang mataas na ang makukuha kong mga marka. Haha. As I've said, I'm a scholar here so I have to maintain my grade. Habang si Shiara naman sa unahan lagi. Ewan ko ba sa babaeng yun, hindi naman sa pagiging mayabang or what pero mababa pa rin nakukuha niyang mga score sa test. Tsk. Pero dahil mahal ko siya ay tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ko siya. And I must say na magaling naman siya.
"Psst! Crystal!" Sabay siko saakin ni Jenice, my seatmate. I gave her a what-do-you-want look.
"Pakopya na lang ako ng assignment bukas, ah?" Pagpapacute pa niya. Hmm. Yeah. Nakakainis! Palibhasa mayaman. Tss.
" 'Kay." Sagot ko. Hahayaan ko na lang siya . It's her loss, not mine. At the end of the day siya lang naman ang walang matututunan.
Dumating naman ang prof. namin. Discuss. Discuss. Discuss. Blah. Blah. Blah. Boring...
As the the bell rang, I began to gather my books and Grabbed my bag. Habang si Shiara naman ay busy pa sa pakikichismisan ay kinalabit ko.
"O, anyare sayo girl?" Except from being bored ay wala naman.
"By the way, may pag uusapan pa tayo!" Sabay hila niya saakin.
Naupo agad kami sa favorite seat namin. Hindi na kailangang pumila pa since sosyalera itong bes ko. Haha. And may nag dadala na lang nang karaniwan naming orders. Discrimination noh?
Tiningnan naman ako ni Shi ng mala pusa niyang mata. Mukhang maluha luha pa siya. Ano naman kaya ang dramang hatid ng kaibigan kong ito?
"What's that look for?"
"Tulungan mo naman ako! Huhuhu" at suminghap singhap pa ang loka.
"Saan na naman ba?"
"Mapansin man lang ako ni KIB! Hindi man lang niya siniseen messages ko ! Habang yung ibang fangirls niya , nirereplyan niya? Kainis. Mas maganda pa naman ako dun." Irap niya. Huwaw.
"Ano gusto mo gawin ko? Kidnapin ko yang author na yan? Huh?"
"HAHAHA! Patawa ka talaga crystal! Naku. Pano mo 'yon makikidnap e ni hindi nga nagpapakilala o mag pakita man lang ng mukha! Laging naka mask." Mukhang hopeless case na talaga siya e.
"Iyon naman pala. Sayo na mismo nanggaling na walang nakakakilala sakanya! At naka mask? Wow lang ha. Pa special masyado e!" Inis kong sabi at hinigop ko yung orange juice ko.
"Kahit naman naka mask siya gwapo pa rin siya e. At wag la ngang kontra jan bakla. Sa story pa lang niya maiinlove ka na , pano pa kaya pag makita mo mukha niya? Sigurado, laglag panty mo." Humagalpak naman siya sa kakatawa.
"Patingin nga niyang KIB na yan!" I demanded. Nakakacurious na kasi. Ano bang pinakain ng Kib na yan para mabaliw 'tong bestfriend ko.
Kinuha niya yung LATEST IPHONE niya at hinanap yung pics. Nang mukang nahanap niya na ay hinablot ko iyon sakanya at tiningnan yung kib daw.
dugdug.dugdug.dugdug.
Naramdaman ko naman na biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakuu. Ano ba 'tong nangyari saakin? Last time I checked ay wala naman akong sakit ah?
Nakabawi naman agad ako and I wore my usual bored look.
"Yieeeee! Kiniligg na siya oh!! Kunwari ka pa eh! Pero akin lang siya. Sorry ka na lang." Pangaasar niya sa akin.
"May sinabi ba akong akin siya, ha? Wala diba? " Ani ko
"Buti at nagkakaintindihan tayo. " she said at tinaasan pa ako ng kilay nung bruha.
"Oh, so anong plano mo ngayon?" Tanong ko.
"GAWAN MO KAMI NG STORY , PLEASE!"
Say what?
-----------
A/N:
So is it a yey or a nay? Votes and comments are very much appreciated ;)
BINABASA MO ANG
Story For My Bestfriend (KnightinBlack's)
Cerita PendekWhat if your bestfriend is inlove with an author who she bearly even knows? And asks you to write a story about them. Just when everything was turning out so well. The most unbelievable thing happened. Tama nga sila, You can't expect everything to...